Lipunan
Kultura
Wika
100

"Dala ng pagbabago sa __________ ang umuusbong na wika ng mga kabataang Filipino na nahuhumaling sa paglalaro ng DotA."


(a) teknolohiya
(b) ekonomiya
(c) pulitika

(a) teknolohiya

100

"Ang ilan sa mga 'skill' o kapangyarihan ng mga hero ay binibigyan ng bagong katawagang mas angkop sa karanasang Filipino."

(a) Totoo
(b) Hindi Totoo
(c) Walang Sapat na Patunay

(a) Totoo

Mga Halimbawa:

Elune's Arrow > "Jumong"
Ghost Ship > "Sulpicio Lines"
Darkness > "Brownout"
Rupture > "Mens"

100

Ang paggamit ng mga kabataang Filipino sa kanilang umuusbong na wikang batay sa paglalaro ng DoTA ay isang patunay sa lalong pagpapayaman ng wikang Filipino bilang lingua franca.

(a) Totoo
(b) Hindi Totoo
(c) Walang Sapat na Patunay

(a) Totoo

"Isang proseso ng komunikasyon ang nagaganap sa bawat paglalaro ng DoTA, at isang proseso rin naman ang pagbuo, pagpili, at pag-internalisa sa mga salita/simbolong gagamitin upang mas mabilis na magkaintindihan at magkaunawaan ang mga manlalaro nito."

200

"Dumaraan ang mga naglalaro ng DoTA mula sa communal common ground patungong __________ common ground (Clark, 2004)."

(a) capitalistic
(b) national
(c) conversational

(c) conversational

"Ang iba't ibang klase ng manlalaro ay gumagamit ng mga bagong salita, mga bagong kahulugan, at mga bagong ekspresyon upang sila'y magkaunawaan."

200

"Ilan sa mga salitang ginagamit sa DoTA ay ginagamit din bilang ekspresyon sa pang-araw-araw na buhay." Ang salitang "Radiance" ay nangangahulugang:

(a) taong may body odor
(b) babaeng maganda
(c) lahat ng nabanggit

(c) lahat ng nabanggit

Iba Pang Halimbawa:

"Wind Walk" - pagtakas sa isang lugar ng di namamalayan
"Backstab" - nagpapanggap na kaibigan
"Stun" - taong nakatulala
"Godlike" - malakas; taong sobrang galing

200

"Dahil sa pagiging _____ ng wika, hindi na namamalayan na nag-iiba-iba ito sa bawat paggamit, indibidwal man o grupo; pasulat man o pasalita."

(a) konseptwal
(b) natural
(c) artipisyal

(b) natural

300

"Ang pagkakaroon ng isang wika ay simbolo ng __________ na mag-iisa sa mga inidibidwal na tagapagsalita ng naturang wika."

(a) kapayapaan
(b) katarungan
(c) solidaridad

(c) solidaridad

"Sila'y pinagbibigkis ng iisang interes at gawain upang magkaroon ng iisang anyo ng mga simbolo't kahulugan, na maituturing na mahalaga sa kanila upang magkaunawaan."

300

"Malaki ang ginagampanang papel ng kultura sa paggawa at paggamit ng mga kabataan sa mga bagong salita hinggil sa kanilang paglalaro ng DoTA. Gumagamit sila ng mas naiinternalisa nilang mga salita't kahulugan na mas malapit sa kanilang _____."

(a) puso
(b) isip
(c) kaluluwa

(a) puso

"Kadalasan, ang 'paglalaro' sa mga salitang ito ay may bahid ng pang-aasar, kalokohan, at maging ng nakakatawang mga 'pagpapakahulugan,' na litaw sa kamalayan at kiliti ng mga Filipino."

300

"Hindi lamang sa aspekto ng kaibahan ng heograpikal na espasyo umuusbong ang varayti ng wikang pambansa, bagkus sa aspekto din naman ng _____."

(a) interes
(b) kapaligiran
(c) ideyolohiya

(a) interes

400

Sa Southeast Asian Games ____ unang nagkaroon/magkakaroon ng opisyal na medal events para sa e-sports.

