General Questions A
General Questions B
Salik ng Pangangailangan
Sistemang Pang-Ekonomiya
Pagnenegosyo
100

Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?

a. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman

b. Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao

c. Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan

d. Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan

b. Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao

100

Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamamahagi ng mga limitadong likas na yaman sa matalino at maayos na paraan.

a. Rekoleksyon

b. Alokasyon

c. Pangangailangan

d. Kagustuhan

b. Alokasyon

100

Anong salik ng pangangailangan ang ipinakikita sa sitwasyon?

Bagamat may mas murang brand ng tsokolate, mas pinipili pa rin ni Alyssa ang imported na tsokolate dahil sa lasa at kalidad na kaniyang nakasanayan.

a. Edad

b. Antas ng Edukasyon

c. Katayuan sa Lipunan

d. Panlasa

e. Kita

f. Kapaligiran at Klima

d. Panlasa

100

a. Produkto     b. Serbisyo   c. Sistemang Tradisyunal

d. Merkantilismo   e. Fief      f. Manor

g. Komunismo      h. Konsyumer   i. Prodyuser

j. Laissez faire      k. Dikatador


Uri ng sistemang pang-ekonomiya na tumutukoy sa pagkakaroon ng ginto’t pilak bilang batayan ng yaman ng isang tao. 

d. Merkantilismo

100

Tatlong kaibigan ang nagsama-sama para magtayo ng isang printing shop.

a. Isahang Pagmamay-ari    b. Sosyohan

c. Korporasyon                   d. Kooperatiba

b. Sosyohan

200

Ang produksyon ay isang gawaing pang-ekonomiya. Ano ang nagaganap rito?

a. Pagbili ng mga produkto at serbisyo

b. Paglikha ng mga produkto at serbisyo

c. paglinang ng mga likas na yaman

d. pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman

b. Paglikha ng mga produkto at serbisyo

200

Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang-araw araw na pamumuhay?

a. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.

b. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.

c. Sila ang nagbebenta ng tapos na produkto.

d. Sila ang nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makabuo ng tapos na produkto

d. Sila ang nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makabuo ng tapos na produkto

200

Anong salik ng pangangailangan ang ipinakikita sa sitwasyon?

Bilang isang chef na nagtapos sa kilalang paaralan, si Ana ay mas pinipiling kumain ng mga pagkaing may mataas na nutritional value kaysa sa fast food.

a. Edad

b. Antas ng Edukasyon

c. Katayuan sa Lipunan

d. Panlasa

e. Kita

f. Kapaligiran at Klima

b. Antas ng Edukasyon

200

a. Produkto     b. Serbisyo   c. Sistemang Tradisyunal

d. Merkantilismo   e. Fief      f. Manor

g. Komunismo      h. Konsyumer   i. Prodyuser

j. Laissez faire      k. Dikatador


Ito ay tumutukoy sa lupaing sinasaka ng mga basalyo.

f. Manor

200

Isang samahan ng mga jeepney drivers na nagtatag ng sariling pondo para tulungan ang bawat isa.

a. Isahang Pagmamay-ari    b. Sosyohan

c. Korporasyon                   d. Kooperatiba

 d. Kooperatiba

300

Ang pagtugon ng tao sa mga bagay tulad nga pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pa ay maagap na ginagawa ng tao. Ano ang tawag sa mga ito?

a. Luho

b. Kagustuhan

c. Kalakal

d. Pangangailangan

d. Pangangailangan

300

Ano ang kahulugan ng suplay?

a. Dami ng produktong gustong bilhin ng mamimili sa isang takdang presyo

b. Dami ng produktong handang ipagbili ng prodyuser sa isang takdang presyo

c. Dami ng produktong tinatangkilik ng konsyumer

d. Kabuuang produksyon ng isang bansa

b. Dami ng produktong handang ipagbili ng prodyuser sa isang takdang presyo

300

Anong salik ng pangangailangan ang ipinakikita sa sitwasyon?

