ALPHA
BRAVO
CHARLIE
DELTA
ECHO
100


Anong teknolohiya ang unang ginamit ng militar noong Cold War upang magbigay ng saktong lokasyon at oras saanman sa mundo na gumagamit ng satellite?

A. RADAR (Radiowave Detection and Ranging)

B. SONAR (Sound Navigation and Ranging)

C. GPS (Global Positioning System)

D. LIDAR (Light Detection and Ranging)



C. GPS (Global Positioning System)

100

Pagkatapos ng Cold War, marami sa mga dating komunistang bansa ay nagpalit ng pampolitikang ideolohiya. Alin sa mga sumusunod ang mga bansang komunista hanggang ngayon? 


A. Vietnam, Cuba, at China

B. Russia, India, at South Korea

C. Germany, France, at Japan

D. Brazil, Australia, at South Africa



A. Vietnam, Cuba, at China

100


Ano ang epekto ng Cold War sa Pilipinas? 


A. Pagkakaroon ng malakas na impluwensiya ng komunismo sa bansa

B. Pagtaas ng antas ng ekonomiya dahil sa pagsali sa pandaigdigang kalakalan

C. Pagkakaroon ng mga rebelyong komunista sa iba’t ibang bahagi ng bansa

D. Pagpapalakas ng ugnayan sa Estados Unidos bilang kritikal na kaalyado sa rehiyon




D. Pagpapalakas ng ugnayan sa Estados Unidos bilang kritikal na kaalyado sa rehiyon

100

Alin sa mga sumusunod ang pangalan ng Economic Block na itinayo ng USSR dahil hindi sumali ang IMF at World Bank dito? 


A. United Nations (UN)

B. Council for Mutual Assistance (CMEA/COMECON)

C. World Trade Organization (WTO)

D. International Monetary Fund (IMF)

B. Council for Mutual Assistance (CMEA/COMECON)

100

Sa paglalaban ng Estados Unidos at Soviet Union, ang pamahalaan ng dalawang panig ay kinontrol ang daloy ng impormasyon upang impluwensiyahan ang isip ng tao at panatilihin ang kapangyarihan sa teritoryo. Ano ang tawag sa gawaing ito? 


A. Pagsensor - pagpili at pag-alis ng impormasyong hindi nais ipakita sa publiko

B. Pagbabawal - pagpigil sa paglagas o distribusyon ng impormasyon sa publiko

C. Pagkontrol - paggabay o pamamahala sa pagkalat ng impormasyon sa publiko

D. Pagpapalabas - pagpapalabas ng opinyon o impormasyon sa publiko



A. Pagsensor - pagpili at pag-alis ng impormasyong hindi nais ipakita sa publiko

200

Ang paglalaban ng Estados Unidos at Soviet Union ay lalong lumala dahil sa Space Race Competition kung saan nais ng bawat isa na ipakita ang kapangyarihan at lakas sa eksplorasyon ng kalawakan. Anong space agency ang binuo ng Estados Unidos dahil sa matagumpay na satellite Sputnik Launch ng Soviet Union?

IDENTIFICATION



NASA (National Aeronautics and Space Administration)

200

Ang Bandung Conference ay naganap noong April 18-24, 1955 sa Bandung, Indonesia. Kasama sa mga lumahok dito ay ang 29 na representatives galing sa mga bansa sa Asya at Africa. Ano ang hangarin ng kumperensyang ito? 


A. Upang itaguyod ang ekonomiko at kultural na kooperasyon sa mga Afro-Asian na bansa at labanan ang kolonyalismo at imperyalismo

B. Upang itatag ang isang bagong patakaran ng pangkapayapaan sa Gitnang Silangan

C. Upang itaguyod ang pandaigdigang katuwiran at paggalang sa soberanya ng bawat bansa

D. Upang itaguyod ang kasarinlan ng mga bansang Asyano at Aprikano laban sa pananakop ng mga Kanluranin

A. Upang itaguyod ang ekonomiko at kultural na kooperasyon sa mga Afro-Asian na bansa at labanan ang kolonyalismo at imperyalismo

200


Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nilikha ang internet noong panahon ng Cold War?

