Panahon ng Eksplorasyon
Mga Rebolusyon
Nasyonalismo, Imperyalismo at Kolonisasyon
Mga Kilalang Tao
Renaissance and More
100

Bakit mahalaga ang mga spices sa mga Europeo?

Dahil ginagamit nila itong pampalasa sa pagkain

100

Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon.

Rebolusyong Industriyal

100

Alin sa MGA NUMERO ang nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?

1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita

2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng pamahalaan

3. Magtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamayan

4. Gumamit ng wikang Ingles upang masabing magaling at matalino

2 at 3

2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng pamahalaan

3. Magtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamayan

100

Naging tanyag sa kanyang hindi malilimutang obra maestra niyang “ Huling Hapunan”(Last Supper).

Leonardo Da Vinci

100

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na ”The End Justifies the Means”.

A. Ang pamamaraan ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan

B. Anomang pamamaran kung ito ay mabuti, palaging may mabuting bunga

C. Ang mabuting pamumuno ay palaging may maayos na pamamahala

D. Anomang pamamaraan ay katanggap-tanggap kung mabuti ang hangarin

D. Anomang pamamaraan ay katanggap-tanggap kung mabuti ang hangarin

200

Ito ay isang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Kastila upang magdala ng mga likas na yamang nakuha nila sa bansang kanyang kolonya.

Caravel

200

Ang Rebolusyong Industriyal ay umusbong sa Britanya bunga ng mga sumusunod na salik MALIBAN sa:

A. Dahil sa yamang tao

B. Usaping politikal

C. Dahil sa likas na yaman

D. Malaking puhunan

B. Usaping Politikal

200

Ang merkantilismo ay isang sistemang pang–ekonomiya na lumaganap sa Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng:

A. Karangyaan at katiwasayan ng bansa

B.Katalinuhan at kagandahan ng bansa

C. Kaligtasan at kaunlaran ng bansa

D. Kayamanan at kapangyarihan ng bansa

D. Kayamanan at kapangyarihan ng bansa

200

Isang Portuges na manlalayag na unang nakarating sa Calicut India.

Vasco Da Gama

200

Maraming pagbabago ang naganap sa Europa nang umusbong ang Renaissance, ngunit bakit kaya sa Italya ito nagsimulang umusbong?

A. Maganda ang lokasyon nito sa pakikipagkalakalan

B. Nasa Italya ang mga mayayamang tao sa Europa

C. Nakatira sa lugar na ito ang Santo Papa

D. Matatalino ang mga taong nakatira dito


A.Maganda ang lokasyon nito sa pakikipagkalakalan

300

Ano ang naging ambag ng aklat na “The Travels of Marco Polo” sa kasaysayan?

A. Napaunlad nito ang mga instrumentong pang-nabigasyon .

B. Ipinabatid sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng Tsina.

C. Nagkaroon ito ng matinding epekto sa kasaysayan ng Tsina .

D. Hinikayat nito na makarating sa Tsina ang mga Kanluranin .


B. Ipinabatid sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng Tsina.

300

Mahalaga ang kontribusyon ng mga makabagong kaisipan sa panahon ng Enlightenment. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting dulot nito sa kasaysayan?

A. Nakapagpalawak ito ng paniniwalang panrelihiyon

B.Mapag-aaralan dito ang kasaysayan at pinagmulan ng daigdig .

C.Mas lalong umunlad ang sining, agham at pilosopiya.

D. Napahahalagahan nito ang pagkakaiba ng kultura sa buong mundo .


C.Mas lalong umunlad ang sining, agham at pilosopiya

300

Noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, ang mga bansa sa Aprika, Asya at Latin Amerika ay nagmistulang alipin sa kamay ng mga dayuhan. Ano ang dahilan nito?

A. Ginusto ng mga katutubo na sila ay sakupin ng mga dayuhan

B. Ang pagiging alipin ay normal na nararanasan ng mga nasakop na bansa

C. Higit na makapangyarihan ang mga mananakop

D.Mas pinili ng mga nasakop na bansa ang kapayapaan

C.Higit na makapangyarihan ang mga mananakop

300

Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at mabagal kung ito’y palayo.

