Kapwa sila nanangis sa naging katayuan nila. Ano ang ibig sabihin ng salitang naka-superscript?
a. nabahala b. naninibugho
c. umiiyak d. umiiwas
C. umiiyak
Parang uod ang katawan niya. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na naka-superscript?
a. mahilig manahimik b. masyadong malikot
c. mabagal gumalaw d. marumi
B. masyadong malikot
Sumasayaw-sayaw ang mga talahib sa ihip ng hangin. Ang tayutay sa itaas ay halimbawa ng _________.
a. pagtutulad b. pagwawangis
c. pagbibigay-katauhan d. pagmamalabis
C. pagbibigay-katauhan
Mas maingay kapag patay kaysa sa buhay.
a. alkansya b. dahon
c. daloy ng tubig d. alon sa dagat
B. dahon
Aling salita ang kakaiba ang kahulugan sa mga pagpipilian?
a. tumalab b. umepekto
c. naganap d. nagkabisa
C. naganap
Natapos din ang piging na dulot ng pagsasamang muli ng magkakapatid. Ang salitang naka-superscript ay may kahulugang _________________.
a. handaan b. pakikidigma
c. pamamasyal d. pagpupulong
A. handaan
Ang labanan ng magkakatunggali sa pulitika ay ngipin sa ngipin. Ang sawikain sa itaas ay may kahulugang _____.
a. gantihan ng ubos kaya b. walang kapatawaran
c. pagpapahiya sa kalaban d. kalabang mortal
A. gantihan ng ubos kaya
Mapapasukan ng kalabaw ang butas ng kanyang ilong. Ang tayutay na ito ay halimbawa ng __________.
a. pagtutulad b. pagwawangis
c. pag-uyam d. pagmamalabis
D. pagmamalabis
Nang hawakan ko'y nandoon pa pero nang lingunin ko'y wala na.
a. buhok b. mata
c. tainga d. anino
C. tainga
Aling salita ang may kahulugan na kaiba sa mga pagpipilian?
a. tumpak b. matuwid
c. tama d. wasto
B. matuwid
Wala sanang maglilo sa kanilang magkapatid. Ang kahulugan ng salitang maglilo ay ____________.
a. magalit b. magdusa
c. magtaksil d. mamatay
C. magtaksil
Iwasan mo ang batang iyon dahil malikot ang kamay. Ano ang kahulugan ng pahayag na naka-superscript?
a. mapang-api b. nananakit
c. magnanakaw d. mapambuska
C. magnanakaw
Umunlad ang bayan sa laki ng utang. Ang tayutay na ito ay _____________.
a. pag-uyam b. pagmamalabis
c. pagtawag d. pagwawangis
A. pag-uyam
Ibon, bus, jeep, building. Anong mataas sa apat?
LIMA
Ang mga sumusunod na salita ay magkakapareho ang kahulugan maliban sa isa.
a. mamamanglaw b. malulungkot
c. mag-iisa d. malulumbay
C. mag-iisa
Nailagan niya ang paparating na kalaban. Ang salitang naka-superscript ay nangangahulugang ________.
a. nalagpasan b. naiwanan
c. napaghandaan d. naiwasan
D. naiwasan
Hindi siya mapilit na ngumiti dahil kulang ang bakod niya. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na nasa itaas?
a. sira ang ngipin b. pipi
c. bungi d. nauutal
C. bungi
O, tukso... layuan mo ako! Ito ay halimbawa ng tayutay na ____________.
a. pagsalungat b. pagtawag
c. pagmamalabis d. pag-uyam
B. pagtawag
Nag-iisa lang ito sa Amerika at isa rin sa buong Asia pero di nila alam na mayroong tatlo sa Pilipinas, isa sa Maynila, isa sa Visayas at isa rin sa Mindanao. Ano ito?
TITIK I
Aling salita ang may kakaibang kahulugan sa mga pagpipilian?
a. mabasa b. mabatid
c. matalastas d. malaman
A. mabasa
Binusbos niya ang kanyang palad at pinatakan ito ng dayap. Ano ang ibig sabihin ng salitang binusbos?
a. kinagat b. hiniwa
c. sinira d. pinunasan
B. hiniwa
Hindi mapahihiram ng pera ni Kyle si French dahil sa lagot ang pisi niya. Ano ang kahulugan ng sawikain sa itaas?
a. nangungutang b. galante
c. gastador d. ubos ang pera
D. ubos ang pera
Ang kanyang mukha ay tulad sa maamong kordero. Ang naka-superscript na pahayag ay halimbawa ng tayutay na _____________.
a. pagtutulad b. pagmamalabis
c. pag-uyam d. pagwawangis
D. pagwawangis
May labindalawang mangga sa basket. Kinain ang lahat maliban sa lima. Ilan ang natira?
LIMA
Aling salita ang kakaiba ang kahulugan?
a. pumapanaw b. nawawala
c. naglalaho d. natutunaw
D. natutunaw