HEOGRAPIYA AT KULTURA
KULTURA
ILAYA AT ILAWOD
PAMANANG KULTURAL
PAGLALAPAT
100

Ano ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar tulad ng bundok, ilog, dagat, at kapatagan?

Heograpiya

100

Ano ang tawag sa pangkat ng mga taong naninirahan sa iisang lugar?

KOMUNIDAD

100

Ano ang tawag sa pag-unawa sa ugnayan ng nakaraan at kasalukuyan?

KAMALAYANG PANGKASAYSAYAN
100

Ano ang tawag sa mga tradisyon, sining, paniniwala, at kaugalian na minana mula sa ating mga ninuno?

PAMANANG KULTURAL

100

Ano ang karaniwang kabuhayan ng mga taong nakatira malapit sa dagat?

PANGINGISDA

200

Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay, paniniwala, tradisyon, at kaugalian ng isang komunidad?

KULTURA
200

Ano ang tawag sa mga kaugaliang ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod?

TRADISYON

200

Ang kasalukuyan ay bunga ng ano?

KASAYSAYAN

200

Ano ang tawag sa pamanang kultural na maaaring makita at mahawakan?

Nasasalat (Tangible Heritage)

200

Ano ang karaniwang kabuhayan ng mga taong nakatira sa kabukiran/kabundukan?

PAGSASAKA

300

Ano ang tawag sa komunidad na matatagpuan sa kabundukan o mataas na lugar?

ILAYA

300

Magbigay ng isang halimbawa ng tradisyon.

PISTA

Bayanihan, Pagmamano, Flores de Mayo  

300

Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?

Upang maunawaan ang kasalukuyan.

300

Ano ang tawag sa pamanang kultural na hindi maaaring mahawakan ngunit patuloy na isinasabuhay?

Di-nasasalat (Intangible Heritage)

300

Magbigay ng isang paraan upang mapangalagaan ang pamanang kultural.

paggamit ng sariling wika


pangangalaga sa makasaysayang lugar

400

Ano ang tawag sa komunidad na matatagpuan sa mababang lugar, tabing-ilog, o tabing-dagat?

ILAWOD

400

Ano ang tatlong pangunahing bahagi ng Mind Map na ginawa tungkol sa sariling komunidad?

Kabuhayan, Tradisyon, at Kapaligiran

400

Ano ang dalawang panahong inihahambing sa gawaing "Noon at Ngayon"?

Nakaraan at Kasalukuyan

400

Magbigay ng isang halimbawa ng nasasalat na pamanang kultural.

Lumang simbahan

400

Sino ang may mahalagang papel sa pagpapatuloy ng kultura para sa susunod na henerasyon?

Kabataan

500

Anong aspeto ng pamumuhay ang karaniwang naaapektuhan ng heograpiya?

KABUHAYAN
500

Ano ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang komunidad?

KULTURA

500

Ano ang isang pakinabang ng pagkakaroon ng kamalayang pangkasaysayan?

Mas nauunawaan ang ating pagkakakilanlan. 

napapahalagahan ang kultura 

natututo mula sa nakaraan.

500

Magbigay ng isang halimbawa ng di-nasasalat na pamanang kultural.

WIKA

500

Ang Barangay Buso ay may bundok, sapa, at malawak na taniman ng niyog, mais, at saging. Anong pangunahing salik ang nakaimpluwensiya sa kabuhayan ng mga tao?

Heograpiya o kapaligiran