Bilang samahang panrehiyon, may opisyal na motto ang ASEAN na sumasalamin sa layunin nitong pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kasaping bansa. Alin sa sumusunod ang motto ng ASEAN?
A. One Vision, One Unity, One Society
B. One Mission, One ldentity, One Society
C. One Mission, One Unity, One Community
D. One Vision, One Identity, One Community
D. One Vision, One Identity, One Community
Upang mapalakas ang kalakalan at pag-unlad sa Timog-Silangang Asya, may partikular na sangay ang ASEAN na nakatuon sa usaping pang-ekonomiya. Alin sa sumusunod ang makinarya ng ASEAN na nagtataguyod sa pagtutulungang pang-ekonomiya sa rehiyon?
A. ASEAN Free Trade Area C. ASEAN Human Rights Declaration
B. ASEAN Economic Community D. ASEAN Intergovermental Commission on Human Rights
B. ASEAN Economic Community
Binubuo ang ASEAN ng mga piling bansa sa Timog-Silangang Asya na nagkakaisa para sa kooperasyong panrehiyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasapi sa ASEAN?
A. Pilipinas B. Sri Lanka C. Indonesia D. Malaysia
B. Sri Lanka
Sa pagtatatag ng ASEAN, may mga opisyal na kumatawan sa bawat bansang kasapi upang lagdaan ang kasunduan. Sino ang kinatawan ng Pilipinas sa pagbuo ng ASEAN?
A. Fidel V. Ramos B. Narciso R. Ramos C. Carlos P. Romulo D. Diosdado Macapagal
B. Narciso R. Ramos
Sa loob ng ASEAN, may mga programang inilunsad upang higit na maprotektahan at mapalakas ang sektor ng kababaihan at kabataan sa rehiyon. Anong inisyatiba ng Pilipinas sa ASEAN ang naglalayong magbigay ng tulong sa mga kababaihan at kabataan sa rehiyon?
A. ASEAN Free Trade Agreement
B. ASEAN Youth Exchange Program
C. ASEAN Education Cooperation Agreement
D. ASEAN Women Entrepreneurs Network (AWEN)
D. ASEAN Women Entrepreneurs Network (AWEN)
Bilang isang rehiyonal na organisasyon, nakikipag-ugnayan ang ASEAN sa iba’t ibang bansa upang mapalakas ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Ano ang tawag sa mga bansa kung saan nakikipag-ugnayan ang ASEAN?
A. dialogue partners
B. economic partners
C. political partners
D. sociocultural partners
A. dialogue partners
Ang ASEAN ay may iba’t ibang estruktura ng pamamahala upang mapag-usapan at mapagpasyahan ang mahahalagang usapin ng mga kasaping bansa.Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na kapulungan ng ASEAN?
A. ASEAN Summit C. ASEAN Community Councils
B. ASEAN Integration D. ASEAN Coordinating Council
A. ASEAN Summit
Mahalagang bahagi ng ASEAN ang pakikipag-ugnayan nito sa mga bansang hindi kasapi at sa iba pang pandaigdigang organisasyon. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mga bansa o organisasyong panlabas na kaugnayan ng ASEAN?
A. Dialogue Partners C. ASEAN Relations Officer
B. ASEAN Plus Three D. ASEAN Economic Community
A. Dialogue Partners
Sa panahon ng Cold War, nakibahagi ang Pilipinas sa mga alyansang panseguridad sa rehiyon. Kailan sumapi ang Pilipinas sa Southeast Asian Treaty Organization (SEATO)?
A. 1954 B. 1963 C. 1967 D. 1971
A. 1954
Upang mapalakas ang ugnayan at kooperasyon sa mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya, nakibahagi ang Pilipinas sa isang panrehiyong samahan. Ano ang dahilan ng pagsali ng Pilipinas sa ASEAN?
