Mitolohiya ng Africa
Mitolohiya ng Africa II
Anekdota ni Mullah Nasr Edin
Pagkilala sa Uri ng Tula
Epiko ng Mali
100

Ano ang maaaring ipinahihiwatig ng pagtira ni Sa sa isang lugar na puno ng putik bago ito inayos ni Alatanga?

A. Na ang kapangyarihan ay hindi kailangang samahan ng kaayusan

B. Na mas mahalaga ang kalikasan kaysa sa mga diyos

C. Na ang diyos ng kamatayan ay sadyang mahilig sa karumihan

D. Na ang kaguluhan ay tanda ng kasamaan

a – Ipinapakita na kahit may kapangyarihan, maaaring wala itong kaayusan hanggang may tumulong o nagbago ng kalagayan.

100

Ayon sa paniniwala sa kuwento, bakit mahalaga ang kaluluwa kaysa sa pisikal na katawan?

 

A. Dahil ang katawan ay pansamantala lamang

B. Dahil ang kaluluwa ang nagpapanatili ng pagkakakilanlan ng tao

C. Dahil ang katawan ay madaling masira

D. Dahil ang kaluluwa ay maaaring makita ng ibang tao

b – Ayon sa teksto, ang kaluluwa ang nagpapanatili ng identidad ng tao kahit matapos ang kamatayan.


100

POWER-DOWN:Random Deduction 🎲
Kapag mali, Magro-roll ng number sa roleta at iyon ang mababawas sa score.

Sa kuwento sa bazaar, bakit maaaring sabihing naging bahagi rin si Mullah ng impluwensiya ng karamihan?

A. Dahil sumunod siya sa mga mamimiling siya mismo ang nakaakit

B. Dahil ayaw niyang mapag-iwanan sa pagbili

C. Dahil napilitan siyang tumakbo

D. Dahil natakot siya sa dami ng tao

a – Siya ang nagpasimula ng paglapit ng mga tao ngunit siya rin ay sumunod sa kanilang galaw.


100

POWER-DOWN:Random Deduction 🎲
Kapag mali, Magro-roll ng number sa roleta at iyon ang mababawas sa score.

Ito ay debateng patula tungkol sa isang paksa na may dalawang panig: sang-ayon at di-sang-ayon. May tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa o lakambini.

Balagtasan


100

POWER-DOWN:Negative Strike
Kapag mali, –100 points agad ang score. 

Siya ang hari ng Mali na nakatanggap ng hula na magkakaroon siya ng anak na magiging dakilang bayani ng kaharian.

Haring Maghan Kon Fatta


500

POWER-UP:Double Points
Kapag nakuha nila ito, ang susunod nilang tamang sagot ay doble ang puntos.

Ano ang maaaring pangunahing dahilan kung bakit ayaw ni Sa na mag-asawa ang kaniyang anak?

A. Takot siyang mawalan ng impluwensiya sa kaniyang anak

B. Gusto niyang manatiling diyosa ang kaniyang anak

C. Hindi niya gusto ang ugali ni Alatanga

D. Ayaw niyang dumami ang mga diyos sa mundo

a – Malinaw sa kuwento na ayaw niyang mapalayo ang anak kaya nais niyang manatili ito sa kaniya.


500

POWER-DOWN:Opponent Bonus
 
Kapag mali ang sagot, +1500 points ang kalabang team. 

Bakit sinasabing maaaring bumalik sa buhay ang isang tao kapag ang kaluluwa ay muling sumanib sa katawan?

A. Dahil hindi pa ganap ang kamatayan

B. Dahil malakas ang espiritu ng tao

C. Dahil pinapayagan ito ng mga diyos

D. Dahil may kapangyarihan ang katawan

a – Ipinahihiwatig na hindi pa ganap ang kamatayan kung may pagkakataong bumalik ang kaluluwa.


500

Sa kuwento ng pagpupulong, ano ang ipinapahiwatig ng paulit-ulit na tanong ni Mullah kung alam ba ng mga tao ang kaniyang sasabihin?

A. Sinusukat niya ang talino ng mga tao

B. Sinusubukan niyang ipakita ang kahalagahan ng pag-iisip bago makinig

C. Sinusubukan niyang pahabain ang oras ng pulong

D. Gusto niyang malaman kung sino ang kaniyang kaibigan

b – Ipinapakita niya na mahalagang gamitin ang pag-iisip sa pakikinig at pagkatuto.

500

Ito ay tulang sagutan na ginagawa sa lamayan kung saan may kunwaring nawawalang singsing ng hari o prinsesa na nahulog sa dagat.

Karagatan


500

POWER-DOWN: Half Score
Ang kanilang score ay mahahati sa dalawa. 

Siya ang pinakapangit na babaeng natagpuan ng mga kawal at naging asawa ng hari upang matupad ang hula.

Sogolon Kedjou

800

Ang pagtatanan ng anak ni Sa kay Alatanga ay nagpapakita ng alin sa mga sumusunod?

A. Ang paglabag sa awtoridad bilang paraan ng paghihiganti

B. Ang paghahanap ng kalayaan laban sa kontrol ng magulang

C. Ang pagpapakita ng katapangan laban sa mga diyos

D. Ang pagtakas bilang tanging solusyon sa problema

b – Ang pagtanan ay paraan ng paghahanap ng kalayaan mula sa kontrol ng magulang.


800

POWER-UP: Double Points
Kapag nakuha nila ito, ang susunod nilang tamang sagot ay doble ang puntos.

Ano ang ipinahihiwatig ng paniniwala na ang kaluluwa ng masasama ay nananatili sa mundo?

