Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar.
a. Klima
b. Temperatura
c. Panahon
a. Klima
Nakakaranas ng sobrang lamig sa buong taon.
a. Rehiyong Tropikal
b. Rehiyong Temperate
c. Rehiyong Polar
c. Rehiyong Polar
Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay batay sa Artikulo __ ng Saligang Batas ng 1987.
a. 1
b. 2
b. 3
a. 1
Humigit kumulang 1000 kilometro ang layo ng Pilipinas sa kalakhang ______.
a. Asya
b. Europa
c. Africa
a. Asya
Ang Pilipinas ay kabilang sa Rehiyong _________.
a. Rehiyong Polar
b. Rehiyong Temperate
c. Rehiyong Tropikal
c. Rehiyong Tropikal
Ang pilipinas ay binubuo ng ______ mga pulo.
a. 6,461
b. 7,641
c. 7,400
b. 7,641
TAMA o MALI
Nagkakaiba-iba ang klima sa iba't ibang lugar dahil sa pag-ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sariling aksis.
TAMA
Nararanasan ang panahon ng tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig.
a. Rehiyong Tropikal
b. Rehiyong Temperate
c. Rehiyong Polar
b. Rehiyong Temperate
Nararanasan sa bahaging ito ang panahon ng tagsibol, taglagas, tag-init, at taglamig.
a. Rehiyong Tropikal
b. Rehiyong Polar
c. Rehiyong Temperate
c. Rehiyong Temperate
Hindi tinatamaan ng direktang sikat ng araw ang mga nasa rehiyong ito.
a. Rehiyong Polar
b. Rehiyong Tropikal
c. Rehiyong Temperate
a. Rehiyong Polar
Nakakaranas ang mga naninirahan dito ng higit na init at sikat ng araw.
a. Rehiyong Tropikal
b. Rehiyong Temperate
c. Rehiyong Polar
a. Rehiyong Tropikal
Ang Pilipinas ay nasa lokasyong ____________ Asya.
a. Timog-Silangang Asya
b. Timog-Kanlurang Asya
c. Hilagang Asya
a. Timog-Silangang Asya
TAMA o MALI
Mainit at maalinsangan ang klima sa Pilipinas. Gayunpaman, nakakaranas ng malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa mga karagatang nakapaligid dito.
TAMA
Ang lawak ng bansa ay umaabot sa _________ kilometro kuwadrado.
a. 100,000
b. 200,000
c. 300,000
c. 300,000
Alin sa mga sumusunod na bansa ang matatagpuan sa hilagang bahagi ng pilipinas?
a. Taiwan
b. Vietnam
c. Indonesia
a. Taiwan
Tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar.
a. Pamahalaan
b. Soberanya
c. Teritoryo
c. Teritoryo
Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik upang matukoy ang klima?
a. Lokasyon
b. Topograpiya
c. Hangin at Tubigan
d. Populasyon ng lugar
d. Populasyon ng lugar
Alin sa mga sumusunod na bansa ang matatagpuan sa timog ng pilipinas?
a. Taiwan
b. Vietnam
c. Indonesia
c. Indonesia
Ito ay lokasyon ng isang lugar batay sa katabi nitong lugar.
a. Relatibong Lokasyon
b. Lokasyong Bisinal
c. Lokasyong Insular
a. Relatibong Lokasyon
Ang Rehiyong Tropikal ay tinatawag din na _______.
a. Mababang Latitud
b. Gitnang Latitud
c. Mataas na Latitud
a. Mababang Latitud
Ito ay lokasyon ng isang lugar batay sa katabi nitong bansa.
a. Relatibong Lokasyon
b. Lokasyong Bisinal
c. Lokasyong Insular
b. Lokasyong Bisinal
Ito ay lokasyon ng isang lugar batay sa katabi nitong anyong tubig.
a. Relatibong Lokasyon
b. Lokasyong Bisinal
c. Lokasyong Insular
c. Lokasyong Insular
Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran.
Hal. tag-init at taglamig
a. Klima
b. Temperatura
c. Panahon
c. Panahon
Ito ay ang mga pahalang na linya na ginagamit upang matukoy ang klima ng isang lugar.
a. Longhitud
b. Latitud
c. Ekwador
b. Latitud