Litratong ipininta ni Juan Luna na syang nanalo ng isang gold medal sa Exposición Nacional de Bellas Artes noong 1884 sa Madrid
Spoliarium
Isang ulam na kung saan gumagamit ng toyo, suka, bay leaf, maraming bawang at pamintang buo, na hinding hindi mawawala pag outing.
Adobo
Anong paboritong pagkain ng mga magician?
Turon
Sayaw na kung saan ipinaguumpog ang mga bao ng niyog.
Sayaw ng Maglalatik
Madalas sinasamahan ng bagoong, tinatawag sya na "Peanut Soup" ng mga bashers/haters nito.
Kare-kare
Anong tawag sa kalabaw na umaakyat ng puno?
Magaling
Kinikilala bilang syang nag-katha ng Lupang Hinirang
Julian Felipe
Ulam na yari sa dugo at laman ng baboy
Dinuguan
Bakit ginawa ang kotse?
Kasi Sira
Ang bunsong prinsipe sa Kahariang Berbanya
Don Juan
Gawa ito sa mga bahaging-ulo ng baboy at ang mga laman nito, at maaaring palasahan ng kalamansi at/o sili. Minsan may mayonnaise pa.
Sisig
Pano tinayo ang La Salle?
Edi Benilde
Sinabi nito ang sumusunod na pangungusap:
"Mamamatay akong hindi man lang makikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan. "
Elias
Mula sa Nueva Ecija at Pampanga, ang putahe na ito ay gawa sa sigarilyas, gatas ng niyog, siling labuyo, bawang, sibuyas at bagoong alamang.
Gising-gising
Bakit mahirap ang buhay pag wala kang likod?
Kasi marami kang hinaharap.