Sila ang mga namamahala ng mga hacienda na may kapangyarihang magtaas ng upa sa lupa.
a. gobernador-heneral
b. haciendero
c. inquilino
d. prayle
c. inquilino
Ano ang kahulugan ng “La Ilustracion”?
a. pag-iingay
b. paglaban
c. pagkamulat
d. pagguhit
c. pagkamulat
Sino ang namuno ng pinakamatagal at pinakamatagumpay na pag-aalsa laban sa mga Espanyol?
a. Francisco Dagohoy
b. Juan Sumuroy
c. Hermano Pule
d. Diego Silang
a. Francisco Dagohoy
TAMA o MALI
Nagtagumpay ang pag-aalsang pinamunuan ni Francisco Maniago dahil nagkaroon ng negosasyon sa gobernador-heneral.
TAMA
Anong kahanga-hangang katangian ng mga Pilipino ang naipakita nila sa mga naunang pag-aalsa?
a. Katalinuhan
b. Katapangan
c. Pagkamadasalin
d. Pagkamatiyaga
b. Katapangan
Alin ang naging mabuting epekto ng Monopolyo ng Tabako sa Pilipinas?
a. Pinagmulta ang mga magsasakang nasiraan ng pananim
b. Nagkaroon ng puslitan at suhulan
c. Napunta sa bulsa ng mga opisyal ang kita mula rito
d. Naging kilala ang Pilipinas sa pag-ani ng mataas na uri ng tabako sa buong mundo
d. Naging kilala ang Pilipinas sa pag-ani ng mataas na uri ng tabako sa buong mundo
Bakit sinalakay ng mga Olandes ang Look ng Maynila?
a. Nais nitong madagdagan ang kanilang kolonya
b. Nais nitong magbukas ng bagong daungan sa Silangan para sa kalakalan
c. Nais nitong makipagkalakalan sa Pilipinas
d. Nais nitong hamunin ang lakas militar ng mga Espanyol
b. Nais nitong magbukas ng bagong daungan sa Silangan para sa kalakalan
Buuin ang analohiya
Tamblot : Bohol
Bancao : ________
a. Samar
b. Leyte
c. Pampanga
d. Tondo, Maynila
b. Leyte
Anong katawagan nakilala si Gabriela Silang sa pagpapakita niya ng katapangan ng isang kababaihan laban sa mga Espanyol?
a. "Joan of Arc" ng Pilipinas
b. "Mulan" ng Pilipinas
c. "Pilipinang Amazona"
d. "Dakilang Biyuda"
a. "Joan of Arc" ng Pilipinas
Ano ang pangunahing dahilan bakit hindi nagtagumpay ang mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
a. Kawalan ng pagkakaisa
b. Wala silang pinuno
c. Kulang sa armas at kaalamang militar
d. Duwag at takot ang mga Pilipino
a. Kawalan ng pagkakaisa
Ang lahat ay dahilan ng Kilusang Agraryo maliban sa isa, alin ito?
a. pagbabawal ng pagpapastol hayop sa hacienda
b. pagbabawal ng pagkuha ng prutas at kahoy sa hacienda
c. pagbabawal ng pagtatanim sa hacienda
d. pagbabayad ng buwis bago pahintulutang manghuli ng isda sa mga anyong tubig
c. pagbabawal ng pagtatanim sa hacienda
Ano ang pangkat ng mga mayaman sa lipunan at nakapag-aral na nanghingi ng pagbabago sa mga Espanyol?
a. principalia
b. indio
c. panggitnang uri
d. peninsulares
c. panggitnang uri
Bakit parehong bigo ang naging resulta ng pag-aalsa nina Tamblot at Bancao?
a. Nahuli sila ng mga Espanyol at nahatulan ng kamatayan
b. Natalo sila ng puwersa ng alcalde mayor ng Cebu na si Don Juan de Alcarazo
c. Hindi nagkaisa ang layunin ng mga Pilipino kaya natalo sila ng mga Espanyol
d. Kumampi ang ibang Pilipino sa mga Espanyol kaya natalo sina Tamblot at Bancao
b. Natalo sila ng puwersa ng alcalde mayor ng Cebu na si Don Juan de Alcarazo
Para sa aling pangkat ipinaglaban ni Francisco Maniago ang mga pang aabuso ng mga Espanyol sa patakarang bandala at polo y servicios?
a. Ilonggo
b. Ilokano
c. Tagalog
d. Kapampangan
d. Kapampangan
Paano ipinakita ni Hermano Pule ang pagsasabuhay ng pananampalataya o paniniwala sa ilalim ng Cofradia de San Jose?