 

A. Hindi sila tinatanggap sa kabilang daigdig

B. Hindi sila pinapayagang mamatay

C. Ayaw nilang iwan ang kanilang pamilya

D. May mga gawaing hindi pa nila natatapos

d – Ang mga kaluluwa ng masasama ay nananatili dahil may mga bagay pa silang dapat ayusin o ipaghiganti.


800

POWER-UPS: Steal Chance
Kung mali ang kabilang team, sila ang puwedeng sumagot at makakuha ng puntos.

Kung susuriin ang kuwento ng palayok, bakit naging posible para kay Mullah na sabihin na “namatay” ang palayok?

A. Dahil naniwala ang kapitbahay sa ideyang maaari itong “manganak”

B. Dahil may kapangyarihan si Mullah

C. Dahil hindi mahalaga sa kapitbahay ang palayok

D. Dahil nagbiro lamang siya

a – Tinanggap ng kapitbahay ang maling lohika noon kaya ginamit iyon laban sa kaniya.

800

POWER-UP: Second Chance
Kapag mali ang sagot, puwede pa silang sumagot ulit.

Ito ay mga tulang pumupuri o nagpapasalamat sa Diyos, kay Hesukristo, o sa Birheng Maria.

Dalit


800

Siya ang unang asawa ng hari na naging reyna at ina ni Dankaran Touman.

Reyna Sassouma Berete


1000

Ano ang ipinahihiwatig ng paglitaw ng araw dahil sa tunog ng mga ibon?

A. Ang kalikasan ay tumutugon sa damdamin ng mga nilalang

B. Ang kapangyarihan ng mga diyos ay limitado

C. Ang liwanag ay bunga ng aksidente

D. Ang langit ay madaling maawa sa mga nilalang

a – Ipinapakita na ang kalikasan at kosmos ay tumutugon sa tunog at damdamin.

1000

POWER-UPS: Shield 🛡️
Pinoprotektahan sila sa isang power-down. Kahit matamaan sila ng power-down, hindi ito gagana.

Kung susuriin ang paniniwala sa kuwento, ano ang pangunahing layunin nito sa lipunan?

A. Takutin ang mga tao tungkol sa kamatayan

B. Turuan ang mga tao na huwag matakot sa espiritu

C. Hikayatin ang mga tao na maging mabuti

D. Ipaliwanag ang lahat ng misteryo ng mundo

c – Ang ganitong paniniwala ay nagtuturo sa mga tao na maging mabuti upang magkaroon ng magandang kapalaran sa kabilang buhay.

1000

POWER-UP: Double Points
Kapag nakuha nila ito, ang susunod nilang tamang sagot ay doble ang puntos.

Ano ang maaaring aral mula sa reaksiyon ng mga tao sa bazaar nang sila ay agad na sumunod sa sigaw ni Mullah?

A. Ang tao ay laging naghahanap ng aliw

B. Ang tao ay madaling maimpluwensiyahan ng pangako ng pakinabang

C. Ang tao ay likas na matipid

D. Ang tao ay mahilig sa kaguluhan

b – Madaling maakit ang tao sa pangako ng murang bilihin o pakinabang.

1000

POWER-UP: Second Chance
Kapag mali ang sagot, puwede pa silang sumagot ulit.

Isang uri ng tulang may 14 na taludtod at may tiyak na ayos ng tugma tulad ng Petrarchan o Shakespearean.

Soneto


1000

Power Down: Back to Zero
Kapag nagkamali, babalik sa 0 ang score.

Siya ang panday na tumulong kay Sundiata at gumawa ng mabigat na bakal na ginamit nito upang makatayo.

Farakourou

1500

Kung susuriin ang buong kuwento, ano ang pangunahing mensaheng pilosopikal nito?

A. Ang galit ay nagdudulot ng pagkawasak ng mundo

B. Ang mga diyos ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay

C. Ang pagkakaiba-iba ng mundo ay bunga ng relasyon at alitan

D. Ang kalikasan ay mas makapangyarihan kaysa sa diyos

c – Ang kuwento ay nagpapaliwanag na ang pagkakaiba-iba sa mundo ay bunga ng ugnayan at alitan ng mga diyos.


1500

POWER-UP: Shield 🛡️
Kapag tama, sila ay maproprotektahan sa isang power-down. Kahit matamaan sila ng power-down, hindi ito gagana. 

Ano ang pinakamalalim na ideya tungkol sa kamatayan na ipinapakita ng kuwento?

A. Ang kamatayan ay katapusan ng lahat

B. Ang kamatayan ay isang paglipat lamang ng kalagayan

C. Ang kamatayan ay parusa sa mga tao

D. Ang kamatayan ay gawa ng mga diyos

b – Ang kamatayan ay hindi katapusan kundi isang paglipat sa ibang kalagayan ng pag-iral.


1500

Ano ang ipinapakita ng tatlong kuwento tungkol sa paraan ng pag-iisip ni Mullah?

A. Mahilig siyang magpatawa lamang

B. Gumagamit siya ng kakaibang lohika upang ipakita ang kahinaan ng pag-iisip ng iba

C. Hindi niya naiintindihan ang mga tao

D. Umaasa siya sa swerte

b – Madalas gamitin ni Mullah ang lohika at kabalintunaan upang ipakita ang kahinaan ng pag-iisip ng iba.

1500

POWER-DOWN:Random Deduction 🎲
Kapag mali, Magro-roll ng number sa roleta at iyon ang mababawas sa score.

Ito ay tulang naglalarawan sa buhay, paniniwala, katangian, at pilosopiya ng mga magsasaka.

Pastoral


1500

POWER-UP: Second Chance
Kapag mali ang sagot, puwede pa silang sumagot ulit.

Ito ang malaking labanan kung saan natalo ni Sundiata ang hukbo ni Soumaoro Kante.

Labanan sa Krina