Ano ang dapat gawin ng isang anak kapag may tungkulin siya sa bahay?
Tupdin ang kaniyang tungkulin.
Ano ang isang paraan upang maipakita ang pagmamahal sa pamilya?
Pagtulong
Ano-ano ang mga kalakasan ng pamilya?
Pagmamahal, pananampalataya, respeto, at iba pa.
Paulit-ulit na ginagawa ni Carlo ang kaniyang mga gawain kahit walang nagpapaalala. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita niya?
Matiyaga
Tinulungan ni Leo ang kaniyang kapatid na nahihirapan sa isang gawain. Anong pagpapahalaga ang ipinakita niya?
Mapagmahal
Bakit pamilya ang pangunahing kailangan ng isang bata?
A. Dahil ang pamilya ang nagbibigay sa bata ng lahat ng gusto niya.
B. Dahil sa pamilya nagsisimulang mamulat ang bata at nakakakuha siya ng gabay at suporta.
C. Dahil ang pamilya ang responsable sa paggawa ng lahat ng desisyon para sa bata.
D. Dahil mas maraming bagay na matatanggap ang isang bata kapag kumpleto ang pamilya.
B. Dahil sa pamilya nagsisimulang mamulat ang bata at nakakakuha siya ng gabay at suporta.
Nahihirapan si Ana sa kaniyang gawain ngunit hindi siya sumusuko. Bakit mahalaga ang kaniyang ginagawa?
A. Para matapos agad ang lahat ng gawain.
B. Dahil nakatutulong ito sa pagbuo ng mabubuting gawi at pagiging responsable.
C. Para hindi na siya bigyan ng ibang tungkulin.
D. Dahil mas maraming gawain ang nangangahulugang mas mahusay siya kaysa sa iba
B. Dahil nakatutulong ito sa pagbuo ng mabubuting gawi at pagiging responsable.
Paano Maipapakita ang Pagmamahal sa Bawat Isa ng Pamilya?
A. Sa pagbibigay lamang ng regalo
B. Sa pagtulong, paggalang, pakikinig, at pag-aalaga sa isa't isa
C. Sa pagsunod lamang kapag may inuutos
D. Sa pag-iwas sa mga problema ng pamilya
B. Sa pagtulong, paggalang, pakikinig, at pag-aalaga sa isa't isa
Bakit mahalaga ang pamilya?
A. Dahil nagbibigay ito ng pera at mga materyal na bagay.
B. Dahil dito natin natututuhan ang pagmamahal, respeto, pananagutan, at mabuting pakikitungo sa iba.
C. Dahil pamilya ang gumagawa ng lahat ng desisyon para sa atin.
D. Dahil nagbibigay ito ng lahat ng gusto at pangangailangan natin.
B. Dahil dito natin natututuhan ang pagmamahal, respeto, pananagutan, at mabuting pakikitungo sa iba.
Napansin ni Ben na mas naging disiplinado siya matapos niyang regular na tuparin ang kaniyang mga tungkulin. Ano ang ipinapakita nito?
A. Ang pagtupad sa tungkulin ay maaaring humubog ng mabubuting gawi at positibong pagtingin sa sarili.
B. Ang paggawa ng maraming tungkulin ay nangangahulugang mas mahalaga siya kaysa sa ibang miyembro ng pamilya.
C. Kapag responsable ka, hindi mo na kailangan ng tulong mula sa iyong pamilya.
D. Ang tungkulin ay mahalaga lamang kapag may nakakakita sa ginagawa mo.
A. Ang pagtupad sa tungkulin ay maaaring humubog ng mabubuting gawi at positibong pagtingin sa sarili.
Ano ang pinakamahalagang regalong matatanggap ng anak sa kanyang mga magulang?
Pagmamahal
Paano mo matatawag na pamilya ang isang pamilya?
A. Kapag nakatira sila sa iisang bahay at may parehong apelyido.
B. Kapag marami silang pera at kayang ibigay ang pangangailangan ng bawat isa.
C. Kapag may pagmamahal sa isa't isa at nananatili silang buo kahit anong mangyari.
D. Kapag palaging nagkakasundo ang bawat miyembro at walang anumang problema.
C. Kapag may pagmamahal sa isa't isa at nananatili silang buo kahit anong mangyari.
Maraming gawain si Maria at gusto na niyang sumuko dahil nahihirapan siya. Alin ang pinakamainam na paraan upang maipakita niya ang pagiging matiyaga?
A. Itigil muna ang lahat at hintayin na may ibang gumawa para sa kaniya.
B. Ipagawa ang kaniyang mga gawain upang makapagpahinga siya nang mas matagal.
C. Ayusin ang kaniyang oras, magpahinga kung kinakailangan, at ipagpatuloy ang kaniyang mga tungkulin.
D. Pilitin ang sarili na tapusin agad ang lahat kahit hindi na siya makapagpahinga.
C. Ayusin ang kaniyang oras, magpahinga kung kinakailangan, at ipagpatuloy ang kaniyang mga tungkulin
Ano ang kailangang gawin ng mga anak para sa ikasisiya ng magulang?
Maging mabuti, responsable, at magpakita ng pagmamahal at respeto
Kung papapiliin ka anong pamilya ang gusto mo, buo pero mahirap o kulang pero mayaman? bakit?
Buo pero mahirap, dahil walang kahit anong yaman ang makapapantay sa halaga ng pamilya.