1
2
3
4
5
100

Ano ang relihiyon na nais ipalaganap ng mga Europeo bilang banal na tungkulin at paraan upang mapigilan ang paglawak ng Islam sa Europa, Africa, at Asya?

Kristiyanismo

100

Ano ang naging bagong tawag sa Imperyong Aztec matapos bumagsak ang Tenochtitlan at tuluyang masakop ng mga Espanyol noong 1521?

New Spain

100

Ano ang tawag sa lugar na pinangalanan dahil sa malalakas na bagyo, naglalakihang alon, at matitinding unos na halos ikalubog ng mga barko ng mga manlalayag?

Cape of Storms

100

Sino ang Portuges na manlalayag na nagsabi ng mga katagang, “To serve God and His Majesty, to give light to those who were in darkness and to grow rich as all men desire to do”?

Bartolomeu Dias

100

Sino ang Italyanong manlalayag na noong 1492 ay nakumbinsi ang kaharian ng Spain na pondohan ang kanyang paglalakbay pakanluran?

Christopher Columbus

200

Aling dalawang bansa sa Europa ang nagkaroon ng matinding tunggalian dahil sa pagnanais na makahanap ng bagong ruta, masaganang yaman, at kapangyarihan sa panahon ng Paglalayag at Kolonisasyon?

Spain at Portugal

200

Ano ang aklat na isinulat batay sa mga ikinuwento ni Marco Polo tungkol sa kanyang karanasan sa kabihasnang Asyano at kalakalan?

The Travels of Marco Polo

200

Sino ang prinsipe ng Portugal na hindi direktang naglayag ngunit naglatag ng matibay na pundasyon ng eksplorasyon, kaya tinaguriang “The Navigator”?

Prince Henry

200

Sino ang manlalayag na Portuges na noong 1488 ay nakapagpatunay na may daan patungong Asya matapos marating ang dulo ng Africa?

Bartolomeu Dias

200

Sino ang Italyanong manlalakbay na noong 1271 ay naglakbay patungong Asya kasama ang kanyang ama at tiyuhin?

Marco Polo

300

Anong bagong lupain ang nadatnan ng mga manlalayag mula sa Espanya sa halip na marating ang Asya?

amerika
300

Ano ang tinaguriang lugar na narating ni Christopher Columbus na nagbukas ng bagong landas para sa eksplorasyon, kolonisasyon, at pagbabago sa kasaysayan ng mundo?

Bagong Daigdig (Americas)

300

Sino ang Italyanong manlalayag na sa kaniyang Portuguese Voyage noong 1501 ay napagtanto na ang mga lupang narating ay hindi bahagi ng Asya kundi isang bagong kontinente?

Amerigo Vespucci

300

Sino ang Portuges na manlalayag na nakarating sa Calicut, India matapos maikot ang dulo ng Africa, at nagbigay ng direktang rutang pangkalakalan patungong India para sa Portugal?

Vasco da Gama

300

Sino ang nagtatag ng Line of Demarcation noong 1493 upang maiwasan ang sigalot sa pagitan ng Spain at Portugal?


Pope Alexander VI

400

Kanino ikinuwento ni Marco Polo ang kanyang mga karanasan tungkol sa kabihasnang Asyano at kalakalan habang siya ay nakakulong sa digmaan laban sa Genoa?

Rustichello ng Pisa

400

Ano ang imperyo na pinamunuan ni Kublai Khan na siyang tumanggap kina Marco Polo at ng kanyang pamilya sa kanilang pagdating sa China?

 MONGOL EMPIRE

400

Sino ang pinadalhan ng ekspedisyon ni Diego Velázquez mula Cuba ngunit binawi ang pagpapadala dahil sa pangamba sa kanyang kapangyarihan?

Hernán Cortés

400

Sino ang babaeng katutubo na naging tagapagsalin at katuwang ni Hernán Cortés sa pananakop ng Mexico?

Malinche

400

Anong mga sakit na dala ng mga Espanyol ang kumitil ng halos 90% ng populasyon ng mga Aztec dahil wala silang natural na resistensya?

Bulutong at Tigdas

500

Kanino humingi ng pahintulot si Francisco Pizarro sa Espanya upang sakupin ang mga bagong lupain at ipinangakong gagawin siyang gobernador ng mga ito?

Haring Charles

500

Sino ang pinuno ng makapangyarihang Imperyong Aztec na nakaharap ni Hernán Cortés noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?

Montezuma II

500

Ang pagpapatupad ng Sistemang Casta na nagbigay pribilehiyo sa mga Espanyol at nagdulot ng diskriminasyon, sapilitang paggawa, at pagbaba ng kalagayan ng mga katutubo ay anong uri ng epekto ng kolonisasyon?

Epektong Sosyal

500

Sino ang naging gobernador ng Cuba noong 1511 na nagpadala kay Hernán Cortés sa isang ekspedisyon ngunit binawi ito dahil sa pangamba sa kanyang kapangyarihan?

 Diego Velázquez

500

Sino ang Espanyol na manlalakbay na unang nakarating sa Peru noong 1526 at nakarinig ng mga kuwento tungkol sa napakaraming kayamanan sa kabundukan?

Francisco Pizarro

M
e
n
u