Ilang taon sinakop ng Espanya ang Pilipinas?
333 TAON
Saang bansa nakakulong si FPRRD matapos mahatawan ng warrant of arrest ng ICC?
NETHERLANDS
Bea Alonzo, Angel Locsin, Enchong Dee, Angeline Quinto, Sam Milby
FOUR SISTERS AND A WEDDING
Nabagsak, bumagsak, bagsakan. Ano ang tawag sa mga pantig na idinugtong sa salitang ugat na “bagsak” upang magbigay ng iba’t ibang kahulugan nito?
PANLAPI
Sana'y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam. Ayon sa Up Dharma Down, kanino na lang dapat sila nakinig kung alam lamang nila na masasaktan sila nang ganoon?
SA NANAY NILA
Aling treaty o kasunduan ang nagtapos ng giyera sa pagitan ng mga Espanyol at Amerikano kung saan nabili ng mga Amerikano ang Pilipinas sa halagang $20M?
TREATY OF PARIS
Sinong "senador" ang nanguna sa ginanap na 2025 Philippine General Elections noong Mayo?
BONG GO
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Dawn Zulueta, Richard Gomez, Khalil Ramos
SHE’S DATING THE GANGSTER
Yoohoo! Over naman sa abang ng question! Namujane ka? O ikaw dito, bwelo. Ang lahat ng ito ay bahagi ng viral na Igiters vocabulary. Magbigay ng iba pang salita o pariralang bahagi nito kasama ng kahulugan nito.
HYDROGEN, MGA GKANUUUN, MELDY BELL, TO THE MOAN AND BACK, ETC.
Minsan gusto kong magsumbong sa'yo. Maiisip ka raw ni Maki hangga't may langit na kulay ano?
KAHEL / ORANGE
JOSE P. LAUREL
Kung matatanggal sa pwesto ang si President Bongbong Marcos AT Vice President Sara Duterte, sino ang tatayong pangulo ng bansa ayon sa 1987 Consitution?
SEN. TITO SOTTO (SENATE PRESIDENT)
Vice Ganda, Eugene Domingo, Maris Racal, Anthony Jennings, Gladys Reyes
AND THE BREADWINNER IS…
Ano ang natatanging Spanish-based creole language sa Asya na karaniwang ginagamit ng mga naninirahan sa Cavite, Zamboanga, atbp.?
Kayo po na naka upo, subukan nyo namang tumayo! Kung mayroon daw hamon sa lamesa ng may-ari ng malaking bahay at malawak na bakuran kahit na hindi naman Pasko, ano lamang ang ginagawang ulam nila Gloc-9 upang mapagkasya ang ₱50 sa buong maghapon?
TUYO'T ASIN
Bago dumating ang mga Espanyol, ano ang tawag sa mga aliping walang sariling pamamahay at nakikitira lamang sa kanilang mga amo?
ALIPING SAGUIGUILID
Ayon kay VP Sara Duterte, alin daw ang mas masakit pa kaysa sa ma-impeach ng House of Representatives?
MAIWAN NG BOYFRIEND/GIRLFRIEND
Nova Villa, Sarah Geronimo, Xian Lim, James Reid, Kim Molina
MISS GRANNY
Anong salitang Filipino ang naglalarawan sa isang paraan ng pananalita, na sa wikang Espanyol, ay tumutukoy din sa ari ng babae?
CONYO
Maglaro tayo, gagayahin mo ako! Sa kantang Halukay Ube ng Sexbomb Girls, anong sikat na larong pambata, na gumagamit lamang ng mga kamay, ang featured sa rap section nito?
APPEAR DISAPPEAR
Ano ang pangalan ng pahayagan ng Katipunan na siyang pinamatnugutan ni Emilio Jacinto?
KALAYAAN
Ano ang pangalan ng iskandalong kinasasangkutan ni Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan nagkaroon daw ng pagmanipula ng mga boto sa naging eleksyon upang siya ang manalo?
HELLO GARCI / GLORIAGATE
Toni Gonzaga, Iza Calzado, Piolo Pascual, Joross Gamboa, Cai Cortez
STARTING OVER AGAIN
Ang dayalek ay ang pagbabago sa loob ng wika batay sa tono, impit, o mga mismong salita. Ano ang dalawang uri ng dayalek?
REHIYUNAL AT SOSYAL (SOSYOLEK)
Saan huminto ang jeepney na sinakyan ni Yeng Constantino, dahilan ng pagdikit niya sa kaniyang natipuhang kapwa pasahero?
TAPAT NG ESKUWELA