bugtong 1
Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Mga paa
Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Bayabas
May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sandok
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Mga mata
Isang prinsesa nakaupo sa tasa
Kasoy
Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Gunting
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Tenga
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Atis
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Ngipin
Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Santol
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin
Sumbrero
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Langka
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Posporo
kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Kandila