Ano sa wikang Filipino ang “eldest child”?
PANGANAY
Anong B ang pangalan ng kaharian sa kwento?
Berbanya
Bakit daw tahimik na namumuhay ang mga mamamayan ng Berbanya?
Mabait at mabuti ang pamamalakad nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Ano sa wikang Filipino ang “youngest child”?
BUNSO
Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga anak ni Haring Fernando mula sa pinakabatang anak?
Don Juan, Don Diego, Don Pedro
Ano ang napanaginipan ni Haring Fernando?
May diwata na nagsabi kung paano malalaman ni Haring Fernando kung sino ang dapat magmana ng kanyang trono.
Isalin sa Ingles.
“Malakas siya at hinahangaan ng lahat sa paghawak ng espada”
He is strong and admired by all in terms of handling a sword.
Sinong k ang nagbihay kay Don Juan ng tinapay?
ketongin
Bakit binigyan ng ermitanyo ng dayap si Don Juan?
Gagamitin niya ito upang hindi siya makatulog sa kanta ng ibon.
Isalin sa Filipino.
“Because of your kindness, I will help you find the bird.”
"Dahil sa kabutihan mo, tutulungan kitang mahanap ang ibon.”
Anong E ang tawag sa isang tao na namumuhay mag-isa sa kabihasnan o lipunan?
Ermitanyo
Bakit si Don Juan ang tinulungan ng ketongin at hindi sina Don Pedro at Don Diego?
Si Don Juan lang ang tanging tumulong sa ketongin.
Isalin sa Filipino.
“The Ibong Adarna is an enchanted bird and catching it will not be easy.”
Ang Ibong Adarna ay isang engkantadong ibon at hindi mahuhuli nang basta-basta lamang.
Ano ang palatandaan na ibinigay kay Don Juan upang malaman na malapit na siya sa bahay ng ermitanyo?
puno na dahon ay kulay pilak
Bakit binugbog nina Don Diego at Don Pedro si Don Juan?
Ito ay dahil sa inggit.