(a) 2017
(b) 2018
(c) 2019
(c) 2020

(c) 2019

Nagkaroon din ng e-sports demonstration noong Asian Games 2018. Kabilang naman sa ang mga sumusunod na laro sa e-sports tournament ng SEA Games 2019.

>Console: Tekken 7
>Mobile: Arena of Valor at Mobile Legends: Bang Bang
>PC: Starcraft II at DoTA 2

400

"Isang nananalantay na pagsasalarawan sa komunidad ng mga manlalarong Pilipino ay ang pagiging _____ o ang sinasabing pangit na imahen at estado ng mga Pilipino sa paningin ng ibang lahi."

(a) bida-bida
(b) toxic
(c) mayabang
(d) rage quit

(b) toxic

"Tunay ngang nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino pagdating sa mga online game, ngunit sila-sila rin mismo ang naglalaglagan at nag-aaway-away sa pagtagal ng laro."

- Wika ng mga Manlalarong Pilipino: Pagsusuri sa Pinagmulan at Saysay ng mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng DotA 2 at LoL nila Merwyn Abel, et al. (2016)

400

"Dahil sa paglaki ng industriya ng mga online game, nagkaroon na ng sangay ng e-sports journalism sa kanilang mga website ang ilang mga pahayagan tulad ng ESPN at Yahoo News. Sa Pilipinas naman, nanguna sa paggawa ng ganito ang __________."

(a) Business Mirror
(b) Philippine Star
(c) Manila Bulletin
(d) Philippine Daily Inquirer

(d) Philippine Daily Inquirer

"Ang ginagammit ng mga pahayagang ito sa wikang nabuo sa kultura ng e-sports ay ang mga teknikal na mga termino upang mapanatili ang pormalidad sa pagbabalita."

- Wika ng mga Manlalarong Pilipino: Pagsusuri sa Pinagmulan at Saysay ng mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng DotA 2 at LoL nila Merwyn Abel, et al. (2016)

500

Ginagamit ang salitang ito bilang pagsasalarawan sa mga manlalarong huli nang darating sa labanan at papatayin na lamang ang mga puladong kalaban.

(a) pulis
(b) FBI
(c) NBI
(d) vulture

(a) pulis

"Inihalintulad ito sa mga pelikulang Pilipino na huli ang dumarating ang mga pulis matapos ang bakbakan ng bida at kontrabida."

- Wika ng mga Manlalarong Pilipino: Pagsusuri sa Pinagmulan at Saysay ng mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng DotA 2 at LoL nila Merwyn Abel, et al. (2016)

500

Ito ay salitang tumutukoy sa isang manlalarong may hindi magadang ginawa sa laro o nagmamagaling.

(a) ahas
(b) asim
(c) baboy
(d) bading/bakla

(a) asim: Kaakibat ng panlasa ng tao, isa itong manipestasyon na nagkakaroon ng hindi magandang pangyayari sa laro

>Ahas: Katulad ng tunay na kahulugan ng ahas, ginagamit ang salitang ito bilang tanda ng pagtatraydor o pagbebenta ng laro.
>Baboy: Isa itong stereotype na ang malalaki o matatabang nilalang ay malakas at walang kinatatakutan.
>Bading/Bakla: Isang stereotype na tumutukoy sa katangian ng mga bading o bakla na takot makipaglaban ng pisikalan.

- Wika ng mga Manlalarong Pilipino: Pagsusuri sa Pinagmulan at Saysay ng mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng DotA 2 at LoL nila Merwyn Abel, et al. (2016)

500

Ito ay isang pagsasalarawan para sa mga manlalarong naglalakbay sa kawalan ng walang kasamang kakampi.


(a) abangers
(b) bugok/ugok
(c) Dora
(d) intro boys

(c) Dora

>Abangers: Mga taong nag-aabang nang matagal sa iisang lugar upang makapatay ng kalaban.
>Bugok/Ugok: Hindi marunong maglaro; anyo ng salitang "bulok"
>Intro Boys: Grupo ng manlalaro na sa simula lamang malakas

- Wika ng mga Manlalarong Pilipino: Pagsusuri sa Pinagmulan at Saysay ng mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng DotA 2 at LoL nila Merwyn Abel, et al. (2016)