A. Upang mapalakas ang komunikasyon sa pagitan ng mga sundalo at opisyal sa kaso ng digmaan.

B. Upang magbigay ng platform para sa malawakang pakikipagpalitan ng impormasyon at pananaliksik sa mga siyentipiko at inhinyero.

C. Upang magbigay ng kaligtasan sa mga serbidor at komunikasyon sa kaso ng isang nuclear attack.

D. Upang maisaayos ang pagtuturo at pag-aaral sa mga unibersidad at institusyon sa gitna ng tensyon ng Cold War.



C. Upang magbigay ng kaligtasan sa mga serbidor at komunikasyon sa kaso ng isang nuclear attack.

200

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa sa ARPANET (Advanced Research Projects Agency Network)? 


A. Sistema ng komunikasyon na inilunsad ng pribadong sektor upang mapakalas ang negosyo at kalakalan

B. Proyektong itinatag ng pamahalaan ng Estados Unidos upang mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng mga militar at mga ahensya ng gobyerno

C. Network ng mga pamahalaan sa buong mundo upang mapabilid ang pagpapadala ng impormasyon tungkol sa pananaliksik at teknolohiya

D. Organisasyon ng mga siyentipiko at inhinyero na naglalayong palakasin ang kooperasyon sa larangan ng agham at teknolohiya

B. Proyektong itinatag ng pamahalaan ng Estados Unidos upang mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng mga militar at mga ahensya ng gobyerno

200


Ilang post-Soviet states ang lumaya matapos ang Cold War? 


A. 12

B. 18

C. 15

D. 7

C. 15

300


Magbigay ng isang post-Soviet state na lumaya matapos ang Cold War.


IDENTIFICATION

Azerbaijan

Belarus

Estonia

Georgia

Kazakhstan

Kyrgyzstan

Latvia

Lithuania

Moldova

Russia

Tajikistan

Turkmenistan

Ukraine

Uzbekistan

300


Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng International Monetary Fund (IMF) at ng World Bank sa Cold War?

A. Pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga bansa upang labanan ang implasyon (pagtaas ng presyo) at kahirapan

B. Pagpapalakas ng impluwensiya ng mga bansang Kanluranin sa pamamagitan ng mga kondisyon sa mga tulong pinansiyal

C. Pagpapalaganap ng ideolohiyang pang-ekonomiya na sumusuporta sa layunin ng mga bansang komunista

D. Pagsisimula ng mga proyekto at programa na naging batayan ng kompetisyon sa pagitan ng mga bansang lumahok sa Cold War

C. Pagpapalaganap ng ideolohiyang pang-ekonomiya na sumusuporta sa layunin ng mga bansang komunista

300


Magbigay ng isang negatibong epekto ng Military Arms Race. 


IDENTIFICATION/OPINION



A) Paglala ng paggastos sa militar

B) Pagkakaroon ng panganib ng digmaan o labanan

C) Pagpapabaya sa iba't ibang pangangailangan ng mamamayan tulad ng edukasyon at kalusugan

D) Pagpapalakas ng tensyon sa internasyonal na komunidad

E) Pagkawala ng tiwala at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang bansa

F) Pagpapalakas ng problema sa armas at militar na teknolohiya

G) Pagdami ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso ng kapangyarihan



300


Nakapag-ambag ang propaganda sa mga bansa sa Cold War sa pamamagitan ng:


A. Pagpapalakas ng paniniwala at pag-endorso ng kanilang ideyolohiya

B. Pagpapalaganap ng takot at pagdududa sa kalabang panig

C. Pagpapalakas ng pagtitiwala at pagsasama-sama sa pandaigdigang pamayanan

D. Pagpapalaganap ng kapayapaan at pag-unawa sa pagitan ng mga kalahok na bansa

A. Pagpapalakas ng paniniwala at pag-endorso ng kanilang ideyolohiya

300

Ano ang epekto ng Cold War sa mga karapatan ng mga Amerikano? 


A. Pagtaas ng proteksyon sa kalayaan sa pamamagitan ng mga karagdagang batas at patakaran

B. Paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng pangamba sa komunismo

C. Pagpapalakas ng demokratikong proseso at pagkakapantay-pantay sa lipunan

D. Pagbaba ng kalayaan sa pamamagitan ng mas striktong kontrol at pagsupil sa kritisismo

B. Paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng pangamba sa komunismo