SINO-SINO ANG BANAL NA MAG-ANAK?
MARIA, JOSE AT HESUS
ANO ANG TAWAG SA KALENDARYO NG SIMBAHAN?
MGA AKLAT
SINO ANG PATRON NG LECCOM?
ST. TERESA NG LISIEUX
ANO ANG APAT NA EBANGHELYO?
EBANGHELYO AYON KAY MATEO, MARCOS, LUCAS, JUAN
MAGBIGAY NG 3 PANGALAN NG PROPETA
JEREMIAS, ISAIAS, EZEKIEL, JONAS, DANIEL, ELIAS, MALAKIAS, ZACARIAS, ETC.
ANONG SEASON GINAMIT ANG KULAY LILA (VIOLET)?
ADBIENTO AT KWARESMA (ADVENT AND LENT)
ILAN ANG KABUUANG BILANG NG BIBLIYA?
73 AKLAT
MAGBIGAY NG 2 RULES NA NAKASAAD SA HANDBOOK
Ang isang Lector ay nagbibigay-respeto sa kabanalan ng bahay-dalanginan, sa oras ng pananalangin, misa, at paghuhubog sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:
pagsusuot ng wastong pananamit sa loob at labas ng bahay-dalanginan. Lubha ring dinidismaya ang anumang paglalagay ng kolorete sa mukha.
paggamit lamang ng katamtamang lakas ng boses sa loob ng bahay-dalanginan, lubhang nililimitahan ang pag-sigaw at paglalaro sa oras ng pananalangin; at
hindi paggamit ng cellphone o anumang bagay na maaaring gumambala sa pokus ng sarili at ng mga kasama sa partikular na aktibidad.
Ang isang Lector ay maayos na isinusuot ang kanyang kumpletong uniporme sa tuwing siya ay maglilingkod sa misa. Ito ay binubuo ng mga sumusunod:
nakatali/naka-ipit na buhok;
blouse/ puting T-shirt;
Holy Spirit cross (kung mayroon);
palda;
itim na sapatos: at
Bibliya (kung mayroon)
Ang isang Lector ay nagpapakita ng paggalang sa oras ng kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
pagdating tatlumpung (30) minuto bago ang misa, lalong lalo na sa mga araw kung kailan siya maglilingkod; at
pagdating sa paghuhubog bago magsimula ang panimulang panalangin.
Ang isang Lector ay nagpapaalam siyam (9) na oras bago ang itinakdang misa na may wastong rason tulad ng : gawain sa paaralan, karamdaman, mga hindi inaasahang pangyayari o emerhensiya sa mga pagkakataong hindi siya makapaglilingkod dito. Siya rin ay responsable sa paghahanap ng kanyang kapalit na Lector.
4.2 Ang isang Lector ay may pribilehiyo na mabawasan ang kanyang warning kung sakaling siya ang magboluntaryong kapalit ng lector na hindi makakaganap sa kanyang tungkulin.
Ang isang Lector ay nagpapakita ng kanyang pagiging responsable sa maayos na pagpapaalam sa kanyang magulang o tagapag-alaga at hindi paggamit ng simbahan bilang rason kung wala namang importanteng aktibidad na pupuntahan dito.
ANONG ANG EBANGHELYO NGAYONG ARAW?
Lucas 13: 1-9
SINO ANG BANAL NA SANTATLO (HOLY TRINITY)?
DIYOS AMA, DIYOS ANAK, DIYOS ESPIRITU SANTO
KAILAN NAGSISIMULA ANG PANAHON NG KWARESMA?
MIYERKULES NG ABO
ANO ANG DALAWANG BAHAGI NG BIBLIYA?
LUMANG TIPAN AT BAGONG TIPAN
ANO ANG "COMPLETE UNIFORM" NG ISANG LECTOR?
NAKA PALDA, BLOUSE, BLACK SHOES, TALI, MAY BIBLE AT KRUS (KUNG MAYROON)
SAANG BAHAGI NG BIBLIYA MATATAGPUAN ANG EBANGHELYO?
BAGONG TIPAN
SINO ANG APAT NA EBANGHELISTA?
MATEO, MARCOS, LUCAS, JUAN
SA ANONG PAGDIRIWANG GINAGAMIT ANG KULAY ROSAS NA STOLA/ KASULYA (STOLE AND CHASUBLE)?
GAUDETTE SUNDAY AT LAETARE SUNDAY
MAGBIGAY NG PALATANDAAN NA ANG BIBLIYA AY KATOLIKO
73 AKLAT
IMPRIMATUR / NIHIL OBSTAT
MAGBIGAY NG 2 VALUES NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LECTOR
Ang isang Lector ay kinikilala ang kapwa-miyembro sa kanyang sariling ngalan at iniiwasan niya ang paggamit ng anumang hindi naa-angkop na palayaw (na magsasanhi ng hindi kaaya- ayang pag-uugali para sa kasama).
Ang isang Lector ay nalalaman kung kailan ang tamang oras ng pakikinig at pagsasalita. Nirerespeto niya ang mga pagkakataon kung kailan nagsasalita ang kanyang kausap, lalong lalo na kung ito ay mas nakatatanda sa kaniya.
Ang isang Lector ay nababatid at iginagalang ang kanyang hangganan sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Anumang relasyon na hihigit sa pakikipag-kaibigan ay lubhang dinidismaya.
Ang isang Lector ay responsable at may galang na pinakikinabangan ang lahat ng kagamitan na pagmamay-ari ng simbahan.
Ang isang Lector ay may mabuting hangarin na maglingkod sa komunidad at maglaan ng oras at talento para sa samahan.
Ang isang Lector ay nagtataglay ng pagmamahal para sa Bibliya. At may pagnanais na lumago sa pang-unawa at ipahayag ang Banal na Kasulatan sa iba sa pamamagitan ng pag-aaral, panalangin at pagninilay.
Ang isang Lector ay may kakayahang ituon ang sarili sa pagdarasal, pagpapahalaga sa Ebanghelyo at paglago sa personal sa kabanalan.
Ang isang Lector ay masigasig at may positibong pag-uugali.
8.2 Ang isang Lector ay responsable sa paggamit ng anumang uri ng Sosyal Medya at iniiwasan ang paggamit ng anumang salita, kilos, at pananamit na hindi naaangkop sa isang mabuting Kristiyano.
Ang isang Lector ay may Espiritu ng pagiging mapagbigay.
Ang isang Lector ay bukas sa anumang kinakailangang pagsasanay.
FILL IN THE BLANK LUCAS 22:19
Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, β__________________________________. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.β
Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, βIto ang aking katawan [na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.β
MAGBIGAY NG 5 PANGALAN NG MGA APOSTOL
MATEO, JUAN, PEDRO, SANTIAGO AMA NI ALFEO, SANTIAGO (AMA NI ZEBEDEO), JUDAS TADEO, JUDAS ISCARIOTE, SIMON MAKABAYAN, BARTOLOME, ANDRES, FELIPE, TOMAS
IBIGAY ANG 5 LITURGICAL SEASON
ADVENT, CHRISTMAS, ORDINARY TIME, LENT , EASTER
ANO ANG TATLONG ORIHINAL NA LINGGWAHE NG BIBLIYA?
HEBREO, GRIYEGO , ARAMEIK
ano ang tawag sa isang libro na naglalaman ng mga bahagi ng Bibliya na itinalaga upang basahin sa mga partikular na araw sa isang buong taon?
Leksiyonaryo
FILL IN THE BLANK JUAN 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, ________________________, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.