Ito ay isang makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Pagsusulat
Ito ang mag sisilbing behikulo upang mailahad ng isang tao ang kanyang iniisip
Wika
Pangunahing layunin nito ay maghatid ng aliw, makapangdamdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng tao.
Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Pagiwas ng paggamit ng mga salitang kolokual o balbal at paggamit ng mga salitang pormal na madaling maunawan ng mambabasa
Pormal
Sino ang nagsabi ng "ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon"
Mabilin (2012)
Kung ang layunin mo ay mag bahagi ng impormasyon ang gagamitin natin ng paraan ng pag sulat ay _____
Impormatibo
Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.
Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalolooban ng ginawang pag aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay
Obhetibo
Ano ang ginagawa tuwing gumagamit tayo ng isang source na gawa ng ibang manunulat?
Citations/Pagsipi
Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng itong isusulat.
Layunin
Ito ay mga uri ng sulatin na may kinalaman sa isang larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyan nito ang mga paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa propesyon o bokasyon ng isang tao.
Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
Ang mga talata ay kinakailangang maayos ang pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga kaispian.
Maliwanag at Organisado
Ano ang dalawang layunin ng pagsusulat?
• Personal o Ekspresibo
• Panlipunan o Sosyal
Ito ang kakayahang mag-analisa or magsuri ng mga datos na mahalaga o 'di-mahalaga.
Kasanayang pampag-iisip
Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan.
Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
Ang mga ginagamit ng mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyong ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala
May Pananagutan
Ano ang pamagat ng aming talakayin?
Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsusulat
Ito ang kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa maayos at organisado na paraan
Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.
Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin ay hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa
May Paninindigan