Random
Random
Random
Random
Random
5

Bakit mahalaga ang wastong konsensiya sa paggawa ng pasya?

Para maiwasan ang masama at piliin ang tama

5

Ano ang tawag sa “tinig ng isip” na gumagabay sa paggawa ng tama at pag-iwas sa mali?

Konsensiya

5

Nakakita ka ng wallet sa school. Ano ang dapat mong gawin ayon sa wastong konsensiya?

Isauli ang wallet sa may-ari o sa guro.

5

Ano ang basehan ng konsensiya sa paghusga kung tama o mali ang isang kilos?

Likas na Batas Moral at tamang kaalaman

5

Nakita mong nahulog ang pera ng kaklase mo, anong gagawin mo?

 Ibabalik ko sa kanya dahil ito ang tama.

5

Paano nakatutulong ang wastong konsensiya sa paghubog ng ating pagkatao?

Natututo tayong maging responsable at matuwid

5

Sino ang nagbigay ng prinsipyo na “Gawin ang mabuti, iwasan ang masama”?

Sto. Tomas de Aquino

5

Nahuli mong nangongopya ang kaklase mo at inaaya kang sumali. Ano ang wastong desisyon?

Tumanggi at sabihing mali ang pangongopya.

5

Paano mo malalaman kung ang iyong konsensiya ay wastong nahubog?

Kung nakikilala nito ang mabuti at iniwasan ang masama

5

May pagkakataon kang mangopya sa test, susundin mo ba?

Hindi, gagamitin ko ang sariling kaalaman dahil masama ang mag cheat.

5

Ano ang maaaring mangyari kung palaging sinusunod ng tao ang maling konsensiya?

Nagkakaroon ng maling gawain at nagiging sanhi ng problema sa sarili at lipunan

5

 Ano ang tawag sa batas na nakaukit sa puso at isip ng tao na nagtuturo ng tama at mali?

 Likas na Batas Moral

5

May nakita kang matandang hirap tumawid. Ano ang gagawin mo kahit nagmamadali ka?

 Tulungan siyang makatawid kahit mahuli sa klase.

5

Anong mangyayari kung hindi hinuhubog ang konsensiya sa likas na batas moral?

Nagiging mali ang mga pasya at maaaring makasama sa sarili at kapwa

5

 Kaibigan mo ang nambubully, sasama ka ba? bakit?

Hindi, dahil masama ito at ipagtatanggol ko ang biktima.

5

Ano ang paraan upang mahubog ang konsensiya ng kabataan ngayon?

Edukasyon, mabuting impluwensya, at paggawa ng tama araw-araw

5

 Ano ang pangunahing papel ng konsensiya sa ating buhay?

Gabay sa paggawa ng tama at pag-iwas sa masama

5

Kaibigan mo ang nambubully sa bagong estudyante. Ano ang gagawin mo bilang may tamang konsensiya?

Ipagtanggol ang bagong estudyante o isumbong sa guro.

5

 Ano ang dalawang hakbang ng konsensiya: bago at pagkatapos gumawa ng isang kilos?

Bago nag-uutos ng mabuti; Pagkatapos  humuhusga kung tama o mali ang ginawa

5

. Natapon mo ang gamit ng kaklase, anong gagawin mo?

Aaminin ko at hihingi ng paumanhin.

5

Paano nakakatulong ang konsensiya at likas na batas moral sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan?

Ginagabayan nito ang tao na gumawa ng tama at magpakita ng respeto sa kapwa

5

Totoo o Mali: Ang konsensiya ay pakiramdam lamang at hindi ginagamitan ng isip. bakit?

Mali, (explain your answer)

5

Nais mong tumaas ang score mo, kaya hindi mo sinabi ang mali sa checking ng guro. Anong konsensiya ang nangingibabaw dito tama o mali?

Maling konsensiya

5

 Ano ang pagkakaiba ng maling konsensiya at wastong konsensiya?

Wastong konsensiya – tumuturo ng tama; Maling konsensiya – nagbubunga ng mali o kasalanan

5

Inutusan ka ng magulang na tumulong, pero may lakad ka, ano ang uunahin mo?  

Gawin muna kung ano ang dapat, Tumulong muna sa bahay.