Ano ang ibig sabihin ng salitang oikonomeia?
Pamamahala sa tahanan
Ano ang suliraning pang-ekonomiya na maaaring maging suliraning panlipunan?
Kakapusan
Ano ang pinakauna sa herarkiya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow?
Pisyolohikal
Ito ay isang sistema ng distribusyon o paglalaan at pagbabahagdan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng isang pamayanan.
Alokasyon
Ito ay ang paggamit ng mga produkto at serbisyo bilang pagtugon ng isang tao sa kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan para sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Pagkonsumo
Ito ay tumatalakay sa gawi o behaviour ng isang indibidwal o kolektibong negosyo at sambahayan tungkol sa kanilang produksiyon at pagkonsumo.
Maycroekonomiks
Ano ang tawag sa panandaliang di-kasapatan ng mga pinagkukunang-yaman?
kakulangan
Ano ang pinakamataas sa herarkiya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow?
Kaganapan sa Sarili
Ito ay mekanismo ng alokasyon ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
Tradisyunal na ekonomiya
Magbigay na kahit tatlong salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?
Pagbabago ng presyo, kita, mga inaasahan, pagkakautang, demonstration effect
Ito ang agarang paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at makamit ang kasiyahan.
Agarang pagkonsumo
Ito ang pagbili ng isang produkto o serbisyo na hindi gaanong ginagamit, kaya naaaksaya ito kapag may natirang labis mula dito.
Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkamit ng respeto sa sarili at sa kapwa.
Atensyon at Pagkilala
Ito ang pagbili o pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo upang lumikha ng isang panibagong produkto o serbisyo.
Produktibo
Ito ay tumutukoy sa istratehiyang ginagawa ng mga negosyo upang makaakit ng maraming mamimili para ikonsumo ang kanilang mga produkto o serbisyo kapalit ng kanilang kita.
Pag-aanunsiyo
Ito ay ang pagbabawas sa gastusin para sa paggawa na hindi nagbabawas, ngunit magpapanatili o magpapaganda sa kalidad ng isang produkto o serbisyo.
Economy
Ito ay ang pagtaas ng resulta ng paggawa o output mula sa naibigay na kakayahan o input o pagbaba sa input para sa mas mataas na output na hindi nagbabawas.
Efficiency
Ito ay ang pagkamit ng mga inaasahang resulta o paglagpas sa inaasahang resulta ng isang paggawa.
Effectiveness
Ito ay paraan ng pag-aanunsiyo na kung saan nahihikayat ang mga taong bumili ng isang produkto kung patotohanan ng isang sikat o pinagkakatiwalaang personalidad ang bisa at husay ng produkto o serbisyong kaniyang ineendorso o kinakatawan.
Testimonial
Magbigay ng tatlong pamantayan sa pamimili.
mapanuri, maalternatibo o pamalit, hindi nagpapadaya, sumusunod sa badget, hindi nagpapanic buying, hindi nagpapadala sa anunsiyo