Names
Names
Names
Names
100

Kung mababasa mo ang kwento ng taong to sa Bibliya, siya ay lider ng mga sundalo. Kaya noong bata to, lagi na din siyang leader ng mga kalaro niya. Sobrang kulit at tigasin to noon kaya noong bata siya sumabit sa alambre yung kilay niya. Kumain din siya noon ng mothballs kasi kala niya candy ang mga iyon. Simula pa noon mahilig na siya maglaro. Kaya niyang hindi matulog ng isang araw basta makalaro siya. Akala niya iyon ang special talent niya. Hindi niya alam, sa pagluluto pala mahuhubog ang sarili niya.  (Second name)

Joshua

100

Pangarap ng batang ito dati na maging isang professional basketball player sa PBA. Pero siempre binago na ni Lord ang pangarap na iyon. Ngayon ay meron na siya special talent sa paggawa ng Home Made Pomada, kayang kaya niya rin pagwapuhin ang mga brothers sa pamamagitan ng malikhain niyang paggugupit ng buhok. (First name)

Philip

100

Ang brother na ito ay sadyang malaki at malusog na simula noong bata pa siya lalo na sa ngayon, pero ayon sa kanyang ina, minsan naman sa buhay niya ay naransan naman niya maging payat kahit papaano, eto ay noong nasa elementary siya at highschool. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang IT personnel sa isang ospital. Ang pinapahulaan ay ang kanyang totoong pangalan at hindi ang palayaw niya na tawag natin sa kanya pero hindi niya alam kung paano nabuo. (First name)

Khristian

100

Magaling kumanta, magaling magturo, magaling magpicture, aba pwedeng pwede na talaga ang sister na ito. Sayang nga lang gusto niya din sana ng mga magagandang picture pero hindi marunong umanggulo ang mga friends niya. Kung di niyo pa rin na-like and subscribe ang kanyang channel, just click on the link below. Follow them for inspirational worship. Pag narinig mo boses nito, mapapahakbang ka talaga! (First name)

Stephanie

200

Ipinagbabawal sa kanya ang bubble gum noong bata pa siya, minsan sinubukan niyang magpuslit nito subalit nahuli siya ng mama niya at siya ay nabigo. Magaling din siyang umiwas kapag schedule na niya ng paghuhugas ng plato. Gayunpaman, napakagaling ng batang ito pagdating sa diskarte, kahit estudyante pa lamang siya ay marami na siyang naging kliyente sa t-shirt printing, button pin, tarpaulin at iba pa. Mapagbigay din siya dahil may libreng iced coffee o milk tea tuwing nakakakuha siya ng bagong kliyente. (First name)

Angelo

200

Ito yung taong laging nasa kapitbahay noong bata pa. Malayo ang agwat sa edad sa mga niya kapatid pero hindi naging dahilan iyon upang hindi siya magkaroon ng mga kaibigan. Sa unang tingin ay akala mo'y siya ay masungit. Pero kapag naging kaibigan mo'y lahat susuungin niya para sa iyo. Hilig niya ang mag DIY pero higit sa lahat, hilig niya ang pagsulat ng tula. May kapangalan siya sa Bible na isang byuda na bumalik sa Israel. (First name)

Naomi

200

Siya ang pinaka ate sa magkakapatid at makikitang mo talaga kung gaano niya sila alagaan. Mahilig siyang magbasa at pangarap nya magtravel sa Japan. Muntik na siyang mawala dati noong bata siya dahil sa lagi siya nakatitig doon sa may tulay sa kanila. Mabuti na lang at nakita siya ng kanyang lola. Ang kanyang pangalan ay isang uri ng bulaklak (First name)

Daisy

200

Siya daw ang tinaguriang ampon sa pamilya nila. Noong bata sya ay nahilig sya manuod ng telenovela. Kahit wala silang TV ay nakikinuod sya sa kapitbahay kahit nagagalit na ang may ari ng bahay. Kaya tinuring siyang ampon dahil ibang iba ang ugali niya sa lahat. Sa sobrang nuod nya ng telenovela, pag nagagalit sya sa pamilya niya ay mgdadrama sya at sasabihin niya lalayas na daw sya. Agad syang mg iimpake ng gamit niya, kahit umuulan ay lalabas sya tangay ang iilan sa mga damit nya at mg papaulan sa labas at iiyak. Take note, 10 meters away lang yun sa bahay nila. Gayunpaman siya ang pinakamamahal na ampon ng pamilya at pinakamamahal din teacher ng kanyang mga students. (first name)

Ann

300

Sa kanilang magkakapatid madalas sabihin na siya lamang ang tunay na anak. Ito ay dahil siya lamang ang hindi allergic sa hipon sa kanilang magkakapatid. Ang kanilang ama at ina ay hindi naman allergic sa hipon kaya talagang nakakapagtaka na allergic ang lahat ng kapatid niya dito maliban sa kanya. Mahilig din siyang manuod ng anime at tumugtog ng violin. (Second name)