A. Pagpapahayag ng mga kasunduan at patakaran ng samahan.
B. Mapabuti ang daloy ng kalakal, serbisyo, at pamumuhunan sa rehiyon.
C. Makahanap ng mapayapa at makatarungang solusyon sa mga teritoryal na alitan.
D. Ang lahat ng nabanggit na dahilan ay tama.
D. Ang lahat ng nabanggit na dahilan ay tama.
Upang maging sentro ng koordinasyon at pagpapatupad ng mga programa, may itinakdang pangunahing himpilan ang ASEAN.Saan matatagpuan ang punong-tanggapan ng ASEAN?
A. Bali B. Jakarta C. Manila D. Singapore
B. Jakarta
Noong 1967, naging aktibong kalahok ang Pilipinas sa pagbuo ng isang samahang panrehiyon na naglalayong itaguyod ang kapayapaan at pagtutulungan sa Timog-Silangang Asya. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Pilipinas sa pagtatatag ng ASEAN noong 1967?
A. Pagbibigay ng pondo para sa kalakalan
B. Pagsuporta sa pagbuo ng regional defense system
C. Pagtulong sa pagbalangkas ng Bangkok Declaration
D. Pagpayag na maging permanenteng host ng ASEAN meetings
C. Pagtulong sa pagbalangkas ng Bangkok Declaration
Aktibong nakikilahok ang Pilipinas sa iba’t ibang programang panrehiyon upang mapaunlad ang ekonomiya at mapalakas ang ugnayan ng mga bansa. Anong rehiyonal na aktibidad ng ASEAN ang karaniwang isinusulong ng Pilipinas upang palakasin ang turismo sa rehiyon?
A. ASEAN Trade Expo C. Visit ASEAN Campaign
B. ASEAN Sports Meet D. ASEAN Economic Forum
C. Visit ASEAN Campaign
Ang balangkas ng ASEAN ay nakabatay sa tatlong pangunahing haligi na gumagabay sa mga programa at layunin nito. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa tatlong haligi ng ASEAN?
A. ASEAN Economic Community C. ASEAN Socio-Cultural Community
B. ASEAN Information Community D. ASEAN Political-Security Community
B. ASEAN Information Community
Isa sa mga suliraning panrehiyon na kinakaharap ng ASEAN ay ang sigalot sa pagitan ng mga kasaping bansa at kanilang mga kapitbahay na may kinalaman sa hangganan at karagatan. Anong hamon ang kinakaharap ng ASEAN dahil sa isyu ng kasaping bansa nitong Pilipinas at karatig bansang Tsina?
A. pangangalakal ng tao C. alitan sa teritoryo at karagatan
B. hamon sa cybersecurity D. magkaibang regulasyon sa palitan ng produkto
C. alitan sa teritoryo at karagatan
Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng paggamit at kalakalan ng ipinagbabawal na sangkap sa rehiyon, nagtatag ang ASEAN ng Narcotics Cooperation Center (ASEAN-NARCO) upang mapalakas ang pagtutulungan ng mga bansa laban sa suliraning ito. Ano ang tinutukoy na nais makontrol ng ASEAN sa pagbuo ng Narcotics Cooperation Center?
A. Marijuana B. Ilegal na droga C. Tabaco D. Ecstasy
B. Ilegal na droga
Bilang bahagi ng sama-samang pagkilos ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya upang makamit ang pangmatagalang kaunlaran at matugunan ang mga suliraning panrehiyon. Ano ang isa sa mga hakbang na ginawa ng ASEAN upang matugunan ang hamon ng United Nations Sustainable Development Goals?
A. Pinagbawal ang pag export ng mga produkto
B. Pinakulong ang lahat ng gumagawa ng katiwalian sa gobyerno
C. Hinayaan ang mga Pangulo ng kada bansa na sulosyonan ang kanilang problema
D. Binatay ng ASEAN ang bisyon sa SDGs upang mapagtagumpayan ang mga hamon
D. Binatay ng ASEAN ang bisyon sa SDGs upang mapagtagumpayan ang mga hamon
Upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa at koordinasyon ng mga gawain, may yunit na nangangasiwa sa araw-araw na operasyon ng ASEAN. Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa pang-araw-araw na gawain ng ASEAN?
