Pamahalaang Kolonyal 1
Pamahalaang
Kolonyal 2
Pagbabagong Panlipunan 1
Pagbabagong Panlipunan 2
Patakarang Pangkabuhayan
100

Ano ang katangian ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas?

Sentralisado

100

Sino ang namumuno sa isang corregimiento noong panahon ng mga Espanyol?


Corregidor

100

TAMA o MALI

Ipinaayos ng mga Espanyol ang mga pamayanan upang mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

TAMA

100

Walang bayad at sapilitan ang pag-aaral sa mga paaralang ito.

A. Paaralang Pambabae at Panlalaki

B. Paaralang Pambayan

C. Paaralang Parokyal

D. Mga Unibersidad

B. Paaralang Pambayan

100

Palitan ng produkto at kilala din sa tawag na kalakalang Maynila-Acapulco

A. Kalakalang Galyon

B. Monopolyo ng Tabako

C. Bandala

D. Sistemang Kasama

A. Kalakalang Galyon

200

Ano ang tawag sa mga malalaking lungsod tulad ng Maynila at Cebu noong panahon ng mga Espanyol?

Ayuntamiento

200

Ano ang tawag sa mga lalawigang hindi na lumaban sa mga Espanyol at tuluyan silang nasakop?

Alcaldia

200

Aling unibersidad ang HINDI naitatag noong panahon ng mga Espanyol?

A. Colegio de San Juan de Letran

B. Unibersidad ng Sto. Tomas

C. Unibersidad ng Pilipinas

D. Unibersidad ng Ateneo de Manila

C. Unibersidad ng Pilipinas

200

Sila ang mga Espanyol na isinilang sa Espanya at lumaki sa Pilipinas.

Peninsulares

200

Ang paghahatian ng kita sa ani ng may-ari ng lupa at ng magsasaka na umuupa lamang ng lupa

A. Kalakalang Galyon

B. Monopolyo ng Tabako

C. Bandala

D. Sistemang Kasama

D. Sistemang Kasama

300

Ano ang nagsilbing Kataas-taasang Hukuman noong panahon ng mga Espanyol na may kapangyarihang maglitis ng mga katiwalian sa pamahalaan?

A. Ehekutibo

B. Lehislatura

C. Hudikatura

D. Royal Audiencia

D. Royal Audiencia

300

Baryo o nayon :  Cabeza de Barangay

Alcaldia :  ______________________

A. Alkalde Mayor

B. Corregidor

C. Datu

D. Gobernadorcillo


A. Alkalde Mayor

300

Kung si Juancho ay kasali sa pinakamayamang pangkat ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol, sa aling pangkat siya kasama?

 

A. Indio

B. Insulares

C. Principalia

D. Peninsulares

C. Principalia

300

Ito ang dula na nagpapakita ng pagkapanalo ng mga pwersang Kristiyano laban sa mga Muslim.

Moro-Moro

300

Bakit pinatigil ni Gob-Hen Primo de Rivera ang Monopolyo ng tabako?

A. Natapos ang panahon na ipinatupad ito ayon sa kasunduan 

B. Nag-iba ang mga ipinadalang pinunong Espanyol 

C. Naubos ng mga suplay ng tabako.

D. Lumaganap ang korapsyon ng mga namamahala ng monopolyo at pagpupuslit ng tabako

D. Lumaganap ang korapsyon ng mga namamahala ng monopolyo at pagpupuslit ng tabako

400

TAMA o MALI

Ang Pilipinas ay walang sariling pamahalaan na umiral bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Mali

400

TAMA o MALI

Hindi naging sentro ng kabihasnan at pangkalakalan ang mga pamahalaang panlungsod noong panahon ng Espanyol.

Mali

400

Paano nagkaroon ng paaralang pampubliko sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol?

A. Nagtayo ng mga seminaryo sa mga lungsod. 

B. Nagkaroon ng batas upang mas maraming paaralan ang maitatag 

C. May mga panlalaki at pambabaeng paaralan sa bawat bayan

D. May mga panlalaki at pambabaeng paaralan sa bawat bayan mga paaralang parokyal sa tabi ng mga simbahan 

B. Nagkaroon ng batas upang mas maraming paaralan ang maitatag

400

Bakit hindi agad itinuro ang wikang Espanyol sa mga Pilipino?

A. Maaaring magkaisa ang mga Pilipino at lumaban sa mga Espanyol

B. Maaaring maging higit na magaling pa ang mga Pilipino sa wikang Espanyol

C. Makukulangan ng oras sa pagtuturo kung  ituturo pa ang wikang Espanyol

D. Ayaw ibahagi ng mga Espanyol ang kanilang wika sa mga Pilipino 

A. Maaaring magkaisa ang mga Pilipino at lumaban sa mga Espanyol

400

Bakit sinikap ng mga Espanyol na pagbutihin ang ekonomiya ng Pilipinas?

A. Upang hindi na umasa ng tulong ang Pilipinas sa Spain at Mexico

B. Upang mas maging mayaman ang mga Espanyol 

C. Upang umasa ng tulong-pinansiyal ang Spain sa Pilipinas

D. Upang mas maging mayaman ang mga Pilipino 


A. Upang hindi na umasa ng tulong ang Pilipinas sa Spain at Mexico

500

Ano malaking pagkakaiba ng pamahalaan ng sinaunang Pilipino sa pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol?

A. Pinamunuan ng datu ang mga baryo samantalang ang gobernador-heneral ang namuno sa kolonya.

B. Mas organisado at pormal ang sistemang barangay ng mga Pilipino kung ihahambing sa kalat-kalat na sistema ng pamahalaang kolonyal.

C. Ang pamahalaang barangay ay sentralisado samantalang ang pamahalaang kolonyal ay nakakalat sa mga pulo.

D. Nakakalat sa magkakahiwalay na barangay ang pamamahala ng mga Pilipino samantalang nagmumula sa pamahalaang pambansa ang pamamahala ng mga Espanyol.

A. Pinamunuan ng datu ang mga baryo samantalang ang gobernador-heneral ang namuno sa kolonya.

500

Bakit may kapayapaan sa isang alcaldia?

A. Nasakop na ito ng mga Espanyol. 

B. Walang mga nakatira dito.

C. Nakikipaglaban pa rin ito sa mga Espanyol

D. Istrikto ang pinuno nito.

A. Nasakop na ito ng mga Espanyol. 

500

Ibigay ang antas ng lipunan noong panahon ng Espanyol mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.

Peninsulares

Insulares

Mestiso

Principalia

Indio

500

Paano nakaapekto ang sistema ng edukasyon sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol? 

A. Lahat ng antas ng tao sa Pilipinas ay nakapag-aral sa paaralan noon 

B. Naging nasa tahanan na lang ang mga kalalakihan 

C. Maraming natutunan ang mga Pilipino at lumawak ang pananaw sa buhay 

D. Ang mga kababaihan ay lubos na nabigyan ng karapatan. 

C. Maraming natutunan ang mga Pilipino at lumawak ang pananaw sa buhay 

500

Paano nakaapekto ang Kalakalang Galyon sa kabuhayan ng mga katutubong Pilipino?

A. Nagsidatingan ang maraming produkto sa Maynila galing sa Mexico at iba pang bansa

B. Nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino

C. Naubos ang mga pananim at nasira ang mga likas yaman ng bansa

D.Naging mas mayaman ang mga magsasaka

A. Nagsidatingan ang maraming produkto sa Maynila galing sa Mexico at iba pang bansa