Ako ay naging tagapagsaka ng lupa. Ipinagwalang-bahala ko ang sinabi ni Jehova sa akin na kung hindi ako gagawa ng mabuti, ang kasalanan ay nakaabang sa akin.
Cain
Nagtrabaho ako bilang tagapungos ng mga igos.
Amos
Ipinag-utos ko na hatiin ang buhay na sanggol para malaman sino ang tunay na ina nito.
Haring Solomon
Ako ay isang babaeng Moabita. Nanatili ako sa piling ng aking biyenan at sinabi ko: "Ang inyong bayan ay magiging aking bayan, at ang inyong Diyos ay aking Diyos."
Ruth
Nagkaroon ako ng panaginip na yumuyukod sa akin ang araw, buwan, at 11 bituin.
Jose
Ang aking pangalan ay nangangahulugang "maghimagsik". Ako ay nakilala bilang "isang makapangyarihang mangangaso na salansang kay Jehova".
Nimrod
Ang aking kalihim ay si Baruc.
Jeremias
Ang aking asawa ay napakasama kaya kinain siya ng mga aso.
Haring Ahab
Ang pangalang Hebreo ko ay "Hadasa". Kalaunan, sa pamamagitan ko ay nailigtas ang aking bayan.
Esther
Nagdulot ako ng kadustaan sa aking ama ng sipingan ko ang babae ng aking ama kung kaya't naiwala ko ang karapatang sa pagkapanganay.
Ruben
Gwapo at makisig ako. Ngunit ambisyoso ako at ninais kong agawin ang trono ng aking ama.
Absalom
Ang aking asawang babae ay isang propetisa at nang maglaon ay nagsilang siya sa akin ng isang anak na lalaki na pinangalanang "Maher-salal-has-baz".
Isaias
Gusto ng aking kalihim na si Sebnah na makipag-alyansa kami sa Ehipto.
Haring Hezekias
Ang nauna kong asawa ay mabagsik at maramot. Pero dahil sa aking karunungan at marubdob na pakiusap, naiwasan ang pagbububo ng dugo.
Abigail
Ako ang nagsabi sa mga kapatid ko na ibenta na lang si Jose sa mga mangangalakal sa halip na patayin.
Juda
Ako ay tagapaglingkod ng isang propeta. Dahil sa aking kasakiman, humingi ako ng mga kaloob na hindi naman nararapat. Kaya, nailipat sa akin ang ketong.
Gehazi
Kakontemporaryo ko sina Oseas at Isaias. Buhay pa ako noong natupad ang inihulang pagkawasak ng Samaria noon 740 B.C.E.
Mikas
Sa ilalim ng aking pamamahala bilang hari ay nasumpungan ang orihinal na kopya ng aklat ng kautusan na ipinasulat ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.
Haring Josias
Pinainom ko ng gatas ang isang lalaki para siya ay makatulog nang mahimbing at sa gayon ay mapatay ko siya.
Jael
Bago mamatay ang aking ama, pinangakuan niya ako ng buhay na sagana. Nag maglaon, humula rin si Moises na ang aking tribo ay 'maglulubog ng mga paa nito sa langis'.
Aser
Nahibang ako sa pag-ibig at nagkaroon ng maling pagnanasa sa aking kapatid na babae anupat ginawan ko siya ng masama.
Amnon
Ako ang manunulat ng pinakamaikling makahulang aklat ng Hebreong Kasulatan.
Obadias
Kalaunan, dahil sa mga kahanga-hangang tagumpay ko ay naging palalo ako anupat pangahas akong pumasok sa Banal na silid ng templo upang maghandong ng insenso.
Haring Uzias
Kinuha sa akin ang dalawa kong anak at ibinigay sa mga Gibeonita para patayin nang sa gayon ay alisin ang pagkakasala sa dugo mula sa lupain.
Rizpa
Noong ako'y ipanganak, sinabi ng aking ina: "Sa wakas, pagtitiisan ako ng asawa ko dahil nagsilang ako sakaniya ng anim na lalaki".
Zebulon