A. ASEAN Secretariat C. ASEAN Economic Community
B. ASEAN VISION 2020 D. Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone Treaty
A. ASEAN Secretariat
Sa ilalim ng Community Vision 2015 ng ASEAN, binigyang-diin ang pagpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya ng mga kasaping bansa upang mapabilis ang kalakalan, pamumuhunan, at pag-unlad ng rehiyon.Anong layunin ang nakasaad sa ASEAN Economic Community (AEC) sa ilalim ng ASEAN Community Vision 2015?
A. Pagpapalakas ng mga relasyon sa labas ng rehiyon
B. Pagpapalawak ng mga karapatang pantao sa rehiyon
C. Pagtataguyod ng malayang kalakalan at paglago sa rehiyon
D. Pagkakaroon ng isang pinag-isang pamahalaan sa Timog Silangang Asya
C. Pagtataguyod ng malayang kalakalan at paglago sa rehiyon
Bilang kasapi ng ASEAN, nakikiisa ang Pilipinas sa mga hakbangin upang mapangalagaan ang dignidad at kapakanan ng mamamayan sa rehiyon. Ano ang pangunahing layunin ng Pilipinas bilang aktibong miyembro ng ASEAN sa larangan ng karapatang pantao?
A. Pagpapalakas ng depensa laban sa mga dayuhan
B. Pagpapatupad ng ASEAN Charter sa lahat ng bansa
C. Pagpapalaganap ng libreng edukasyon sa buong ASEAN
D. Pagbuo ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights (AICHR)
B. Pagpapatupad ng ASEAN Charter sa lahat ng bansa
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng samahan, naging sentro ang Pilipinas ng mga pagpupulong at gawain ng mga pinuno ng rehiyon. Saang mahalagang kasunduan ng ASEAN naging host ang Pilipinas noong 2017, kasabay ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN?
A. Bangkok Declaration C. ASEAN Summit
B. ASEAN Charter Signing D. Treaty of Amity and Cooperation
C. ASEAN Summit
May mga lupon at mekanismo ang ASEAN na nagtatakda ng direksyon ng ugnayang panlabas ng organisasyon.Alin sa sumusunod ang nagpapasiya ng mga pamantayan at tuntunin para sa pakikipag-ugnayan ng ASEAN sa ibang bansa sa daigdig?
A. ASEAN Integration C. ASEAN Community Councils
B. ASEAN Regional Forum D. ASEAN Coordinating Council
D. ASEAN Coordinating Council
Upang higit na mapagtibay ang ugnayan at kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa iba’t ibang larangan. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng ASEAN Community 2015?
A. Patakaran na naglilinang ng pakikiisa sa Europa.
B. Batas na isinusulong ang malayang daloy ng produkto at serbisyo.
C. Sinusuportahan ang kababaihan at kabataan sa gawaing pangkomunidad.
D. Isang dokumento na nagpatibay para sa susunod na hakbang sa pagbuo ng magandang komunidad.
D. Isang dokumento na nagpatibay para sa susunod na hakbang sa pagbuo ng magandang komunidad.
Batay sa mga pandaigdigang ulat, may isang uri ng krimen na laganap sa rehiyon ng Pasipiko at Silangang Asya at patuloy na tinututukan ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Ayon sa ulat ng International Monetary Fund (IMF) ay 85% ng suliraning ito ay nagaganap sa rehiyon ng Pasipiko at ng Silangang Asya. Anong hamon ito na kinakaharap din ng ASEAN?
A. pangangalakal ng tao C. alitan sa teritoryo at karagatan
B. hamon sa cybersecurity D. magkaibang regulasyon sa palitan ng produkto
A. pangangalakal ng tao
Upang maisakatuparan ang mas malalim na integrasyon at pagtutulungan ng mga kasaping bansa, binuo ng ASEAN ang isang community framework na nakabatay sa ilang mahahalagang haligi ng kaunlaran at kooperasyon.Anong mga pangunahing pilars ang bumubuo sa ASEAN Community Vision 2015?
A. Ekonomiya, Politika, at Kultura C. Politika, Panlipunan, at Kultura
B. Ekonomiya, Politika, at Panlipunan D. Ekonomiya, Panlipunan, at Kultura
A. Ekonomiya, Politika, at Kultura