Hulaan ang sikat na banda na kumanta ng lyrics na 'to:
Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito'y maling akala, isang malaking sablay
Ang tamang sagot ay 'Ben & Ben'
Saang bansa kinuhanan ang ilang scenes sa pelikula na pinamagatang 'Between Maybes' ng real-life couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto?
Ang tamang sagot ay Japan (o Kyushu, Japan)
Sino ang mga aktor na nasangkot noon sa suntukan sa 2011 Star Magic ball dahil kay Maja Salvador?
Ang tamang sagot ay sina Coco Martin at Matteo Guidicelli
Buuin ang chant na galing sa 2007 fantaserye ng GMA na pinamagatang 'Super Twins' na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte:
Kapangyarihan ng Araw! Taglay ay _______. Kambal na lakas. Kami ang Super Twins!
Ang tamang sagot ay liwanag
Ano ang pangalan ng bagyong tumama noong 2013 na tinuturing na isa sa mga pinaka-malakas na tumama sa ating bansa?
Ang tamang sagot ay Yolanda o Bagyong Yolanda
Ano ang tamang lyrics sa 2014 OPM hit ni Zia Quizon na pinamagatang 'Ako na Lang'?
Hindi ko babasagin ang 'yong trip
Whatever man ang gusto mong gimik
Sabay sa _______ at ka-duet mo sa gig, astig
Ang tamang sagot ay 'jamming'
Ano ang pangalan ng 2006 time-travel (sort-of) romance film na pinagbibidahan ng then real-life couple na sina Karylle at Dingdong Dantes kasama si Iza Calzado?
Ang tamang sagot ay Moments of Love
Sino ang sikat na comedienne ang parte ng sumikat noon na friend group na nagngangalang 'ChiuRiGoGoBaSchu'?
Ang tamang sagot ay si Kitkat o Kitkat Banas
Sa 2005 fantaserye ng GMA na Encantadia, ano ang kapangyarihan ni Danaya (Diana Zubiri) kapag hawak niya ang brilyante ng lupa?
Ang tamang sagot ay shapeshifting (o pagpapalit ng anyo)
Sino ang Pinoy weightlifter na nanalo ng silver medal sa 2016 Rio de Janeiro Olympics?
Ang tamang sagot ay Hidilyn Diaz
Ano ang pangalan ng 2010 music video ni Yeng Constantino kung saan naging partner niya ang PBB alumni na si Ivan Dorschner at si Piolo Pascual?
Ang tamang sagot ay Jeepney Love Story
Saang Filipino rom-com film galing ang linyang ito:
“May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinaka masaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa.”
(hint: John Lloyd Cruz film)
Ang tamang sagot ay My Amnesia Girl
Sino ang pinaka-unang publicized girlfriend ni Derek Ramsay na isa na ring actress/host ngayon?
Ang tamang sagot ay Solenn Heusaff
Ano ang pangalan ng 2004 ABS-CBN horror-fantaserye na pinagbidahan nila Rayver Cruz, Maja Salvador, atbp?
Ang tamang sagot ay Spirits
Ano ang pangalan ng batas na ipinasa kung saan itinaas ang taxes sa gasolina, sasakyan, sigarilyo at mga inumin upang magbigay ng budget sa imprastraktura ng bansa?
Ang tamang sagor ay TRAIN law
Saang lugar kinuhanan ang cover ng 2015 album ni Ebe Dancel na pinamagatang 'Bawat Daan'?
Ang tamang sagot ay University of the Philippines Los Baños/UPLB
Sa 2006 Filipino rom-com film na Kasal Kasali Kasalo, ano ang ulam na niluto ni Angie (Judy Ann Santos) kung saan nagalit siya dahil inakalang Afritada ito ni Jed (Ryan Agoncillo)?
Ang tamang sagot ay Pochero
Sumikat noon ang pang-aaway ng isang grupo na nagngangalang 'Ampalaya Anonymous' na di umano ay kinabibilangan ng mga aktres na sina Maxene Magalona, Rich Asuncion, Glaiza de Castro, Angel Locsin, Bubbles Paraiso, Bianca King, at Christine Reyes.
Ang pangalan ay galing mismo kay Bubbles na sinabing "Kumakain naman tayo ng ampalaya 'tapos, 'Bitter pala tayo, o, go! Ganun na lang, Ampalaya...Ampalaya Anonymous!'"
Ngayon, sino ang sinasabing aktres na pinagtulungan daw nilang awayin dahil ka-date nito ang ex ng isang miyembro ng grupo?
Ang tamang sagot ay Pauleen Luna
Sino ang gumanap na Salaminsim sa 2008 fantaserye ng ABS-CBN na pinamagatang Dyosa na pinagbibidahan ni Anne Curtis?
Ang tamang sagot ay Vice Ganda
Sinong robbery gang ang nakatakas sa kanilang pagnanakaw sa isang SM mall noong 2013?
Ang tamang sagot ay Martilyo gang
Ano ang pangalan ng studio album ni Sarah Geronimo kung saan nandoon ang isa sa mga pinaka-sikat niyang hits na 'Ikot-Ikot' at underrated bop na 'Tayo'?
A. Becoming
B. Perfectly Imperfect
C. Expressions
D. The Great Unknown
Ang tamang sagot ay Expressions
Saang mall nanood ng The Dark Knight at The Dark Knight Rises si Mace (Angelica Panganiban) at ang kanyang ex sa 2014 film na That Thing Called Tadhana?
Ang tamang sagot ay SM MOA Imax
Ano ang ginawa ni Dionne Monsanto noon sa PBB Season 2 para umabot sa punto na nagbigay ng memorandum ang MTRCB sa show?
Ang tamang sagot ay pagpasok ng kamay sa underwear ng isang male housemate
Sa 2004 ABS-CBN fantaserye na Krystala, ano ang pangalan ng unang kalaban ng ating titular hero na may kapangyarihan at itsura ng isang paniki?
Ang tamang sagot ay Kabagona
Anong film ceremony sa ating bansa ang hinalintulad sa New York Film’s Critics Circle kung saan nanalo ng Best Actress award si Nadine Lustre para sa pelikulang Never Not Love You?
Ang tamang sagot ay Gawad Urian