Ang Pilipinas ay may higit sa 7,000 mga isla.
Katotohanan
Naniniwala ako na mabait ang ating guro.
Naniniwala ako
Paano mo mapapatunayan ang petsa ng iyong kaarawan?
Birth Certificate
Bakit hindi maituturing na katotohanan ang isang hula ng manghuhula?
Dahil walang siyentipikong basehan o ebidensya
Masayang manirahan sa isang probinsya kaysa sa lungsod.
Opinyon
Sa aking palagay, mas mainam ang mag-aral sa gabi.
Sa aking palagay
Saan tinitingnan ang tamang spelling at kahulugan ng salita?
Diksyonaryo
Ano ang pagkakaiba ng "Bias" sa "Katotohanan"?
Ang bias ay pagkiling sa isang panig, ang katotohanan ay neutral at napatunayan
Ang tubig ay kumukulo sa temperaturang 100 degree celsius.
Katotohanan
Malamang na hindi siya nakatulog nang maayos kagabi.
Malamang
Saan mo makikita ang listahan ng mga pinakamayamang bansa sa buong mundo?
World Bank Records o Reliable Statistical Websites
Ang mga patalastas (commercials) ba sa TV ay madalas na katotohanan o opinyon? Ipaliwanag.
Opinyon, dahil layunin nilang manghikayat gamit ang mga magagandang katangian
Ang Batas Militar ay nagdulot ng disiplina sa mga Pilipino noong dekada '70.
Opinyon - dahil ito ay interpretasyon ng kasaysayan at may iba-ibang pananaw
Sinasabing ang mga Pilipino ang pinakamagiliw sa mga panauhin sa buong mundo.
Sinasabing
Kung may nabasa kang balita sa Facebook, paano mo masisiguro kung ito ay katotohanan o fake news?
I-cross check sa mga opisyal na news outlets o government websites
Maaari bang magbago ang isang "Katotohanan" sa paglipas ng panahon? Magbigay ng halimbawa.
Oo, halimbawa: Noon, ang Pluto ay planeta, ngayon ay dwarf planeta na lang dahil sa bagong tuklas na datos
Ang sikat ng araw ay mahalaga sa proseso ng photosynthesis ng mga halaman.
Katotohanan - ito ay isang scientific fact na napatunayan na
Bagaman maraming saksi, tila hindi pa rin sapat ang ebidensya para sa kaso.
tila
Paano mo mapapatunayan ang pahayag na: "Ang paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan"?
Medical journals, pagsusuri ng mga doktor, o babala mula sa Department of Health
Paano nakaaapekto ang pagkalito sa katotohanan at opinyon sa pagpili ng isang pinuno ng bansa?
Maaaring madala sa matatamis na pangako (opinyon) kaysa sa track record at plataporma (katotohanan)