Ito ang araw kung saan dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas.
Anong nangyari noong June 12, 1898
Kilala siya sa kanyang kasabihan na "Ang Buhay ay Weather-Weather Lang".
Sino si Kuya Kim?
Kilala bilang "Summer Capital of the Philippines"
Ano ang Baguio City?
Iilan sa mga araw ng Semana Santa kung saan inaaalala ng mga Kristiyano ang mga pangyayari na humantong sa kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, pero ito lamang ang mga araw na kabilang sa Holiday.
Ano ang Maundy Thursday, Good Friday, Black Saturday, Easter Sunday?
Isa sa pinakasikat na luto sa Pilipinas, tanyag dahil sa masarap nitong timpla, sa kabila nang kasimplehan ng mga kasangkapan.
Ano ang Adobo?
Siya ang kinikilalang pinakaunang nakatagpo ng Pilipinas.
Sino si Ferdinand Magellan?
Dumating noong November 3, 2013, ito ay isa sa mga (kung hindi ang) pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas, kung saan binawi nito ang mahigit 6,000 na buhay.
Ano ang Typhoon Yolanda/Haiyan?
Kilala sa napakagagandang tanawin, mala larawan na mga anyong lupa at tubig, ang lugar na ito ay kinikilalang pinakamaliit na probinsiya sa Pilipinas at matatagpuan sa Luzon.
Ano ang Batanes?
Sa araw na ito ginugunita at nagbabaliktanaw tayo sa katapangan na pinakita ng isa sa ating mga bayani na si Andres Bonifacio
Anong meron kapag November 30?
Sikat sa pag-lagay ng sili o maanghang sa halos lahat ng kanilang mga pagkain, mapa-ice cream man o kendi.
Ano ang Bicol?
Ito ang bilang ng taon kung saan sinakop tayo ng mga Kastilla.
Anong kahalagahan ng tatlong daan at tatlumpu't tatlong taon (333 years) sa Pilipinas.
Ano ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration?
Makikita sa Mindanao, ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
Ano ang Mt. Apo?
Tuwing gantong araw pinagdiriwang ang ating mga bayani at ginaganap ang National Heroes' Day.
Anong nangyayari sa huling Lunes ng Agosto?
Parte ng baka at di pangkaraniwang sangkap na ginagamit sa pagkain na "Soup No. 5". Ito ay kinagigiliwan ng mga Pilipino na may kakaibang panlasa at gustong maging "adventurous" sa kanilang pagkain.
Reproductive Organs ng Bull/Baka
Kalamidad na nangyari noong June 15, 1991, kung saan naapektuhan ang buong mundo ng mahigit kumulang na dalawang taon.
Ano ang pagsabog/pagputok ng bulkang Pinatubo?