Nabuhay si Noe nang ______ na taon.
950 na taon.—Genesis 9:29.
Si Jonas ay inutusang mangaral sa __________.
Nineve.—Jonas 1:1, 2; 4:11.
Si Job ay nagkaroon ng _____ anak na lalaki at _____ anak na babae.
14, 6.—Job 1:2; 42:13.
Ang anghel na si _______ ay dumalaw kay Maria noong si Maria ay nasa lunsod ng _______.—Lucas 1:26, 27.
Gabriel, Nazaret.
Sinong anak ni Saul ang naging malapıt na kaibigan ni David?—1 Samuel 18:1.
Jonatan.
Anu-ano ang pangalan ng tatlong anak ni Noe?
Sem, Ham, at Japet.—Genesis 6:10.
Bagaman tinakasan noon ni Jonas ang atas niya, ano ang lakas-loob niyang ginawa para iligtas ang iba?
Sinabi niya sa mga magdaragat na ihagis siya sa dagat para kumalma ito. —Jonas 1:3, 9-16.
Anu-ano ang kinuha ni Satanas kay Job?
Ang kaniyang mga alagang hayop, mga tagapaglingkod, mga anak, at kalusugan. —Job 1:13-19; 2:4-7.
Makalipas ang 40 araw pagkasilang kay Jesus, si Maria ay pumunta sa templo at naghandog ng “isang pares ng _______ o dalawang inakay na _______.”—Lucas 2:22-24.
batu-bato, kalapati.
Sinabi ni propeta Samuel kay Saul: “Ang _______ ay mas mabuti kaysa sa hain.” —1 Samuel 15:22.
Pagsunod.
Kumpletuhin ang sinabi ng Bibliya: “Ginawa ni Noe ang ayon sa . . . ”
“. . . lahat ng iniutos ng Diyos sa kaniya. Gayung-gayon ang ginawa niya.” —Genesis 6:22.
Kumpletuhin ang sinasabi ng Bibliya: “Si Jonas ay napasa mga panloob na bahagi ng . . . ”
. . . isda nang tatlong araw at tatlong gabi.”—Jonas 1:17.
Kumpletuhin ang sinabi ni Job: “Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin . . . ”
“. . . ang aking katapatan!”—Job 27:5.
“Pinasimulang ingatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na bumubuo ng mga palagay sa kaniyang _______.”—Lucas 2:19.
puso.
Tama o mali? Mabagal at mahina si Saul. —2 Samuel 1:23.
Mali. Si Saul ay ikinumpara sa mabibilis na agila at malalakas na leon.