Tuwing Disyembre, dumarami ang bumibili ng makakapal na jacket, kumot, at pampainit sa katawan.


a. Edad

b. Antas ng Edukasyon

c. Katayuan sa Lipunan

d. Panlasa

e. Kita

f. Kapaligiran at Klima

f. Kapaligiran at Klima

300

a. Produkto     b. Serbisyo   c. Sistemang Tradisyunal

d. Merkantilismo   e. Fief      f. Manor

g. Komunismo      h. Konsyumer   i. Prodyuser

j. Laissez faire      k. Dikatador


Layon nitong bigyan ng kalayaan ng pamahalaan ang mga indibidwal na magtatag ng sari-sarili nilang mga Negosyo

j. Laissez faire 

300

Dalawang negosyante ang nagtayo ng negosyo at pinirmahan nila ang kasunduan para sa patas na hatian ng tubo.

a. Isahang Pagmamay-ari    b. Sosyohan

c. Korporasyon                   d. Kooperatiba

b. Sosyohan

400

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng kapaligiran at klima bilang isang salik ng pangangailangan?

a. Si Mel ay bumili ng mga gamit pampaaralan dahil malapit na ang pagbubukas ng klase.

b. Tuwing buwan ng Abril, nagbabakasyon ang pamilya Reyes sa isang beach resort.

c. Dahil nataas ang posisyon ni Danilo, namili siya ng mga pormal na damit upang magamit sa kaniyang opisina.

d. Sa tuwing sasapit ang tag-init ay nahihirapan ang anak ni Mang Ben dahil sa sakit na hika. Kaya, naisipan ng kaniyang pamilya na bumili ng aircon.

d. Sa tuwing sasapit ang tag-init ay nahihirapan ang anak ni Mang Ben dahil sa sakit na hika. Kaya, naisipan ng kaniyang pamilya na bumili ng aircon.

400

Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng relasyon ng presyo at suplay?

a. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang suplay

b. Kapag tumaas ang presyo, tumataas ang suplay

c. Kapag bumaba ang presyo, tumataas ang suplay

d. Walang epekto ang presyo sa suplay

b. Kapag tumaas ang presyo, tumataas ang suplay

400

Anong salik ng pangangailangan ang ipinakikita sa sitwasyon?

Mas pinipili ni Lolo Andres na bumili ng gatas na pampalakas ng buto at bitamina kaysa sa softdrinks at junk food.


a. Edad

b. Antas ng Edukasyon

c. Katayuan sa Lipunan

d. Panlasa

e. Kita

f. Kapaligiran at Klima

a. Edad

400

a. Produkto     b. Serbisyo   c. Sistemang Tradisyunal

d. Merkantilismo   e. Fief      f. Manor

g. Komunismo      h. Konsyumer   i. Prodyuser

j. Laissez faire      k. Dikatador


Ito ay tumutukoy sa mga taong nagbibigay at nagkakaloob ng produkto, kalakal, o serbisyo.

i. Prodyuser

400

Ang SM Investments ay pag-aari ng maraming namumuhunan at pinamumunuan ng Board of Directors.

a. Isahang Pagmamay-ari    b. Sosyohan

c. Korporasyon                   d. Kooperatiba

c. Korporasyon      

500

Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?

a. Ang gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.

b. Ang gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.

c. Ang gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

d. Ang gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.    

c. Ang gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

500

Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:

a. Konsyumer

b. Pamahalaan

c. Pamilihan

d. Prodyuser

b. Pamahalaan

500

Anong salik ng pangangailangan ang ipinakikita sa sitwasyon?

Si Bianca ay madalas bumili ng mga luxury bags at mamahaling alahas upang tumugma sa pamumuhay ng kanilang pamilya bilang kilalang politiko sa lungsod.


a. Edad

b. Antas ng Edukasyon

c. Katayuan sa Lipunan

d. Panlasa

e. Kita

f. Kapaligiran at Klima

c. Katayuan sa Lipunan

500

a. Produkto     b. Serbisyo   c. Sistemang Tradisyunal

d. Merkantilismo   e. Fief      f. Manor

g. Komunismo      h. Konsyumer   i. Prodyuser

j. Laissez faire      k. Dikatador


Tumutukoy sa mga bagay na binibili na hindi nakikita o nahahawakan ngunit napakikinabangan.

 b. Serbisyo

500

Pinakapayak o pinakasimpleng organisasyon ng pagnenegosyo. Ang lakas ng puhunan at kita ay nakalaan sa may-ari ng negosyo lamang.

a. Isahang Pagmamay-ari    b. Sosyohan

c. Korporasyon                   d. Kooperatiba

a. Isahang Pagmamay-ari