H
E
L
L
O
100

Naniniwala ka ba na nagbago ang panlipunang aspeto ng mga Pilipino nang dumating ang mga kastila, partikular sa antas ng mga tao?

A.    Hindi, nanatili ang dating antas ng lipunan at walang nagbago.

B.    Oo, nagbago ang antas ng lipunan at nakabatay ito sa lahi, yaman at edukasyon.

C.    Hindi, nanatiling pantay-pantay ang katayuan ng mga Pilipino sa lipunan.

D.    Oo, tumaas ang antas ng lahat ng Pilipino at naging bahagi sila ng naghaharing uri.


Oo, nagbago ang antas ng lipunan at nakabatay ito sa lahi, yaman at edukasyon.

100

Ano ang ipinapakita ng sistema ng pagtutulungan sa sinaunang pamayanan?

A.    Walang halaga ang papel ng kababaihan sa pamayanan.

B.    Tanging ang kalalakihan lamang ang may responsibilidad sa kabuhayan.

C.    Ang bawat kasapi, lalaki man o babae, ay mahalaga at may pantay na pakinabang sa pagtutulungan.

D.    Ang mga tao ay hindi nagtutulungan at kanya-kanyang hanapbuhay lamang ang kanilang ginagawa..


C.    Ang bawat kasapi, lalaki man o babae, ay mahalaga at may pantay na pakinabang sa pagtutulungan.

100

Ano ang katangian ng mga Mestizo sa lipunang kolonyal noong panahon ng Espanyol?

A.    Sila ay mga purong Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas at may mataas na impluwensiya sa lipunan.

B.    Sila ay may lahing Pilipino at Espanyol, nasa ikatlong antas ng lipunan, at mas mataas sa mga katutubong Pilipino.

C.    Sila ay itinuturing na pinakamataas na antas sa lipunan, mas mataas kaysa sa Peninsulares.

D.    Sila ay mga mestizong may lahing Pilipino at Espanyol na walang anumang pribilehiyo.


B.    Sila ay may lahing Pilipino at Espanyol, nasa ikatlong antas ng lipunan, at mas mataas sa mga katutubong Pilipino.

100

Ano ang mga karapatan at tungkulin ng kababaihan sa sinaunang lipunan?

A.    Sila ay walang karapatan sa ari-arian ng pamilya at nakatuon lamang sa gawaing bahay.

B.    Sila ay may karapatan sa ari-arian ng pamilya, nagsasaayos ng pangangailangan ng kasapi nito, at may tungkulin sa pagpapalaki ng mga anak.

C.    Sila ay hindi pinapayagang magkaroon ng anumang papel sa ekonomiya at lipunan.

D.    Sila ay may tungkulin lamang sa pangangalakal at hindi inaasahang mag-alaga ng pamilya


B.    Sila ay may karapatan sa ari-arian ng pamilya, nagsasaayos ng pangangailangan ng kasapi nito, at may tungkulin sa pagpapalaki ng mga anak.

100

Ang bawat tao ay may pakinabang, ano man ang kanilang kasarian.

SINAUNANG LIPUNAN O PAMAHALAANG KOLONYAL

SINAUNANG LIPUNAN

200

Paano naapektuhan ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino sa pagtatag ng pamahalaang kolonyal?

A.    Mayroon silang ganap na kalayaan sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.

B.    Naging mas malaya ang kanilang pamumuhay kumpara sa dati.

C.    Nawala ang kanilang malayang pamumuhay dahil sa pananakop.

D.    Nanatili ang kanilang tradisyunal na pamamahala at kultura nang walang pagbabago.


Nawala ang kanilang malayang pamumuhay dahil sa pananakop.

200

Paano nagbago ang katayuan ng mga taong-bayan sa lipunang kolonyal sa ilalim ng mga Espanyol?

A.    Ang mga katutubong Pilipino ay tumaas ang antas sa lipunan at nagkaroon ng mas maraming pribilehiyo.

B.    Nanatiling pantay ang pagtingin sa lahat ng tao sa lipunan, anuman ang lahi.

C.    Ang mga katutubong Pilipino ay binigyan ng mas mataas na posisyon kaysa sa mga Espanyol.

D.    Mas nangibabaw ang mga Espanyol sa lipunan, habang itinuring na mababa ang mga katutubong Pilipino.


D.    Mas nangibabaw ang mga Espanyol sa lipunan, habang itinuring na mababa ang mga katutubong Pilipino.

200

Ano ang katangian ng mga Indio sa lipunang kolonyal noong panahon ng Espanyol?

A.    Sila ay mga purong Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas at may mataas na impluwensiya sa lipunan.

B.    Ang Indio ay tawag sa mga katutubong Pilipino at itinuturing na nasa panghuling antas ng lipunan.

C.    Sila ay itinuturing na pinakamataas na antas sa lipunan, mas mataas kaysa sa Peninsulares.

D.    Sila ay mga mestizong may lahing Pilipino at Espanyol na walang anumang pribilehiyo.


B.    Ang Indio ay tawag sa mga katutubong Pilipino at itinuturing na nasa panghuling antas ng lipunan.

200

Ano ang papel ng kababaihan sa sinaunang lipunan pagdating sa paggawa ng desisyon at gawaing panlipunan?

