Eto ang ikalawa sa sa Top 10 leading causes of morbidity o mga dahilan ng pagkakasakit ng mga Pilipino base sa Philippine Health Statistics, 2018.
Ano ang hypertension?
Si Juan, 65 taong gulang, mula sa probinsya ng Cavite, ay isang jeepney driver. Eto ang risk factor na makikita kay Juan.
Ano ang edad?
Base sa BP guidelines, eto ang normal na systolic BP?
Ano ang <120?
Eto ay isang mahalagang risk factor na maaaring maging sanhi ng iba’t-ibang sakit sa puso at sa utak. Habang tumataas ito ay tumataas din ang posibilidad nang pagkakaroon ng mga sakit, kagaya ng heart attack, heart failure at stroke.
Ano ang altapresyon?
Eto ang organ na nagsisilbing tagabomba o nagsu-supply ng dugo sa buong katawan.
Ano ang puso?
Si Aling Pasing, 70 taong gulang, ay may mga kamag-anak na mayroong hypertension. Eto ang tawag sa mga risk factors ng altapresyon gaya ng edad at family history.
Ano ang non-modifiable risk factors?
Base sa BP guidelines, ano ang range o saklaw na diastolic BP reading mula sa Stage 1?
Ano ang 80-89?
Eto ang substance na maaring sumiksik at magbara sa mga ugat na nagdudulot ng pagkitid at pagtigas ng mga ito.
Ano ang cholesterol?
Eto ang tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat habang tumitibok ang puso.
Ano ang blood pressure o presyon ng dugo?
Ang pagsobra sa pagkain ng ganitong karaming asin sa isang araw ay isa sa mga risk factors ng altapresyon.
Ano ang 3 gramo?
Ano ang klasipikasyon ng systolic BP na ≥140 at diastolic BP ≥90?
Ano ang Stage 2?
Si Jose ay sinugod sa hospital dahil pumutok ang ugat niya sa utak. Eto ang tawag sa kondisyon ni Jose.
Ano ang stroke?
Si Aling Nena ay kabilang sa mga nakakaranas ng altapresyon. Sa video na inyong napanuod kanina, binanggit na eto ang tinatayang bilang ng mga Pilipino edad 20 pataas na may altapresyon.
Ano ang 18 milyon?
Si Mang Inasal ay 20 taon nang naninigarilyo. Eto ang kemikal na nakakapagpataas ng presyon sa mga mahilig manigarilyo gaya ni Mang Inasal.
Kumonsulta si Nanay Belen sa barangay health center at nagpakuha ng BP. 130/80 ang lumabas na resulta. Eto ang klasipikasyong ng BP ni Nanay Belen.
Ano ang Stage 1?
Si Jona ay matagal nang mayroong altapresyon. Kamakailan lamang ay nakadanas siya ng paghina ng puso at tuluyang hindi na ito makabomba ng dugo. Eto ang tawag sa kondisyon ni Jona.