NG/NANG
MAY/MAYROON
Raw, Rin / Daw, Din
Kila / Kina
Kundi / Kung di Kung / Kong
100

Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila.

Bakit itinuturing na pampalit sa noong o pinagsamang na + ng ang nang dito?

Dahil tinutukoy nito ang panahon o oras ng pagkakaganap ng kilos. Istruktura: Umaga na ng dumating --- naging nang

100

May kaming dalang meryenda at sapat na inumin para sa lahat ng dadalo sa pulong.

Ano ang mali sa pangungusap?

May kaming dalang meryenda at sapat na inumin para sa lahat ng dadalo sa pulong.

100

Ano ang tama?


Luminaw daw ang kanyang paningin.

Luminaw raw ang kanyang paningin.

Luminaw raw ang kanyang paningin.

100

"Makikipag-usap ako kina Vec at Nona."

Ano ang pagkakaibang pang-gramatika ng kina kumpara sa isahang anyo nitong kay?  

Ang kina ay panandang maramihan (plural marker) na ginagamit kapag dalawa o higit pang tiyak na ngalan ng tao ang kasunod, samantalang ang kay ay para sa iisang tao lamang.

100

Matutulog na sana ako kong pinatay mo na ang maingay na ilaw sa sala.

Tama ba ang pangungusap? at bakit?


Ginamit ito bilang pangatnig na panubali o kondisyon (katumbas ng if), kaya dapat ay kung at hindi kong.

200

Agad na kinuha ng masunuring bata ang basura at iniligay nang nararapat nitong kalagyan.

Ano ang mali sa pangungusap?

Ang nararapat ay pang-uri. Ang ginamit na nang ay mali dahil ang tinutukoy ay direksyon o pook (dapat ay sa nararapat nitong kalagyan).

200

"May magarang sasakyan ang iyong kuya."

Bakit may ang ginamit gayong ang salitang magarang ay naglalarawan lamang?

Dahil ang magarang ay isang pang-uri. Ang batas ay nagtatakda na may ang gagamitin kung ang kasunod ay pang-uri, pandiwa, o pangngalan.

200

Sinasabi ng balita na malayo daw ang lokasyon ng bagong paaralan mula sa kabayanan.

Tama ba ang pangungusap? bakit?

Ang sinusundang salita ay malayo na nagtatapos sa patinig na o, kaya dapat ay raw.

200

Pakidala naman ang mga natirang gamit kila Benny at Maris bago magdilim.

Tama ba ang pangungusap? bakit?

Ang salitang kila ay hindi umiiral sa opisyal na balarilang Filipino. Ang tamang salita ay kina bilang maramihan ng kay.

200

"Aalis na sana kami kung di ka dumating."

Bakit hindi pwedeng gamitin ang magkasamang kundi sa pangungusap na ito?

Dahil ang kahulugan nito ay kondisyonal o nagpapahayag ng pagsalungat sa isang nangyaring sitwasyon (if not o kung hindi), at hindi ito nagpapakita ng pagbubukod (except).

300

Ang nang ay may higit sa tatlong magkakaibang gamit sa aralin.

Ibigay ang tamang gamit ng NANG

Pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” , “noong” sa pangungusap.

300

Baguhin ang pangungusap na "May pulis sa ilalim ng tulay" gamit ang salitang mayroon nang hindi binabago ang kahulugan.

"Mayroon ding pulis sa ilalim ng tulay." (Nagiging tama ang mayroon dahil hindi na direktang pangngalan ang kasunod nito kundi isang kataga o paningit na ding).

300
Sabi niya love rin ikaw niya.


Tama ba ang pangungusap?

DIN
Bagamat sa katinig ang katapusan ng love, dahil hiram na salita ito sa pagbigkas pa rin babatay. 

300

Paano mo ipapaliwanag sa isang mag-aaral na laking-lansangan ang maling paggamit ng salitang "kila"?

Ang salitang kay ay ginagamit sa isa (Kay Pedro). Kung marami sila, hindi natin pwedeng lagyan lang ng "la" ang kay. Ang tamang katumbas ng maramihan ay kina (Kina Pedro at Juan).

300

(1) "Ito ang dinala kung gamit."

(2) "Ito ang dinala kong gamit."

Ipaliwanag ang  kaibahan ng kahulugan ng dalawang pangungusap.

Ang (1) ay mali at walang kahulugan dahil humihingi ito ng kondisyon (if). Ang (2) ang siyang tama dahil nagpapakita ito na ang nagsasalita ang nagmamay-ari ng gamit (the clothes that I brought).