A.    Sila ay walang karapatang gumawa ng desisyon para sa kanilang pamilya at komunidad.

B.    Sila ay may karapatang magpasiya sa kanilang pamilya at maaaring maging babaylan o manggagamot sa pamayanan.

C.    Sila ay limitado lamang sa gawaing bahay at hindi pinapayagang maging lider sa anumang ritwal.

D.    Sila ay may karapatang maging babaylan ngunit hindi maaaring gumawa ng desisyon sa kanilang pamilya.


B.    Sila ay may karapatang magpasiya sa kanilang pamilya at maaaring maging babaylan o manggagamot sa pamayanan.

200

Ang mga babae ay walang kapangyarihan magdesisyon sa lipunan.

SINAUNANG LIPUNAN O PAMAHALAANG KOLONYAL

PAMAHALAANG KOLONYAL

300

Ano ang apat na pangunahing antas ng lipunan sa sinaunang pamayanang Pilipino at ano ang kanilang ginagampanan?

A.    Maginoo, Maharlika, Timawa, at Alipin—lahat ay may pantay-pantay na katayuan sa lipunan.

B.    Ang Maginoo ay pinakamataas na antas, ang Maharlika at Timawa ay malalayang mamamayan, at ang Alipin ay nagsisilbi sa iba.

C.    Ang Maharlika ang pinakamataas na uri sa lipunan, kasunod ang Maginoo, Timawa, at Alipin.

D.    Ang Alipin ang namumuno sa lipunan, habang ang Maginoo ang pinakamababang uri.


B.    Ang Maginoo ay pinakamataas na antas, ang Maharlika at Timawa ay malalayang mamamayan, at ang Alipin ay nagsisilbi sa iba.

300

Ano ang naging epekto ng pananakop ng Espanyol sa katayuan ng mga Pilipino sa lipunang kolonyal?

A.    Nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila.

B.    Nagkaroon ng mga pribilehiyo ang mga Kastila, samantalang nawalan ng karapatan ang mga Pilipinong nasa mababang antas.

C.    Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mas mataas na posisyon kaysa sa mga Kastila.

D.    Nananatili ang dating sistema ng lipunan at walang nagbago sa antas ng mga tao.


B.    Nagkaroon ng mga pribilehiyo ang mga Kastila, samantalang nawalan ng karapatan ang mga Pilipinong nasa mababang antas.

300

Ano ang katayuan ng mga Muslim sa Mindanao sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol?

A.    Sila ay ganap na nasakop at isinama sa sistemang panlipunan ng mga Espanyol.

B.    Sila ay lumaban sa pananakop at nanatiling hiwalay sa sistemang panlipunan ng mga Espanyol.

C.    Sila ay tinanggap ng mga Espanyol bilang bahagi ng uring Mestizo.

D.    Sila ay napilitang maging Kristiyano at naging bahagi ng uring Indio.


B.    Sila ay lumaban sa pananakop at nanatiling hiwalay sa sistemang panlipunan ng mga Espanyol.

300

Paano nagbago ang katayuan ng kababaihan sa lipunang kolonyal sa ilalim ng mga Espanyol?

A.    Nanatili silang may mataas na katayuan at malayang gumagawa ng desisyon tulad ng dati.

B.    Naging mas makapangyarihan sila at nagkaroon ng mas maraming karapatan sa lipunan.

C.    Nawala ang kanilang kalayaan at karapatan dahil sa paniniwala ng mga Espanyol na dapat silang maging mahinhin, disente, relihiyoso, at masunurin.

D.    Nagkaroon sila ng mas maraming tungkulin sa politika at ekonomiya kumpara sa sinaunang panahon.


C.    Nawala ang kanilang kalayaan at karapatan dahil sa paniniwala ng mga Espanyol na dapat silang maging mahinhin, disente, relihiyoso, at masunurin.

300

Ang tanging importanteng trabaho ng mga babae ay maglingkod sa kanilang tahanan at simbahan.

SINAUNANG LIPUNAN O PAMAHALAANG KOLONYAL

PAMAHALAANG KOLONYAL

400

Ano ang pangunahing tungkulin ng sinaunang lipunan sa mga kasapi nito?

A.    Tanging ang mga pinuno lamang ang may karapatang makatanggap ng suporta.

B.    Sinusuportahan lamang nito ang mga Maharlika at Timawa.

C.    Itinaguyod nito ang pangangailangan ng mga kasapi tulad ng pagkain, tirahan, at kagamitan, pati na rin ang proteksyon laban sa mga kaaway.

D.    Hindi nito binibigyang-pansin ang seguridad ng mga mamamayan


C.    Itinaguyod nito ang pangangailangan ng mga kasapi tulad ng pagkain, tirahan, at kagamitan, pati na rin ang proteksyon laban sa mga kaaway.

400

Ano ang katangian ng mga Peninsulares sa lipunang kolonyal noong panahon ng Espanyol?

