PANDIWA
PANGNGALAN
PANG-URI
PANG-ANGKOP
PANG-UGNAY
1

Kinakailangang maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe ng iyong kampanyang panlipunang (social awareness campaign) ipinaglalaban dahil_____________________.

A. makatitipid sa papel na gagamitin

B. mapakikilos ang publiko sa adbokasiyang ipinaglalaban

C. madali itong mabasa ng mga ordinayong mga mamamayan

D. mababasa ito nang mabuti ng mga taong may problema sa paningin

C. madali itong mabasa ng mga ordinayong mga mamamayan

1

Ano ang ibig sabihin ng salitang nakaitim sa: Daming ebas ni kuys.

A. base                      B. baso                      C. ebs                        D. sabi

D. SABI

1

Noong nakakakita ka, ‘di mo ako nakita. Nang mabulag ka, doon mo _____ ako nakita… Salamat, kabayan. Salamat, my baby dragonfly…” Empoy Marquez, Kita Kita (2017)

A. na                          C. ng

B. lang                            D. rin

B. LANG

1

Sa pagbuo ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign), mahalagang magkaroon ng ____________________________sapagkat kung wala nito, mawawalan ng saysay o kabuluhan ang adbokasiyang iyong ipinaglalaban.

A. angkop na disenyo

B. iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya

C. suportang manggagaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan

D. salawikain at kasabihang magagamit sa pagbibigay ng mensahe

B. iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya

1

Starting Over Again (2014)

"I deserve an explanation! I need an acceptable reason!"

Ano ang dahilan at nanghihingi ng paliwanag ang bidang lalaki?

A. gumawa kasalanan

B. nagdesisyong mag-isa

C. umalis nang walang paalam

D. tumalikod sa responsibilidad

D. TUMALIKOD SA RESPONSIBILIDAD

2

“Matalino akong tao e, Pero parang sayo, ewan ko, natatanga ako.”

Kathryn Bernardo, The How’s of Us (2019)

Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito?

A. Madiskarte sa buhay.

B. Maling pagpili sa pag-ibig

C. Mahusay gumawa ng desisyon.

D. Madaling magbago ang pananaw

B. MALING PAGPILI SA PAG-IBIG

2

Huwag ka _____ mag-pabebe diyan. Gawin mo na ‘yang trabaho mo, ngayon na!”

A. muna                                             C. ng

B. nang                                              D. nga

A. muna

2

Salitang ikinakabit kapag ang kausap ay kapanalig mo na maririnig mo lamang sa radyo.

A. kasangga              B. kapatid                  C. kasama                 D. katandem

D. KATANDEM

2

Ayon sa pelikula, nagkasakit ang kanilang ama at may taning na ang buhay kaya’t silang magkakapatid ay nagkaroon ng pag-uusap/kasunduan na magkita-kita tuwing Linggo upang mapasaya ang kanilang ama.

A. layon                        C. tema o paksa

B. tauhan                     D. gamit ng salita

C. tema o paksa

2

__________ kaugalian ng mga ninuno natin, maluwag nating tinatanggap ang isang tao kung ang hagdanan ng tahanan ay ibinababa.

A. Alinsunod kay      B. Batay sa   C. Sa kabilang banda D. Sa kabilang dako

B. Batay sa

3

________ Huse, bawal pumunta sa pagdiriwang ng pista si Mutyang Perdin.

A. Ayon kay              B. Alinsunod kay      C. Samantala            D. Sa kabilang dako

A. Ayon kay

3

Ito ay pagpapakita ng pagtanggap sa sarili na hindi lahat ng gustuhin ay maari makamit. Alin sa mga sumusunod na linya ng pelikula ang nagpapakahulugan sa pahayag?

A. “Minahal ka na ba? Nagmahal ka na ba?”Kathryn Bernardo, Can’t Help Falling Inlove (2017)

B. “Hindi mo naman kasalanan kung hindi mo’ko mahal.”-Maja Salvador, I’m Drunk I Love You (2017)

C. “Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko?” -Bea Alonzo, Four Sisters and a Wedding (2013)

D. “Walang sigurado. Pero minsan, kailangan mo lang maniwala.”-Julia Baretto, Love You to the Stars and ack (2017)

D. “Walang sigurado. Pero minsan, kailangan mo lang maniwala.”-Julia Baretto, Love You to the Stars and ack (2017)

3

Bakit naging “baby” ang salitang “bb”?

A. dahil katunog ang bigkas

B. dahil sosyal ang sumulat

C. dahil umaayon sa nasa uso

D. dahil may kamukhang mga letra

A. DAHIL KATUNOG ANG BIGKAS

3

Panganay na anak. Isang ama na nahihirapang matustusan ang pangangailangan ng sariling pamilya.

A. layon              C. tema o paksa

B. tauhan                    D. gamit ng salita

B. TAUHAN

3

Naituro nang lahat ni Tomas ang dapat na malaman ng mga taga-Gapan kaya naisipan niyang umalis at bumalik sa kalangitan, _________ nalulungkot si Aliah at ang kaniyang dalawang anak.

A. alinsunod sa            C. sa kabilang banda

B. samantala               D. sa kabilang dako

 C. sa kabilang banda

4

Ito ay tumutukoy sa patalastas o komersiyal sa bawat pagitan ng programa na nagsisilbing isponsor ng programang panradyo.

A. BIZ                         B. Client                     C. SFX                       D. Standard Cord

  B. Client

4

One More Chance (2007)

"She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lahat yun." Ano ang mahihinuha sa diyalogong ito?

A. umibig at nasaktan

B. samahang walang iwanan

C. nagmahal nang walang kapalit

D. pagtinging hindi pinahalagahan

D. pagtinging hindi pinahalagahan

4

Paano mo sasabihin nang pinakaimpormal ang salitang: Pare, legit ito?

A. 2ll, leg8?               B. pare, 22o?            C. pare, talaga?       D. repa, true ba?

D. repa, true ba?

4

Propesiyon nina Auring at Richard mula sa Komentaryong Panradyong "Hello, Paalam"

GURO

4

Ano ang kahulugan ng piybertdey na ginagamit ng kabataan sa multimedia?

A. baby day               B. happy birthday    C. pay day                 D. puppy day

B. HAPPY BIRTHDAY

5

Paano isinaayos ang pamagat na: Huling-halinghing at Hiling ni Huling?

A. mahaba                B. maikli                     C. malaki                   D. napakaikli

A. MAHABA

5

sumasalamin sa katotohanan ng buhay

_ O _ _ M _ N _ _ _ _ O 

DOKUMENTARYO

5

Anong uri ng impormal na komunikasyon kung ikaw ay sasabihan ng isang online gamer na: “Awit naman talaga sa iyo. Awitized”?

A. balbal                    B. banyaga                C. kolokyal                D. pormal

A. BALBAL

5

“Hugasan agad ang sugat na mula sa kagat ng hayop tulad ng aso at pusa”, Ang paksa ng kampanyang panlipunang (social awareness campaign) na ito ay tungkol sa _________.

A. pag-aalaga ng aso at pusa

B. pag-iwas sa banta ng rabies

C. paunang lunas sa paggamot ng sugat

D. tamang pamamaraan ng pagpapaligo sa alagang aso at pusa

B. pag-iwas sa banta ng rabies

5

Tawag sa mga kabataang naaaliw sa panonood ng dramang mula sa South Korea

MILENYAL