Shounen/Seinen
Drama
Romance
Comedy
Ecchi
100

Isang magiting na bayani
Ngunit di kilala ng marami
Wala man siyang buhok sa ulo
Sobrang lakas naman ng kanyang kamao

One Punch Man

100

Ang aking sakit, akin nang tinatanggap
makita ka lang na tumugtog muli, ito ang aking pangarap
Dahil mahal kita, at gusto makapiling
Makilala ka lamang, kahit ako pa'y magsinungaling


Your lie in April

100

Matapang sa paaralan
Malambing sa kapihan
Itatago ko ang iyong sikreto
Landiin mo lang ako

Kaichou Wa Maid Sama

100

Mga estudyanteng walang pagasa
Isang guro na mukhang pugita
Sila ay nagsama sama sa isang paaralan
Upang ang pangako ay makamtan 

Assassination Classroom

100

Noong inatake kami ng zombie sa paaralan
Kinailangan namin makipaglaban
Kailangan patayin kahit yung mga kaibigan dati
Buti nalang may new friends ako na may espada, mga baril, at may malalaking dede

Highschool of the Dead

200

Ako'y simpleng bata lamang dati
Kaso ang aking bayan ay sinalakay ng mga higante
Ngayong malaki na ako, akoy lalaban
Upang makabalik sa sinirang pader sa aming bayan

Attack on Titan

200

Noon, ako'y masama, sinasaktan kita palagi
Pagpasensyahan mo na, ang ginawa ko ay mali
"Mahal kita!" sigaw ng puso kong di mapakali
Sana umabot sayo, kahit ika'y bingi

Koe no Katachi

200

Hindi tayo mag syota
Pero kailangan magkunwari
Ayoko sayo mula nung tinuhod mo ako sa mukha
Pero balita ko nasa iyo ang susi

Nisekoi

200

Sa paaralang ito, ako ang pinakamatalino
Aking pinaghirapan lahat ng nakamit ko
Pero sa pag-ibig, di kita matalo
Di bale, sa giyerang ito di ako susuko

Kaguya-sama: Love is War




200

Makakita ng panty, pangarap kong gusto makamit
Eh bakit binigyan niyo ako ng angel na nahulog sa langit?
Dikit pa siya ng dikit sa akin ako'y nabubuset
Pero nung tinawag niya akong master, nawala ang aking galit

Sora no Otoshimono/Heaven's Lost Property




300

Ako'y isinilang sa mahirap na pamilya
Sa kabila ng mga pagsubok, kami ay masaya
Ngunit nagbago ang lahat dahil sa mga demonyong nakakatakot
Buhay aking pamilya ay biglang naudlot

Demon Slayer

300

Ang aking buhay ay walang kwenta
Walang trabaho, walang syota, walang pera
Iinom ako ng gamot upang bumata
Itatama ko ang aking mga pagkakamali para ang buhay ay maitama

ReLife

300

Gumawa ng laro, ito ang aking proyekto
Meron nang guguhit ng mga disensyo
meron na ding magsusulat ng kwento
Kulang nalang ay ang bidang babae tulad mo

Saenai Heroine no Sodatekata

300

Di ka maboboringan sa aking mundo
Eh pano puro baliw mga kasama ko
Merong time traveler, diyos at alien
Kung sila mga kaklase mo, mababaliw ka din

Suzumiya Haruhi no Yuuutsu/The Melancholy of Haruhi Suzumiya




300

Isang paaralan kung saan maraming magagandang guro
Ngunit ako'y nalilibugan kapag sila'y nagtuturo
Isang nakakatakot na titser ang aking lalandiin
Tsundere naman siya kaya alam kong kaya niya ako mahalin

Nande Koko ni Sensei ga!?

400

Sa isang disgrasya nagbago ang buhay
Ngayon itim na ang tingin ko sa mundong makulay
Di ko kaya na tao ang aking kakainin
Pampalipas gutom ko nalang ay kapeng maitim

Tokyo Ghoul

400
Ang dating tropa ay nasira

Noon sumakabilang buhay ka
Hanggang ngayon, kami ay nagdadalamhati
Nang bigla kang nagpakita muli

Ano Hi Mita Hana no Namae wo Bokutachi wa Mada Shiranai (AnoHana)

400

Akala ko ako na ang pinakamagaling
Sa Street Fighter 2 sa akin walang maihahambing
Yun ay noong bago mo ako matalo
Di mo lang alam ay nabihag mo na ang puso ko

High Score Girl

400

Kahit anong laro, kami ang mananalo
Kahit ilipat mo pa kami sa ibang mundo
Dudurugin namin kahit kayo'y magsabay sabay
Walang tatalo samin, basta di kami maghihiwalay

No Game No Life

400

Sa bayang bawal ang kabastusan
May mga rebelde punong puno ng kalibugan
Teka, ang cookie na yan ay wag mong tikman
Nakita kong pinatakan niya ng love juice niya yan

Shimoneta to Iu Gainen ga Sonzai Shinai Taikutsu na Sekai


500

Ang aking telepono ay mahiwaga
Ang aking kinabukasan ito'y nakikita
Meron akong mga kalabang gusto akong patayin
Meron din naman akong baliw na babae na gusto akong mahalin

Mirai Nikki

500

Alam kong hindi ka tao, pero bahala na
Ang aking buhay ay tunay mong pinasaya
Katrabaho ka lang nung una pero minahal kita
Susulitin ko na ang natitirang oras, bago mawala ang iyong alaala

Plastic Memories

500

Di na ako otaku ito ang aking pangako
Pagdating ng High School magiging normal na ako
Kaso bakit mga kaklase ko puro weirdo
Itong isa may eyepatch pa parang gago

Chuunibyou demo Koi ga Shitai!/Love, Chunibyo & Other Delusions!




500

Muntikan na ako matalo, buti ako'y nakatakas
Sa gumuguhong impyerno ako'y nakalabas
Ngayon ay hinahanap na ako ng aking hukbo
Pasensya ayoko na bumalik, dito nalang ako sa McDo

Hataraku Maou-sama!/The Devil is a Part-Timer!

500

Kaming magkapatid ay namatayan ng magulang, tunay na masakit
Buti nalang nagkaroon kami ng mga kaibigang mababait
Di lang sila mabait, sila din ay magaganda, walang pangit
Eh ano ngayon, mas trip ko parin kakambal ko kaya pinasukan ko siya ng malupit

Yosuga no Sora