Hindi pari, hindi hari,
nagdadamit ng sari-sari.
Paruparo
Pagsipot sa maliwanag,
kulubot na ang balat
Ampalaya
Korona ng hari
Nasa ulo palagi
Bayabas
Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
Kandila
Ginto sa kaitaasan,
Hinding-hindi matitigan
Araw
Ibon kong kay daldal,
ginagaya lang ang inuusal.
Loro
Kapag ito'y iyong hiniwa-hiwa,
siya nasasaktan, ikaw lumuluha.
Sibuyas
Bahay ni Mang Pedro,
Punung-puno ng bato
Papaya
sandata ng mga pantas.
Bolpen
Buhay na di kumikibo, patay na di bumabaho.
Bato
Aling hayop sa mundo,
ang nilalakad ay ulo?
Suso
Hindi halaman sa Hongkong,
Berdeng-dilaw ang dahon
Sa sinigang ito malimit ihulog
kangkong
Balat ay berde, buto ay itim, laman ay pula
Turingan mo kung sino siya
Pakwan
Walang lapis, walang pluma
sumusulat nang maganda.
Kompyuter
Kulay nito'y anong ganda,
Nakaarko kung makita
Pula, kahel , dilaw, berde
Asul-mura, Asul-turke,
Violeta ang isang tabi.
Bahaghari
Maliit siya, ngunit sikat
Makita lang ng tao'y
Di lang tumitili, kundi pumuputak
Nagsisigawan na'y ano't lumulundag?
Ipis
Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
mais
Magkakapatid na prinsesa
Kahit na sila'y pawang negra,
Mahusay sila sa pagsasama.
Duhat
May ulo, labindalawa ang mata,
May kamay, walang paa.
Ngunit nagsasabi kung uwian na.
Relo o Orasan
May puti akong tandang
Sa araw 'di mo mamataan
Sa gabi dumaraan.
Buwan
Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat?
Sungay ng Usa
Nang munti pa ay paruparo,
nang lumaki ay latigo.
Sitaw
Palibot ay kalangitan,
ang gitna'y karagatan.
Niyog
May tanim akong halaman
Hindi dinidilig kailanman
Araw-araw ay tinitingnan
Buwan-buwa'y binabawasan
Kalendaryo
Hayan na, hayan na, di mo pa makita.
Hangin