a. Nagtatag siya ng bagong relihiyon
b. Nagmisa siya para sa mga Pilipino bilang isang pari
c. Humingi ng mga abuloy para sa kasamang Espanyol
d. Tumulong sila sa mga nangangailangang kasapi ng kanilang samahan
d. Tumulong sila sa mga nangangailangang kasapi ng kanilang samahan
Alin ang HINDI pangyayari sa mundo na naging dahilan ng pag-usbong ng diwang makabansa ng mga Pilipino?
a. Pagbubukas ng Suez Canal
b. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan
c. Merkantilismo
d. Pagkakaroon ng “middle class” sa lipunang Pilipino
d. Pagkakaroon ng “middle class” sa lipunang Pilipino
Alin ang naglalarawan sa ideya ng Merkantilismo?
a. Maraming reserbang likas na yaman ang makikita sa mga kolonya.
b. Nasusukat ang yaman ng isang kaharian sa reserbang ginto at pilak nito.
c. Bumibili ng produktong lokal ang mga dayuhan
d. Ang pang-angkat ng mga produkto ay kontrolado ng lupaing sinakop ng isang dayuhan.
b. Nasusukat ang yaman ng isang kaharian sa reserbang ginto at pilak nito.
Alin ang inilalarawan?
*Ayaw payagan ng mga Espanyol si Apolinario de la Cruz na maging pari
*Tumanggi ang mga katutubo na magbayad ng buwis at maglingkod sa polo y servicios
*Ipinagbawal ang pagsali ng mga katutubo sa bagong samahang panrelihiyon na binuo ng isang indio
a. Pag-aalsa ng Kapatiran ni San Jose
b. Ang Pagpapari ni Apolinario de la Cruz
c. Ang Pag-aalsang Agraryo noong 1745
d. Mga dahilan ng pag-aalsang panrelihiyon ng mga Bisaya
a. Pag-aalsa ng Kapatiran ni San Jose
Anong uri ng pag-aalsa maituturing ang rebelyong pinamunuan ni Juan Sumuroy sa Samar?
a. Pag-aalsa laban sa relihiyon
b. Pag-aalsa laban sa pang-aabuso
c. Pag-aalsa laban sa pansariling dahilan
d. Pag-aalsa laban sa sapilitang paggawa
d. Pag-aalsa laban sa sapilitang paggawa
Sinong pinuno mula sa Borneo ang nanguna sa mga taga-Malolos, Bulacan upang mag-alsa ngunit nauwi ito sa kanyang pagkakapatay?
a. Ladia
b. Lakan Dula
c. Maniago
d. Sulayman
a. Ladia
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga piniling lugar ng mga Espanyol upang pagtaniman ng tabako?
a. Cebu
b. Ilokos
c. Cavite
d. Nueva Ecija
a. Cebu
Bakit sumalakay ang mga Ingles sa Pilipinas?
a. Para maging malaya laban sa mga kolonyador
b. Upang makuha ang mga ginto dito
c. Upang makipagkalakalan sa mga taga-Silangan
d. Upang maghiganti sa mga Espanyol sa tumulong sa France laban sa England
d. Upang maghiganti sa mga Espanyol sa tumulong sa France laban sa England
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban ng mga Espanyol?
a. Walang makabagong armas ang mga Pilipino.
b. Walang malinaw na ugnayan ang bawat pangkat.
c. Paggamit ng kapwa Pilipino para pag-awayin sila.
d. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol
d. Kaunti ang bilang ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol
Tukuyin kung Tama o Mali ang Pangungusap I at II
I Sina Sumuroy at Maniago ay lumaban sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa sapilitang paggawa ng mga Pilipino.
II Namuno si Sumuroy sa mga taga-Visayas habang si Maniago ay namuno sa mga taga-Luzon.
a. Tama ang Pangungusap I at Mali ang Pangungusap II
b. Mali ang Pangungusap I at Tama ang Pangungusap II
c. Parehong Tama ang mga Pangungusap
d. Parehong Mali ang mga Pangungusap
c. Parehong Tama ang mga Pangungusap
Tukuyin kung Tama o Mali ang Pangungusap I at II.
I Si Apolinario Dela Cruz ay nagtatag ng bagong relihiyon, ang “Cofradia de San Jose”
II Nagmula si Hermano Pule sa Tayabas (ngayon ay Quezon) at ipinaglaban niya ang karapatan sa relihiyon ng mga Pilipino.
a. Tama ang Pangungusap I at Mali ang Pangungusap II
b. Mali ang Pangungusap I at Tama ang Pangungusap II
c. Parehong Tama ang mga Pangungusap
d. Parehong Mali ang mga Pangungusap
b. Mali ang Pangungusap I at Tama ang Pangungusap II