A.    Sila ay mga mestizong may lahing Pilipino at Espanyol na nasa pinakamataas na antas ng lipunan.

B.    Sila ay mga Pilipinong nagkaroon ng yaman at kapangyarihan sa lipunan.

C.    Sila ay mga katutubong Pilipino na nagkaroon ng mataas na posisyon sa gobyerno.

D.    Sila ay purong Espanyol, kadalasang opisyal ng pamahalaang kolonyal, at may mga pribilehiyo mula sa Hari ng Espanya.


D.    Sila ay purong Espanyol, kadalasang opisyal ng pamahalaang kolonyal, at may mga pribilehiyo mula sa Hari ng Espanya.

400

Paano naapektuhan ang katayuan ng kababaihan sa lipunang kolonyal kumpara sa sinaunang pamayanan?

A.    Nanatili ang kanilang mataas na katayuan at malayang gampanin sa lipunan.

B.    Naging mas makapangyarihan sila sa panahon ng mga Espanyol kaysa noong sinaunang panahon.

C.    Nabawasan ang kanilang karapatan at malayang pagganap ng tungkulin sa lipunan.

D.    Wala namang pagbabago sa kanilang katayuan sa lipunan bago at matapos dumating ang mga Espanyol.


C.    Nabawasan ang kanilang karapatan at malayang pagganap ng tungkulin sa lipunan.

400

Ano ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng katayuan ng kababaihan sa lipunang kolonyal?

A.    Ang mga kababaihan ay binigyan ng mas maraming tungkulin sa politika at ekonomiya.

B.    Ang pamahalaang kolonyal ay isang patriyarkal na lipunan na naniniwalang ang kababaihan ay dapat manatili sa bahay at hindi kailangan ng edukasyon.

C.    Ang mga Espanyol ay nagbigay ng mas maraming karapatan at kalayaan sa kababaihan.

D.    Ang mga kababaihan ay binigyan ng kapangyarihang magdesisyon para sa kanilang pamilya at lipunan


B.    Ang pamahalaang kolonyal ay isang patriyarkal na lipunan na naniniwalang ang kababaihan ay dapat manatili sa bahay at hindi kailangan ng edukasyon.

400

Kastila ang may mga matataas na antas sa lipunan.

SINAUNANG LIPUNAN O PAMAHALAANG KOLONYAL

PAMAHALAANG KOLONYAL

500

Ano ang pangunahing tungkulin ng sinaunang lipunan sa mga kasapi nito?

A.    Umaasa sila sa bigay ng kalikasan tulad ng pananim, yamang-dagat, at kahoy mula sa gubat.

B.    Umaasa lamang sila sa kalakalan at pagpapalitan ng produkto..

C.    Nagtayo sila ng mga pabrika upang lumikha ng mga kagamitan.

D.    Umasa sila sa pag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa.


 

A.    Umaasa sila sa bigay ng kalikasan tulad ng pananim, yamang-dagat, at kahoy mula sa gubat.

500

Ano ang katangian ng mga Insulares sa lipunang kolonyal noong panahon ng Espanyol?

A.    Sila ay mga purong Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas at may mataas na impluwensiya sa lipunan.

B.    Sila ay mga katutubong Pilipino na binigyan ng posisyon sa pamahalaang kolonyal.

C.    Sila ay itinuturing na pinakamataas na antas sa lipunan, mas mataas kaysa sa Peninsulares.

D.    Sila ay mga mestizong may lahing Pilipino at Espanyol na walang anumang pribilehiyo.


A.    Sila ay mga purong Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas at may mataas na impluwensiya sa lipunan.

500

Ano ang katayuan ng kababaihan sa sinaunang lipunan bago dumating ang mga Espanyol?

A.    Sila ay may mataas na pagkilala sa lipunan at may ambag sa pang-ekonomikong aspeto.

B.    Sila ay hindi pinapayagang makilahok sa anumang gawaing pang-ekonomiya.

C.    Sila ay itinuturing na mababa at walang karapatan sa lipunan.

D.    Sila ay may limitadong papel sa komunidad at hindi maaaring magmay-ari ng ari-arian.


A.    Sila ay may mataas na pagkilala sa lipunan at may ambag sa pang-ekonomikong aspeto.

500

Ano ang pangunahing gampanin ng kababaihan sa lipunang kolonyal ayon sa paniniwala ng mga Espanyol?

A.    Magtrabaho sa iba't ibang larangan tulad ng kalakalan at pulitika.

B.    Pamahalaan ang bahay at gampanan ang mga tungkulin tulad ng pag-aalaga ng bata, paglilinis, at pananahi.

C.    Gumanap bilang mga pinuno ng pamayanan at mamuno sa mga ritwal panrelihiyon.

D.    Magkaroon ng mataas na edukasyon at lumahok sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa lipunan


B.    Pamahalaan ang bahay at gampanan ang mga tungkulin tulad ng pag-aalaga ng bata, paglilinis, at pananahi.

500

Babae ang tumatayong manggagamot ng kanilang pamayanan.

SINAUNANG LIPUNAN O PAMAHALAANG KOLONYAL

SINAUNANG LIPUNAN