A
B
C
10

Mababa lamang ang tinapos ni Maria kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang domestic helper sa Singapore. Ito ay bunsod ng kadahilanang wala siyang mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Maria? 

A.Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.

B. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.

C.Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.

D.Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan. 

 D.Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan. 

10

Ang ____ ay isang halimbawa ng push factor na maaaring pilitin ang mga indibidwal o grupo na lumisan sa kanilang bansa o rehiyon upang hanapin ang mas magandang kalagayan sa ibang lugar.

Kahirapan

10

Alin sa mga sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umalis ng lugar ang ilan nating kababayang manggagawa?

A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa.

B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa.

C. A lamang

D. A at B

D. A at B

20

Ang __________ay isang uri ng migrasyon kung saan ang mga tao  ay naglilipatan mula sa isang  rural na lugar patungo sa mga urbanong lugar o siyudad.

Urbanisasyon

20

Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng pangingibang- bansa ng mga Pilipino?

A. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.

B. Maki- uso sa mga kakilalang nangingibang- bansa.

C. Manirahan kasama ang mga mahal na buhay sa ibang bansa.

D. Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.

B. Maki- uso sa mga kakilalang nangingibang- bansa.

20

Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan upang hindi magdagsaan ang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang Maynila? 

A.Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.

B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon. 

C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila.

D.Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa Maynila. 

B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon.

30

Ang _____ ay proseso ng paggalaw ng mga indibidwal o grupo mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar, madalas na may layuning manirahan ng permanente o pansamantala sa bagong lokasyon

Migrasyon

30

Ano ang Migrasyon?

Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.

30

Daan- daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambang pag land-fall ng Bagyong Domeng sa loob ng 48 oras. alin sa mga sumusunod ang inilalarawang dahilan ng migrasyon sa ibinigay na sitwasyon?

Lumayo o pag iwas sa kalamidad