Ano ang Teorya ng Multiple Intelligences?
Ito ang teorya ni Howard Gardner na nagsasabing may iba’t ibang uri ng talino ang tao.
Kung may kaklase kang mahusay magsayaw pero hirap sa pagsusulit sa Math, paano mo maipapakita ang paggalang sa kanyang Multiple Intelligences?
Sa pamamagitan ng pagkilala sa galing niya sa sayaw at hindi paghahambing sa iba; ipapakita kong bawat isa ay may kakaibang talino.
Ano ang Linguistic Intelligence?
Ang uri ng talino na ginagamit sa pagsusulat, pagbabasa, at pagsasalita.
Ano ang Intrapersonal Intelligence?
Ang taong mahilig magnilay, mag-isip ng malalim, at kilala ang sarili ay may ganitong uri ng talino.
Ano ang Logical-Mathematical Intelligence?
Ito ang talino ng mga taong mahusay sa mga numero, lohika, at problem solving.
Ano ang Musical Intelligence?
Kung magaling kang umawit, tumugtog ng instrumento, o marunong sa ritmo, anong talino ito?
Kung ikaw ay may Musical Intelligence, paano mo magagamit ito sa pagpapalaganap ng kabutihang-asal sa paaralan?
Gagawa ako ng kanta o jingle tungkol sa kabutihan at disiplina upang ma-inspire ang mga kaklase kong gawin ang tama.
Ano ang Bodily-Kinesthetic Intelligence?
Ang taong magaling sa sayaw, sports, o paggamit ng katawan ay may ganitong uri ng talino.
Ihambing ang Intrapersonal at Interpersonal Intelligence. Paano sila parehong mahalaga sa mabuting pakikitungo sa iba?
Ang Intrapersonal ay tumutulong upang makilala ang sarili, habang ang Interpersonal ay tumutulong upang makipag-ugnayan sa iba. Parehong kailangan para sa balanseng ugnayan at pag-unawa sa kapwa.
Ano ang Interpersonal Intelligence?
Ito ang talino ng mga taong marunong makipagkapwa at madaling makisama sa iba.
Kung ikaw ang lider ng grupo, paano mo magagamit ang Interpersonal at Linguistic Intelligence para mapagtagumpayan ang proyekto?
Makikipag-usap ako nang malinaw sa mga miyembro, makikinig sa kanilang ideya, at gagamit ng mabuting komunikasyon upang magkaisa ang grupo.