Ano ang ibig sabihin ng pangkawanggawa?
Ang pangkawanggawa ay pagtulong sa kapwa nang bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Sa Iglesia, ito ay pagpapakita ng pag-ibig sa kapatid.
Kailangan ba ng pera para makagawa ng kawanggawa?
Hindi. Pwedeng tumulong gamit ang oras, lakas, talento, at panalangin
Kung ay nasa edad na 4-10 , paano ka makakatulong sa may sakit na kapatid?
Gumawa ng “Get Well Soon” card, magdasal para sa kanya, at huwag maingay kung nagpapahinga siya.
Maari rin magbigay ng gamot.
Paano mo aaliwin ang kapatid na namatayan?
Sasamahan ko siya, makikinig sa kanyang kwento, yayakapin, at ipagdarasal ang kanyang pamilya. At kung ako ay may kakayahan ay magbibigay ako ng tulong sa naulila
Sino-sino ang pwede mong tulungan gamit ang kawanggawa?
pamilya, Kabataan, mga mataatanda na kapatid kapatid sa espiritu, at kahit hindi ko kakilala na nangangailangan.
Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapatiran?
Mahalaga ito dahil utos ng Diyos na ibigin ang kapwa at kaptid gaya ng sarili. Nagiging mas matibay at masaya ang Iglesia kung nagtutulungan.
Anong talata sa Biblia ang nagtuturo tungkol sa pagtulong?
Galacia 6:2 - “Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng isa’t isa.”
Bakit mahalaga ang pagdalaw sa may sakit?
Para maramdaman niyang mahal siya ng kapatiran at hindi siya nag-iisa sa kanyang paghihirap.
Ano ang pwedeng gawin ng mga bata para makatulong sa burol?
Tumulong mag-abot ng tubig sa mga nakikiramay, mag-alaga sa mas maliliit na bata, at maging magalang.
Ano ang kaibahan ng kawanggawa sa pamimigay dahil napilitan lang?
Ang kawanggawa ay bukal sa loob at masaya ang puso. Ang napilitan lang ay mabigat sa loob at walang tunay na pagmamahal.
Ano ang tawag sa taong mahilig tumulong sa kapwa?
Tinatawag siyang mapagkawanggawa o matulungin.
Paano ka makakatulong kung may kapatid na may sakit?
Dadalawin ko siya, ipagdarasal, at mag-aalok ng tulong tulad ng pagbili ng gamot o pagkain.
Paano mo magagamit ang iyong talento sa pag-awit o pagtugtog bilang kawanggawa?
Kakanta o tutugtog ako para mapasaya ang may sakit, pasiglahin ang nasa burol, o maghandog ng awit sa mga aktibidad ng Iglesia.
Paano ka makakatulong pagkatapos ng aksidente?
Dadalaw sa ospital, tutulungan ang pamilya sa gawaing bahay, at magsasama-sama sa panalangin.
Punan ang patlang sa ibaba
Gawa 20:35, “Mapalad ang _____ kaysa _______.”
Nagbibigay at tumatanggap
Kung doktor ka, paano mo magagamit ang trabaho mo sa pagtulong sa kapatiran?
Magbibigay ng libreng check-up sa kapilya, magtuturo ng tamang paghuhugas ng kamay, at uunahin ang mahihirap na kapatid
Ano ang tawag sa pagtulong ng doktor/nurse nang walang bayad?
“kawang-gawang medikal.”
Bukod sa panggagamot, ano pa ang magagawa ng doktor sa Iglesia?
Mag-seminar tungkol sa kalusugan, tulad ng pag-iwas sa lagnat, dengue, o tamang pagkain.
Paano ka makakatulong sa kapatid na nasalanta ng bagyo o baha?
Magdodonate ng lumang damit na maayos pa, delata, bigas, o tubig. Pwede ring tumulong mag-impake ng relief goods sa kapilya.
Ano ang tawag sa sama-samang pagtulong ng buong lokal sa isang kapatid na nasunugan?
Tinatawag itong “Bayanihan sa Iglesia” o damayang pangkapatid. Lahat ay nagbibigay ng damit, pagkain, at tulong.
Paano mo maipapakita araw-araw ang pangkawanggawa sa Iglesia?
Sa simpleng paraan: ngumiti sa kapatid, tumulong magligpit ng upuan, magbahagi ng baon, at laging dumalo sa pagsamba para ipanalangin ang lahat.
Kung may kapatid na walang baon sa na dala sa kapilya dahil may activity, ano ang gagawin mo?
Hahatiin ko ang baon ko sa kanya. Mas masaya kumain kung may kasalo at walang nagugutom.
Paano ka makakatulong sa mga matatanda sa Iglesia kung Ikaw ay bata pa lang?
Aakayin ko sila papunta sa upuan, tutulungan magbitbit ng luhuran , at kakamustahin ko sila pagkatapos ng pagsamba.
Ano ang magagawa mo kung may kapatid na hindi makadalo sa pagsamba dahil walang pamasahe?
Sasabihin ko kay nanay o tatay, o sa maytungkulin, para matulungan siya. Pwede rin kaming sumabay sa kanya kung kaya.
Bibigyan ko ng sapatos na hindi ko na ginagamit