Ano ang tawag sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaang panlalawigan?
Gobernador
Anong aspeto ng programa ng pamahalaan ang saklaw ng K-12 Curriculum?
Edukasyon
Aling artikulo ng 1987 Konstitusyon ang tumatalakay sa pagkamamamayang Pilipino?
Artikulo I, Artikulo II, Artikulo III o Artikulo IV
Artikulo IV
Ang gobernador ang may pinakamataas na kapangyarihan sa isang lungsod.
Mali - ➝ Ang alkalde ang may pinakamataas na kapangyarihan sa isang lungsod, hindi ang gobernador.
Ang National Greening Program (NGP) ay isang programa ng pamahalaan na may layuning protektahan ang ano?
Pagkalikasan
Ano ang pangunahing batayan ng pagkamamamayan ng isang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987?
Jus Soli o Jus Sanguinis
Jus Sanguinis
Sino ang namumuno sa Sangguniang Barangay?
Punong Barangay
Anong aspeto ng programa ng pamahalaan ang nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyong medikal sa mga pampublikong ospital?
Pangkalusugan
Ang isang bata na ipinanganak sa ibang bansa ngunit may mga magulang na Pilipino ay awtomatikong itinuturing na?
Mamamayang Pilipino
Ano ang tawag sa batas na nagbibigay ng higit na kapangyarihan sa mga pamahalaang lokal upang pamahalaan ang kanilang nasasakupan?
Local Government Code of 1991
Ano ang tawag sa sektor ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpapalago ng produksyon ng pagkain mula sa lupa at tubig?
Agrikultura
Aling paraan ng pagkamamamayan ang hindi kinikilala sa Pilipinas?
Jus Soli
Ano ang tawag sa pinakamababang antas ng pamahalaang lokal sa Pilipinas?
Barangay
Aling programa ng pamahalaan ang tumutulong sa mga Pilipino upang makapagsimula ng maliit na negosyo?
Pangkabuhayan
Ano ang tawag sa proseso kung saan ang isang dayuhan ay nagiging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng batas?
Naturalisasyon