1. Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, at pagbubuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?
A. Hilig B. Kakayahan C. Pagpapahalaga D. Talento
KAKAYAHAN
Bilang isang mag-aaral na namumulat sa mundo, mahalaga na ito ay alam mo kung kaya mong gawin o ito ay kaya mo pang paunlarin.
A. Hilig B. Kakayahan C. Pagpapahalaga D. Talento
KAKAYAHAN
Ang pagkukumpuni ng mga bagay-bagay sa paligid ay isa sa mga halimbawa nito.
A. Hilig
B. Kakayahan
C. Pagpapahalaga
D. Talento
TALENTO
Alin sa mga sumusunod ang magtataya ng iyong mga hilig na gawin?
A. Antas ng pagpapahalaga
B. Multiple Intelligence Test
C. RIASEC
D. Uri ng Kakayahan
RIASEC
Nais malaman ni Cindy ang kanyang mga talento. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa kanya para malaman ito?
A. Antas ng pagpapahalaga
B. Multiple Intelligence Test
C. RIASEC
D. Uri ng Kakayahan
MULTIPLE INTELLIGENCE TEST
Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
A. Hilig B. Kasanayan C. Mithiin D. Pagpapahalaga
Noong nasa ika-7 baitang pa lamang si Mandy ay mahilig siyang mag-ayos ng hardin at mag-alaga ng bulaklak. Ngayong siya ay nasa ika-9 na baitang ay napagtuunan niya ng pansin ang pagsulat ng mga liriko ng isang awit. Ano ang nabago kay Mandy?
A. Hilig B. Kakayahan C. Pagpapahalaga D. Talento
HILIG
Si Sarah ay palakaibigan simula noong siya ay bata pa lamang. Maraming natutuwa sa kanya dahil magiliw siya sa mga tao kahit na sa bagong kakilala. Matulungin siya at hindi namimili kung sino ang pakikisamahan. Ano ang kanyang kakayahan?
A. Kakayahan sa paggalang C. Kakayahan sa pakikiharap sa mga tao
B. Kakayahan sa pagkatao D. Kakayahan sa mga datos
KAKAYAHAN SA PAGGALANG SA PAKIKIHARAP SA MGA TAO
Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
PAUNLARIN PARA SA SARILI AT IBAHAGI PARA ST KABUTIHANG PANLAHAT
Kung ang kakayahan ni Sally ay nakatuon sa matematika at numero. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kurso para sa kanya?
A. Accounting B. Nutrition and dietetics C. Medicine D. Researcher
ACCOUNTING
Kung mayroon kang nakilala na katulad mo ang kakayahan, alin ang pinakamainam na gawin upang matuto ka sa kanya?
A. Humanap pa ng iba na pareho ang kakayahan
B. Kilalanin ang taong iyon
C. Magmasid sa kanya
D. Magpaturo
KILALANIN ANG TAONG IYON
Ang isang kakayahan ay bunga ng pagsasanay. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang isang kakayahan ay balewala kung hindi ito matutuklasan
B. Dapat itong gamitin at paglaanan ng panahon upang mapaunlad
C. Hindi ka magaling kung hindi ka magsasanay
D. Kapag hindi mo kaya, magsanay ka
DAPAT ITONG GAMITIN AT PAGLAANAN NG PANAHON UPANG MAPAUNLAD
Ang iba’t ibang hanapbuhay ay may mga kinakailangan upang maisagawa ang kanya kanyang gawain nang may kahusayan. Ano ang mga kinakailangan na ito?
A. Kaalaman at kasanayan
B. Karera at edukasyon
C. Paghahanda at pagsasanay
D. Propesyon at trabaho
KAALAMAN AT KASANAYAN
Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sapagkuha ng datos at iba pa?
A. Hilig B. Kasanayan C. Pagpapahalaga D. Talento
TALENTO
Ano ang tinutukoy ng pagiging tugma ng personal na salik sa napiling kurso?
