Heograpiya
Kabihasnan
Greece at Mesoamerica
Relihiyon
Hard Question (5x)
5

Alin sa mga sumusunod ang klima ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas?

a. Dessert                           b.  Temperate                  c. Tropikal                          d. Polar

c. Tropikal

5

Ano ang kasalukuyang pangalan ng Mesopotamia?

a. Syria                               b. Saudi Arabia                c. Israel                              d. Iraq

d. Iraq

5

Ano ang unang sibilisasyon na umusbong sa bansang Gresya partikular sa isla ng Crete?

a. Athens                           b. Minoan                         c. Mycenae                         d. Sparta

b. Minoan  

5

Sa relihiyong Hinduismo, Ano ang pangunahing paniniwala tungkol sa konsepto ng reincarnation?

a.  Ang espiritu ay nagiging diyos

b.  Ang kaluluwa ay muling isinisilang sa ibang katawan

c. Ang kaluluwa ay nawawala matapos ang kamatayan

d. Ang katawan ay nabubuhay muli pagkatapos ng tatlong araw

b.  Ang kaluluwa ay muling isinisilang sa ibang katawan

5

Ang regular na pag-apaw ng Tigris-Euphrates ay nag-iiwan ng banlik o silt na nagpapataba sa nakapalibot na lupain. Alin sa mga sumusunod na aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang tao rito ang direktang maaapektuhan?

a. Produksyon ng pananim                                   

b. Bilang ng hayop na maninirahan

c. Pagdami ng mga minahan                                 

d. Pagdagsa ng mga mangangalakal

a. Produksyon ng pananim    

10

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang paraan ng pagtukoy sa isang lugar kung ang gagamitin ay relatibong lokasyon?

a.  Mga linyang longhitud at latitude

b.  Mapa sa pagtukoy ng kinaroroonan ng lugar.

c.  Linyang ekwador kung ito ay nasa hilaga o timog hemisphere

d.  Anyong lupa o anyong tubig  na malapit  upang matukoy ang kinaroroonan ng lugar.

d.  Anyong lupa o anyong tubig  na malapit  upang matukoy ang kinaroroonan ng lugar.

10

Sino ang tinatawag na "Untouchables" o Dalits sa tradisyunal na sistema ng caste sa India?

a.  Mga pari at guro

b. Mga mangangalakal

c. Mga taong nasa labas ng apat na varna at itinuturing na marumi o hindi mahawakan

d. Mga mandirigma at pinuno

c. Mga taong nasa labas ng apat na varna at itinuturing na marumi o hindi mahawakan

10

Ang pagpapatupad ng pamahalaang demokratiko ay isa sa pinakamahalagang ambag ng Athens sa kasaysayan. Paano nila ito isinasagawa?

a. Tuwirang pakikibahagi ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan.

b. Hindi pinapayagan ang pakikisangkot ng mga mamamayan sa pamahalaan.

c. Di-tuwiran ang pakikibahagi ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan.

d.Tanging mga miyembro ng konseho at ng asembleya ang nakilahok sa pamahalaan.

a. Tuwirang pakikibahagi ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan.

10

Ano ang pangunahing layunin ng Confucianismo bilang isang sistemang panlipunan?

a. Pagsamba sa iisang Diyos

b. Paglapit sa mga espiritu at diyos

c. Pagkamit ng kalayaan mula sa reinkarnasyon

d. Pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng tamang relasyon

d. Pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng tamang relasyon

10

Alin sa sumusunod na solusyon ang makakapagbigay-proteksyon sa mga pananim at pagsasaka kung palagiang umaapaw ang ilog kung saan sumibol ang mga sinaunang kabihasnan?

a. Palaging pagkunsulta sa katutubo

b. Paglalagay ng dike at sistema ng iregasyon

c. Paglilimita ng mga kabahayan sa gilid ng ilog

d. Pag-aalay na hayop bilang ritwal para hindi bumaha

b. Paglalagay ng dike at sistema ng iregasyon

15

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya?

a. Ang heograpiya ang nagiging susi sa pag-unlad ng kasalukuyang panahon

b. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng heograpiya ang nalaman natin na ang mundo ay binubuo ng 7 kontinente

c.  Sa pag-aaral ng heograpiya makikita natin na malaki ang impluwensiya ng kapaligiran sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

d. Sa pag-aaral ng heograpiya malalaman natin ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid sa isang lugar o bansa.

a. Ang heograpiya ang nagiging susi sa pag-unlad ng kasalukuyang panahon

15

Bakit karamihan sa mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa lambak ilog tulad ng Nile, Tigris-Euphrates, Indus at Huan He?

a. Madaling maprotektahan ang kanilang teritoriyo

b. Mataas ang kabundukan na kapalibot sa lambak

c. Mayaman ang lupa para sa pagtatanim at sagana sa tubig

d. Napapaligiran ng disyerto na nagsisilbing natural na depensa

c. Mayaman ang lupa para sa pagtatanim at sagana sa tubig

15

Paano tinugunan ng mga mamamayan ng Aztec ang hamon sa kakulangan ng malawak na lupang sakahan?

a. paglikha ng mga artipisyal na pulo o “floating garden”

b. pagtatayo ng mga matataas na pader sa paligid ng lawa .

c. paglipat sa mga lugar na may matatabang lupa at sapat na irigasyon.

d. pagbubungkal sa mga lupa gamit ang mga makabagong kagamitan sa pagsasaka.

a. paglikha ng mga artipisyal na pulo o “floating garden”

15

Ito ang monoteismong relihiyon ang naitatag sa India ng isang Prinsipe na si Siddharta Gautama na pinili ang simpleng pamumuhay at nakamit ang kaliwagan o enlightenment?

a.Budismo     b. Hinduismo    c. Islam        d. Shinto

a.Budismo

15

Alin sa mga sumusunod ang pinakamaituturin na katangiang taglay ng mga naitalang kabihasnan sa buong kasaysayan ng daigdig?

a. May kapayapaang umiiral sa bawat kabihasnan

b. Mabilis ang pagdami ng populasyon ng tao sa kabihasnan

c. Madalas manalo sa digmaang sa mga nakaalitan na pangkat

d. Mayroon napaunlad na sistemang pang ekonomiya, pampolitika at panlipunan.

d. Mayroon napaunlad na sistemang pang ekonomiya, pampolitika at panlipunan.