Unang at Ikalawang Linggo
Ikatlo at Ikaapat na Linggo
Ikalima at Ikaanim na Linggo
Ikapito at Ikawalong Linggo
10

Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.

a. Isip

b. Kalayaan

c. Kilos-loob

d. Dignidad



c. kilos-loob

10

Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?

a. Walang kusang-loob

b. Kusang-loob

c. Di kusang-loob

d. Kilos-loob

a. Walang kusang-loob

10

Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a. Isip at Kilos-loob

b. Intensiyon at Layunin

c. Paghuhusga at Pagpili

d. Sanhi at Bunga

a. Isip at Kilos-loob

10

Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

a. pasiya

b. kilos

c. kakayahan

d. damdamin

b. kilos

20

Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?

a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.

b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.

c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.

d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

20

Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?

a. Ang pagnanakaw ng kotse.

b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.

c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.

d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.

b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.

20

Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.

b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.

c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

20

Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?

a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.

b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.

c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.

d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.

c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.

30

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

Kusang-loob, Di Kusang-loob at Walang Kusang-loob

30

Siya ang nagwika nito, "Anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay".

Agapay

30

Saan nagtatapos ang moral na kilos ng tao?



Ika-8 yugto ang 'pagpili'

30

Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.

Paraan

40

Dalawang Uri ng Kilos ng Tao

Ang kilos ng tao (acts of man) at Makataong kilos (human act).

40

Ayon kay _______, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito.

Aristoteles

40

Ang ____________ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.

mabuting pagpapasiya

40

Ano-ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos?

1. Layunin

2. Paraan

3. Sirkumstansiya

4. Kahihinatnan

50

Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos

Kamangangan

Masidhing Damdamin

Takot

Karahasan

Gawi

50

Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito. 

makataong kilos (human act)

50

Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? Ipaliwanag.

Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ito ba ay makabubuti o makasasama hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kapuwa?

50

Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos? Ipaliwanag.

Kailangang parehong mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung hindi kasama ang isa.