A. Pagpili ng kursong sikat sa kaibigan
B. Pagpili ng kursong mataas ang sahod kahit walang interes
C. Pagkakatugma ng hilig, kakayahan, at interes sa kursong kukunin
D. Pagpili ng kursong madaling tapusin
PAGKAKATUGNA NG HILIG, KAKAYAHAN, INTEREST SA KURSONG KUKUNIN
Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga requirements ng napiling kurso?
A. Upang maiwasan ang pag-aaral
B. Upang matiyak na kayang matugunan ng mag-aaral ang hinihingi ng kurso
C. Upang gayahin ang piniling kurso ng iba
D. Upang makapili ng kursong walang hamon
UPANG MATIYAK NG KAYANG MATUGUNAN NG MAG-AARAL ANG HINIHINGI NG KURSO
Paano nakatutulong ang tamang pagpili ng kurso sa pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay?
A. Nagiging madali ang paglipat-lipat ng trabaho
B. Nawawala ang interes ng mag-aaral sa trabaho
C. Nagiging epektibo at masaya ang paggawa dahil tugma ito sa kakayahan
D. Napipilitan lamang magtrabaho para kumita
NAGIGING EPEKTIBO AT MASAYA ANG PAGGAWA DAHIL TUGMA ITO SA KAKAYAHAN
Si Ana ay mahilig magluto at nais magnegosyo balang araw. Aling kurso ang pinakaangkop sa kanya?
A. Engineering B. Tourism o Culinary Arts C. Political Science D. Criminology
TOURISM O CULINARY ARTS
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita kung paano nakatutulong ang kursong teknikal-bokasyonal sa pagiging produktibo?
A. Pag-aaral ng kursong hindi kailangan sa komunidad
B. Pagkuha ng kursong walang kaugnayan sa kakayahan
C. Paglinang ng kasanayang maaaring agad gamitin sa trabaho o negosyo
D. Pagpili ng kurso dahil lamang sa uso
PAGLINANG NG KASANAYANG MAAARI ADAG GAMITIN SA TRABAHO O NEGOSYO
Paano makatutulong sa ekonomiya ng bansa ang mag-aaral na may talento sa sining o isports?
A. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pag-aaral
B. Sa pamamagitan ng paglimita sa sariling talento
C. Sa pamamagitan ng paggamit ng talento bilang hanapbuhay o negosyo
D. Sa pamamagitan ng pag-asa sa ibang bansa
SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG TALENTO BILANG HANAP BUHAY O NEGOSYO
Ano ang posibleng epekto kung pipili ang isang mag-aaral ng kursong hindi tugma sa kanyang hilig at kakayahan?
A. Mas magiging inspirado siya sa trabaho
B. Mas tataas ang kanyang kasiyahan
C. Maaaring bumaba ang kanyang performance at interes sa trabaho
D. Mas magiging madali ang kanyang pag-aaral
MAAARING BUMABA ANG KANYANG PERFORMANCE AT INTEREST SA TRABAHO
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pagpapaliwanag ng kraytiryang SMART na dapat isaalang-alang sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Safe, Mover, Awe, Retain, Thought binding
B. Simple, Meaningful, Able, Reliable, Team
C. Sound, Maker, Allowed, Rest, Timely
D. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound
Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound
Sa pagsusuri ng mga hakbang sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, alin ang pinakamahalagang unahin upang maging makabuluhan at tapat ito sa sarili?
A. Sumangguni sa iba
B. Suriin ang iyong sarili
C. Tipunin lahat ng impormasyon
D. Tukuyin ang pinapahalagahan
SURIIN ANG IYONG SARILI
Saan tayo ginagabayan ng personal na pagpapahayag ng misyon ng buhay?
A. Sa mga aksyon B. Sa mga desisyon C. Sa mga kakayahan D. Sa mga pagkakamali
SA MGA DESISYON
Sinusuri ng isang mag-aaral ang kanyang hilig, kakayahan, at layunin upang matukoy ang direksiyong tatahakin niya sa buhay na magdadala sa kanya ng kaganapan. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. Adbokasiya B. Bokasyon C. Misyon D. Propesyon
MISYON