Angeline

300

Sa lahat ng trivia na nalaman namin tungkol sa inyo, dito ata kami pinakanatuwa at namangha. Nung bagong panganak pa lang sya (like 5 minutes pa lang siya sa mundo) habang nililinis siya ng doctor, nagtanong yung doctor kung japanese ba siya  at sumagot naman siya ng "hai" kaya sa gulat ng lahat nagtakbuhan palabas ng delivery room yung mga doctor at nurses at iniwan siya sa lababo mag- isa.. Siguro sabi ng doktor "nani???"
buti mabilis sila bumalik sa ulirat nila at binalikan siya agad XD. December siya ipananganak kaya kinuha ang pangalan niya sa salitang ang ibig sabihin ay "winter". Hobby niya ang pagpipaint at mahusay din siya sa calligraphy. (first name)

Fuyumi

300

Nakatira siya sa isa sa pinakamagandang isla sa Pilipinas. Kapangalan ng kapatid niya ay isang Prinsesa na sumikat din sa memes dahil sa pagbabalat ng patatas. Mahirap iispell ang propesyong gusto niya basta gusto niyang maging doktor sa mata. Kamangha-mangha din ang post niya na may caption na "Feel The Breeze" habang nakahiga sa buhanginan sa tabing dagat (first name)

Reyner

300

Maganda at sobrang talented ng batang ito. Kapag pinagbuhusan nya ng oras ang isang bagay nagiging magaling talaga sya dun kaso lang minsan wala syang tinatapos..pabago bago kasi sya ng gusto. Pero napakasipag nya sa gawain bahay. Meron din siyang napakatalas na memory, magaling sya magkabisa ng mga disney character, kayang kaya irecite yung script ni Merida ng Brave at ni Snow White. May talent din siya sa pagcocompose ng kanta. (Second name)

Abigail

400

Maputi talaga siya noong siya ay pinanganak pero ngayon hindi na masyado. Dahil ito sa kasipagan nya noong bata pa siya, dati ay nagtitinda siya ng Bawang Paminta sa mga sari sari store pagkatapos ng pasok niya sa school, kainitan un ng araw kaya naman talagang medyo nasunog siya. Sa ngayon ay nasa isang malayong lugar siya na malamig at hindi masyadong sumisikat ang araw. Pero ang pinahulaan ay second name niya. Pangalan din ito ng isang bansa. (Second name)

Israel

400

Ang sister na ito ay napakartistic. Tahimik tignan pero sobrang makwento pala pag naging close kayo. Minsan aabutin kayo ng madaling araw. Mahilig sya mag paint marami sya nipapaint na nsa loob ng kwarto nya. Kung kailangan niyo din ng model sa pictures, game na game siya. Ang galing ng mga creative shots nito. Trivia dati rin siyang pianista ng ating church. (First name)

Mary

400

Tahimik lang din ang batang ito sa umpisa pero sobrang friendly kapag nakausap mo. Mahilig siya sa mga online games at hobby nya rin ay paglalaro ng baseball dati. Gusto niyang maging volleyball player at makapasok sa IT industry. Sa bible siya ang nag-anoint kay King David (First name)

Samuel

400

Tahimik lang ang batang ito pero talaga namang napakatalino. Consistent honor student siya sa school at kahit noong nasa children pa sila. Marunong din siyang mag-gitara siempre pa dahil anak lang naman siya ng legend na gitarista ng quiapo. Gusto niyang makapagtravel abroad at matuto ng iba pang language. (First name)

Michaela

500

Bata pa lang ay interested na siya sa mga kotse at motor. Tunog pa lang ng makina nito alam na niya agad kung anong pangalan ng kotse at motor. Amazing! Paborito niyang subject ang math. Wish niya daw dati na wala ng English at Filipino kundi puro math na lang. Ang second name niya ang pinapahulaan. Kapangalan niya ang bidang scout ranger sa movie na UP. (Second name)

Russel

500

Paborito namin tong lahat kasi napakamasiyahin niya lagi siyang nakangiti, kahit tinatanong mo na siya, sasagutin ka lang niya ng ngiti. Mahilig siya sa realistic drawing at pangarap niya maging artist pero dati pangarap nya maging isang Flight Attendant at maging isang Hacker. (First name)

Grace

500

Itong batang ito ay talaga naman lumaki ng maayos, literal na lumaki sa sobrang tangkad niya. Kaya nga nakahiligan niya talaga ang pagbabasketball. Sa sobrang pagkahilig niya ay naaksidente siya at nabaliaan ng kamay. Dahil dito kinailangan siyang operahan. Pero maayos naman na siya ngayon. (first name)

Carl

500

Tahimik siya pero pag nakilala mo siya sobrang lambing. Mahilig siyang magbasa at mahilig sa photography.  Pangarap nya din maging chef challenging lang daw kasi kaliwete sya. Gusto niya din maging isang magaling na programmer. Ang ibig sabihin ng kanyang pangalan sa greek ay Brave (first name)

Andrea

M
e
n
u