Ano ang pambansang Prutas?
Mangga
Buto't balat lumilipad
Saranggola
Sinong artista ang kilala din sa bansag na "Yaya Dub"?
Maine Mendoza
Sinong "Z" ang pandak na maniningil ng buwis ang umakyat ng puno upang makita si Jesus habang dinudumog ng tao?
Zacchaeus
Anong "N" ang tawag sa tradisyong pinoy sa hapag kainan tuwing gabi ng December 24 upang salubungin ang pasko?
Noche Buena
Sino ang pambansang bayani?
Dr. Jose Rizal
Ihagis mo man saan, sadyang babalik sa pinanggalingan
Yoyo
Sa Disney, sinong prinsesa ang namatay matapos kainin ang mansanas na bigay ng witch?
Snow White
Sinong "A" ang nag-alay ng kanyang anak na si Isaac sa Diyos sa Mt. Moriah?
Abraham
Anong "R" ang tawag sa kahit na anong bagay na natatanggap mo tuwing pasko?
Regalo
Ano ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas?
Lupang Hinirang
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Pako
Anong istasyon ng telebisyon ang nagsara ngayong taon matapos hindi maaprubahan ang renewal ng kanilang prangkisa?
ABS-CBN
Sa kwento ng pagpapakain sa 5000, ilang tinapay at isda ang dala ng bata na nakita ni Andrew para ibigay kay Jesus?
5 tinapay at 2 isda
Anong "C" ang tawag sa tradisyong pamasko na nagsisimula tuwing December 16?
Caroling
Sino ang tinaguriang utak ng katipunan
Emilio Jacinto
Dalawang batong itim, malayo ang mararating
Mata
Anong sakit galing Wuhan, China ang idineklarang pandemic ngayong 2020?
Covid-19
Ilan ang mga disipulong pinili ni Jesus sa gilid ng bundok?
12/ labindalawa
Saan inihiga si Jesus ng sya'y isilang ni Maria?
Sabsaban/Manger
Saan lalawigan sa Pilipinas matatagpuan ang bulkang Mayon?
Albay
Maliit na bahay, puno ng mga patay
Posporo
Anong parirala o phrase ang pinasikat ng artistang si Kim Chui noong kasagsagan ng "Enhanced Community Quarantine" na ginawang awitin at nauso din sa tiktok?
Bawal Lumabas
Sino ang batang pastol na lumaban sa isang higanteng Philistine gamit ang tirador?
David
Sinong anghel ang ipinadala ng Diyos kay Mary upang sabihing ipagbubuntis nya si Jesus?
Angel Gabriel