CATEGORY 1: PANAHON NG KASARINLAN
CATEGORY 2: BANGKANG PAPEL
CATEGORY 3: PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA
CATEGORY 4: SANGGUNIAN AT IMPORMASYON
CATEGORY 5: CHALLENGE ROUND
2

Ano ang kasingkahulugan ng salitang kasarinlan?  

KALAYAAN O SOBERANYA

2

Sino ang may-akda ng Bangkang Papel?

Genoveva Edroza Matute.

2

Sino ang may-akda ng Paglalayag sa Puso ng Isang Bata?  

Genoveva Edroza-Matute.

2

Ano ang dalawang pangunahing uri ng sanggunian?

Pangunahin at pangalawang sanggunian.

2

Sino ang sumulat ng dulang Sinag sa Karimlan?

Dionisio Salazar

4

Anong taon kinilalang malaya ang Pilipinas batay sa deklarasyong iginawad ng Amerika?

1946

4

Anong bagay ang naging mahalagang simbolo sa akda?

Bangkang papel.

4

Ilang taong gulang ang batang inilalarawan ng tagapagsalaysay?

WALO/8

4

Ano ang tawag sa sanggunian na naglalaman ng orihinal o direktang impormasyon?

Pangunahing sanggunian.

4

Ano ang tawag sa pagbabalik sa mga pangyayari sa nakaraan sa isang akda?

In medias res / pagbabalik-tanaw

6

Sino ang lumagda sa batas na naglipat ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 patungong Hunyo 12?

Pangulong Diosdado Macapagal.

6

Anong mga elemento ng kuwento ang sinusuri sa Bangkang Papel?

Tauhan, tagpuan, tunggalian, at aral/mensahe.

6

Ano ang isang katangiang ipinakita ng bata sa kuwento?

Siya ay masipag, tahimik, matulungin at may malasakit.

6

Ang aklat na diksyonaryo ay halimbawa ng anong uri ng sanggunian?

Pangalawang Sanggunian

6

Ano ang tawag sa pahiwatig tungkol sa maaaring mangyari sa hinaharap ng kuwento?

Foreshadowing o pagyuyugto ng mga pangyayari.

8

Ano ang ilan sa mga karaniwang paksa ng mga akda noong Panahon ng Kasarinlan?

Kalupitan ng mga Hapon, panghihimasok ng mga Amerikano, pagbabago dulot ng kalayaan, at pagtataguyod ng kulturang Pilipino

8

Anong isyung panlipunan ang maaaring suriin batay sa sinapit ng ama ng pangunahing tauhan sa Bangkang Papel?

Mga suliraning dulot ng digmaan at epekto nito sa pamilya at mga bata.

8

Ano ang kalagayan ng bata sa kuwento?

Isa siyang munting ulila mula sa lalawigan na napunta sa malaking lungsod bilang utusan at pumapasok sa paaralan nang kalahating araw.

8

Ang website ay kabilang sa anong uri ng hanguan ng impormasyon?

Hanguang Elektroniko

8

Ano ang tawag sa paggamit ng mga salitang nag-uugnay sa mga ideya upang maging maayos ang daloy ng isang teksto?

Transisyonal at kohesiyong gramatikal.

10

Bakit naging mahalaga ang panitikan sa Panahon ng Kasarinlan?

Naging paraan ito upang maipahayag ng mga Pilipinong manunulat ang kanilang damdamin, saloobin, karanasan at diwang makabansa, at upang mapalawig ang panitikang Pilipino.

10

Kung ang bangkang papel ay simbolo ng pangarap ng isang bata, ano ang maaaring ipahiwatig kapag ito ay inanod o nawasak?

Maaaring sumimbolo ito sa pagkawasak o paghadlang sa mga pangarap dahil sa mahihirap na karanasan o kalagayan sa buhay.

10

Paano nabago ng guro ang buhay ng bata?

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamalasakit, pagtanggap at pagbibigay sa bata ng pakiramdam na siya ay mahalaga at may nagmamahal sa kanya.

10

Kung nagsasaliksik ka tungkol sa isang makasaysayang pangyayari, bakit mahalagang gumamit ng higit sa isang sanggunian?

Upang mapaghambing at mapatunayan ang impormasyon at maiwasan ang pagbibigay ng maling datos.

10

Isang mag-aaral ang nakakita ng impormasyon sa TikTok tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan. Maaari ba niya itong gamitin agad bilang pangunahing batayan sa kaniyang research? Ipaliwanag.

Hindi agad. Kailangang suriin ang kredibilidad ng impormasyon at ihambing ito sa mapagkakatiwalaang sanggunian. Ang elektronikong sanggunian ay maaaring gamitin, ngunit dapat tiyakin ang awtoridad at pagiging maaasahan ng source.