It's in Us!
Kay lapit na sa mata, di mo pa rin Makita-kita.
Tainga/Tenga
Sa araw nahihimbing,
Sa gabi ay gising.
Paniki
Malambot na parang ulap,
Kasama ko sa pangarap.
Unan
Halamang di nalalanta
kahit natabas na.
Buhok
Maliit pa si kumpare,
nakakaakyat na sa tore.
Langgam
Araw-araw nabubuhay,
Taon-taon namamatay.
Kalendaryo
Isang bundok
Hindi Makita ang tuktok.
Noo
Eto si bayaw,
dala-dala'y ilaw.
Alitaptap
Tubig na naging bato,
batong naging tubig.
Asin.
Limang magkakapatid, iisa ang dibdib.
Kamay.
Yao't dito, roo'y mula
Laging ang ginagawa
magtago at mamulaga
sa matatanda at mga bata.
Unggoy
Isang butil ng palay,
sakop ang buong bahay.
Ilaw
Kahit saan ako pumunta
aking radyo'y laging dala-dala.
Bibig
Tungkod ni kapitan
Hindi mahawakan.
Ahas
Ako ay may kaibigan
kasama ko kahit saan.
Anino