Johannes Kepler
300

Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “rebirth” o muling pagsilang, sa yugtong ito ipinaliliwanag ang                                                    

A. Pagkalimot sa mga ideyang Medieval

B. Unti-unting paghina ng simbahang katoliko

C. Transisyon mula Medieval hanggang pagpasok ng modernong panahon

D. Pagkakaroon ng malawakang kaguluhan dulot ng makabagong ideya



C. Transisyon mula Medieval hanggang pagpasok ng modernong panahon

400

Tatlong bagay ang itinuturing na naging motibo ng kolonyalismo na nagdulot ng ekplorasyon MALIBAN sa:

A. Paghahanap ng kayamanan .

B. Pagpigil sa paglakas ng mga Turkong Muslim.

C. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo .

D. Ang makamit ang katanyagan, karangalan at kadakilaan .


B. Pagpigil sa paglakas ng mga Turkong Muslim

400

Noong 1733, pinabilis ng makina ang paggawa ng mga produkto at malaki ang naitulong nito sa industriya ng paggawa ng tela, alin sa mga sumusunod ang nagpabilis ng pag-ikid ng sinulid.


Flying Shuttle

400

Ang mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo MALIBAN sa:

A.Pangangailangan sa hilaw na sangkap .

B.Pagsunod sa sistemang kapitalismo .

C.Ipinalaganap ang kanilang kabihasnan.

D.Pagpapalakas ng pwersang militar .

C. Ipinalaganap ang kanilang kabihasnan

400

Ginamit nya na ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan

Thomas Hobbes

400

Isa sa kaisipang lumaganap sa panahon ng Renaissance ay ang ”Machiavellian Principle”, bilang isang lider paano mo masasabing ikaw ay nasa ilalim ng paniniwalang ito?

A. Tagahanga ka ng may akda na si Nicollo Machiavelli

B. Isang humanista na sunod-sunuran sa utos ng monarkiya

C. Binasa at isinapuso mo ang kanyang akda na ‘’The Prince”

D. Isa kang pinuno na nais ng kapayapaan sa maling paraan.


D. Isa kang pinuno na nais ng kapayapaan sa maling paraan

500

Ang pagguhit ng line of demarcation mula sa North Pole hanggang South Pole ay nagsilbing tagapamagitan sa lumalalang paligsahan sa pagitan ng Portugal at Spain, ano ang kahalagahan nito?

A. Upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Portugal at Spain

B. Ang lahat ng matatagpuang lupain sa kanlurang bahagi ay sa Spain, ang silangang bahagi naman ay sa Portugal.

C. Maipamalas ang kapangyarihan ng Papa sa nagtutunggaliang bansa

D. Ang lahat ng matatagpuang lupain sa kanlurang bahagi ay sa Portugal, ang silangang bahagi naman ay sa Spain

B. Ang lahat ng matatagpuang lupain sa kanlurang bahagi ay sa Spain, ang silangang bahagi naman ay sa Portugal

500

Alin sa mga sumusunod na hakbang ang iyong gagawin upang mapakinggan ang iyong hinaing o reklamo at mabigyan ito ng solusyon?

A. Boycott       

B. Himagsikan

C. Dayalogo

D. Pagsali sa rally

C. Dayalogo  

500

Masasabi bang nakabuti ang kolonyalismo at imperyalismo sa mga kolonyang bansa sa Aprika at Asya?

A.Oo, dahil maraming produkto ang nakarating sa Aprika at Asya

B.Oo, dahil nakarating sa Aprika at Asya ang teknolohiya at pag–unlad

C.Hindi, dahil ibang bansa ang nakinabang sa likas na yaman ng Aprika at Asya.

D.Hindi, dahil natambakan ng tirang produkto at basura ang Aprika at Asya


C.Hindi, dahil ibang bansa ang nakinabang sa likas na yaman ng Aprika at Asya.

500

Ang kinikilalang “ Ama ng Humanismo”, Siya ang may-akda ng aklat na “Songbook:” na koleksiyon ng mga sonata na alay niya sa pinakamamahal niyang si Laura.

Francesco Petrarch

500

Ang pag-usbong ng mga makabago at siyentipikong kaisipan ay naging dahilan upang ang simbahan ay    

A. Higit na maging makapangyarihan

B. Makapang-akit ng mga bagong kasapi

C. Masuri ang kanyang mga aral at doktrina

D. Makipagtulungan sa mga monarkong Europeo

                                             .

C. Masuri ang kanyang mga aral at doktrina