PAMBANSANG KAUNLARAN
GAMPANIN NG MAMAMAYANG PILIPINO
SEKTOR NG AGRIKULTURA
MGA BATAS NA NAKATUTULONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
100

Ito ay ang pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng pamumuhay ayon sa Merriam-Webster Dictionary.

PAG-UNLAD

100

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang mamamayan na maging responsable sa kanyang mga kilos at desisyon.

MAPANAGUTAN

100

Ito ay ang pagtatanim ng iba't ibang pananim, na pangunahing pinagmumulan ng ating pagkain.

PAGHAHALAMAN

100

Anong batas noong 1902 ang nagpatupad ng pagpaparehistro ng titulo ng lupa sa ilalim ng sistemang Torrens noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?

LAND REGISTRATION ACT

100

Ito ay binubuo ng mga negosyong nagbibigay ng serbisyo sa halip na produkto.

SEKTOR NG PAGLILINGKOD

150

Ipinaliwanag niya ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad.

FELICIANO R. FAJARDO

150

Ito ay nagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa sariling bayan. Isa itong gampanin ng mamamayang Pilipino na inuuna ang kapakanan ng bansa kaysa pansariling interes.

MAKABANSA

150

Ito ay isang gawaing pangkabuhayan na tumutustos sa ating pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.

PAGHAHAYUPAN

150

Anong batas noong 1902 ang nagbigay ng karapatan sa mga pamilya na nagbungkal ng lupa na magmay-ari ng hanggang 16 ektarya ng lupaing pampubliko?

PUBLIC LAND ACT

150

Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA)

200

Magbigay ng isang salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.

LIKAS NA YAMAN, YAMANG-TAO, TEKNOLOHIYA AT INOBASYON, AT KAPITAL

200

Ito ay tumutukoy sa pagiging madiskarte, magaling, o malikhain sa paghahanap ng mga solusyon upang malampasan ang mga pagsubok gamit ang talento at kasanayan para sa lipunan.

MAABILIDAD

200

Ito ay isang pangunahing gawaing pang-ekonomiya sa agrikultura, ngunit patuloy na humaharap sa suliranin ng pagkaubos ng likas na yaman.

PAGGUGUBAT

200

Sino ang binigyan ng lupa sa ilalim ng Batas Republika Bilang 1160 matapos silang magbalik-loob sa pamahalaan?

REBELDE

200

Anong ahensya ng gobyerno ang nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at pagsasanay sa teknikal at bokasyonal upang mapaunlad ang kakayahan ng manggagawa?

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA)

250

Sang-ayon kina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith, ang pag-unlad ay may dalawang magkaibang konsepto.

TRADISYUNAL NA PANANAW AT MAKABAGONG PANANAW

250

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa mga isyung panlipunan, ekonomiya, at politika.

MAALAM

250

Ito ay ang sining at agham ng pagsasaka ng lupa, para sa layuning makapagtanim doon ng mga gulay, prutas, at iba pang pananim; paghahayupan at pangisngisda.

AGRIKULTURA

250

Ilang ektarya ng lupa ang maaaring mapasakamay ng isang magsasaka sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 27 kung may patubig ang sinasakang lupa?

TATLONG EKTARYA

250

Ano ang tawag sa karagdagang bayad na ibinibigay sa mga manggagawa para sa trabahong ginawa sa araw ng pahinga o special days?

PREMIUM PAY

300

Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao gaya ng:

HUMAN DEVELOPMENT INDEX

300

Si Mr. Reyes ay laging nagbabayad ng tamang buwis sa itinakdang oras. Alam niyang mahalaga ito para sa mga proyekto ng pamahalaan. Anong katangian ang ipinakita niya?

MAPANAGUTAN

300

Ano ang tatlong uri ng pangingisda?

KOMERSIYAL, MUNISIPAL AT AQUACULTURE

300

Anong sistema ng pagmamay-ari ng lupa kung saan ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa ng may-ari kapalit ng bahagi ng ani?

SISTEMANG KASAMA

300

Ano ang tawag sa karagdagang 10% ng sahod na ibinibigay sa mga manggagawa para sa trabahong ginawa mula 10 PM hanggang 6 AM, ayon sa Artikulo 86 ng Labor Code?

NIGHT SHIFT DIFFERENTIAL