Sino ang nagtatag ng La Liga Filipina?
Jose Rizal
Kailan namatay si Apolinario Mabini?
Ika-13 ng Mayo, 1903
Ano ang labanan sa dagat kung saan tinalo ng Amerika ang Espanya?
Labanan sa Look ng Maynila (Battle of Manila Bay)
Saan nag-aral ng Philosophy at Law si Apolinario Mabini?
University of Santo Tomas (UST)
Bakit mayroong piso na natagpuan nang mamatay si Apolinario Mabini?
Ito ang piso na bigay ng kaniyang ina na ipinangako niyang hindi gagastusin.
Ano ang tawag ng kongreso kay Mabini matapos niyang sadyang pigilan ang implementasyon ng konstitusyon na dapat sana ay maglalapat ng kapangyarihang pampamahalaan sa kongreso?
Camara Negra del Presidente o “Kadiliman sa Tanggapan ng Pangulo”
Kailan idineklara ni Emilio Aguinaldo ang Malolos, Bulacan bilang bagong kabisera?
Ika-22 ng Agosto,1898
Ano agad ang nangyari ilang linggo lamang pagkatas na maitatag ang unang republika ng Pilipinas o Republika Filipina?
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (Filipino-American War)
Saan isinulat ni Mabini ang Ordenanzas de la Revolución na nagtakda ng sistema ng pakikidigma at pamamahala sa mga malalayang bayan?
Bai, Laguna
Ano ang nag-udyok kay Aguinaldo na imbitahan si Mabini sa Kawit, Cavite?
Nang matanggap niya ang kopya ng ginawang konstitusyon ni Mabini, lubos niyang ikinamangha ang nilalaman nito kaya’t sumulat siya agad kay Mabini at inimbitahan ito sa Kawit, Cavite.
Siya ang duminig sa Petition ni Mabini na mapalaya siya. Kanya itong ipinagkaloob kay Mabini sa paniniwala na hindi na banta si Mabini sa Espanya dahil siya ay lumpo na.
Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera
Kailan ipinatapon sa Guam si Mabini?
Ika-16 ng Enero, 1901
Ano ang naging dahilan ng mas lalong pagkahina ng katawan ni Mabini na siyang kinamatay niya kalaunan?
Epidemya (Nainom niya ang ‘di pinakuluang gatas ng kalabaw na kontaminado ng cholera)
Saan bumalik si Mabini pagbalik niya mula sa Guam. Kung saan doon rin nagtungo ang tao noong siya ay namatay upang magbigay pugay?
Nagtahan, Manila
Bakit nagkaroon ng alitan sa paggawa ng constitution sa pagitan ng Kongreso ng Malolos at kay Mabini?
1. Tutol si Mabini sa pagsulat ng konstitusyon ng Kongreso ng Malolos noon, na nangangatwiran na ang isang rebolusyonaryong gobyerno ay nangangailangan ng mabilis na desisyon ng pangulo, hindi isang lehislatura.
2. Pabor ang konstitution sa kongresista dahil magiging makapangyarihan sila at aagawin kay Aguinaldo ang pamamahala sa buong Pilipinas.
Sino ang rebolusyonaryong ahente na nakahanap ng paraan upang palihim na maimprenta sa Maynila ang mga akda ni Mabini noong Abril 1898?
Antonio Guevarra
Kailan inaresto ng Guardia Civil Veterana si Mabini dahil sa paratang na rebelyon?
Ika-10 ng Oktubre, 1896
Anong pangyayari ang nagtulak kay Mabini na magbitiw bilang tagapayo ni Pangulong Aguinaldo noong Disyembre 1898?
Ang pagtutol ni Mabini sa pagpapasulat at pagpapatibay ng Konstitusyon ng Malolos na pinangunahan ng Kongreso, dahil naniniwala siyang hindi pa napapanahon ang pagkakaroon ng lehislatura habang nasa gitna pa ng rebolusyon.
Pagkaalis sa Rosales, Pangasinan, saan nagtago si Mabini kung saan siya nahuli kalaunan ng mga Amerikano?
Cuyapo, Nueva Ecija
Bakit isinulat ni Mabini ang El Verdadero Decalogo (The True Decalogue)?
Isinulat ni Mabini ang El Verdadero Decalogo upang ipaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan. Naniniwala siya na maraming rebolusyonaryo ang hindi nauunawaan ito, sapagkat iniisip nilang ang kalayaan ay paggawa ng anumang naisin, kahit masama. Itinuro ni Mabini na ang kalayaan ay “para lamang sa kabutihan at kailanman ay hindi para sa kasamaan,” at dapat laging nakaayon sa katuwiran, mabuting budhi, at kapakanan ng bayan.
Sino ang abogado na may-ari ng lupain kung saan nagtrabaho si Mabini bilang sakatero na siya ring nagpaaral kay Mabini ng Pilosopiya at Abogasya sa UST?
Don Arcadio
Ang _________ ay kasama ni Apolinario Mabini hanggang 13 May 1903 dahil sa isang pangako.
(answerable through deductive reasoning! You must know the DATE that 13 May 1903 is his death-date, and combined w/ the clue “isang pangako” and “ang” (referring to bagay), then you would know it is the coin!)
Ika-13 ng Mayo, 1903 ay ang kamatayan ni Apolinario Mabini; kasama niya hanggang kamatayan ang piso o barya na binigay sa kanya ng kanyang ina. Walang pamasahe si Dionisia na nagbenta ng kape sa Lipa, kaya nilakad niya hanggang makauwi habang umuulan. Nang makita ni Mabini ang ina, pinangako niya na mula noon ay hindi na niya gagastusin ang barya at siya ay magiging isang mabuting tao.
Nito lamang nakaraan, nakatanggap ng dalawang subpoena mula sa PNP si Joaquin Buenaflor, ang chairperson ng UPD University Student Council, para ‘di umano sa kanyang pagganap bilang “organizer” o tagapagpalaganap ng mga nagaganap na mobilisasyon. Isa sa mga epektibong paraan upang maunawaan ang nakaraan ay pagdugtungin ang ugat sa kanyang mga bunga. Magbigay ng naratibo ng isa sa mga pagkakataong sinubukang patahimikin ng kinauukulan si Apolinario Mabini.
Isa si Mabini sa tiniktikan ng pamahalaan ng Espanya; Cuerpo de Vigilancia de Manila; ikinulong siya sa San Juan de Dios na walang doktor hanggang hindi siya nangangakong mananahimik
Kahit hindi na kasama ng gobyerno, nakita pa rin ng Amerikano na delikado si Mabini. Nadakip siya at ipiniit sa Intramuros para itigil ang pagsulat niya laban sa gobyerno pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtindig.
(Nagtago sa Cuapo Nueva Ecija ngunit nahatulan sa Intramuros noong ika-10 ng Disyembre 1899; “Utak ng Himagsikang Filipino”
Pinalaya noong ika-23 ng Setyembre 1900, pero hindi siya nakatira sa Maynila nang walang pahintulot; kailangan daw niyang ihinto ang paghihimagsik)
Sa hinaba-haba ng pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagkaroon ng tinatawag na “religious assimilation” o pagtagas ng relihiyon ng dominanteng grupo sa pangkat na sinisikil. Ang mga impluwensiyang ito ay maaaring manatili kahit matapos ang direktang ugnayan sa pagitan ng dalawa. Nang nagwakas ang pamamahala ng Espanya matapos dumating ang bagong salta, ang Estados Unidos. Magbigay ng isa sa mga simbahang pinagkanlungan ng kongreso sa paglayo nila mula sa mga bagong maninikil.
1. Barasoain Church
2. San Isidro Church
Noong ika-4 ng Julyo, 1902, idineklara ng Estados Unidos na tapos na ang “Tagalog Insurrection” o ang pagtutol sa pagkilala sa awtoriti ng mga Amerikano. Dadalawa na lamang ang natira sa mga ipinatapon sa Guam: sina Apolinario Mabini at si Gen. Artemio Recarte. Sa panahong ito, patuloy na lumala ang karamdaman ni Mabini at umusbong ang isang dilemma: nais niyang mamatay sa sariling bayan ngunit dapat siyang manumpa ng katapatan sa mga Amerikano. Kung ikaw ang nasa mga binti ni Mabini, ano ang iyong gagawin?
Kanya-kanya ng pagpapakita ng TUNAY na katapatan sa bansang Pilipinas dahil hindi pa umuusbong ang “pormal” na depinisyon ng pagiging isang Pilipino. Ang paraan ni mabini para maipakita ito ay ang pagsulat sa dyaryo; “nanumpa siya ng katapatan” o ginawa niya yung oath of allegiance, pero sa loob-loob niya ay nasa kababayan pa rin niya ang kanyang tunay na pagmamahal. Ginusto man niyang sumulat pang muli para sa bayan, binawian na siya ng buhay.