Ito ay tumutukoy sa samahan o organisasyong pulitikal na itinataguyod ng grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ngkaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
PAMAHALAAN
Ito ang punong tanggapan ng Pangulo ng bansa.
Malacanang
Ito ay sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas.
Sangay ng Tagapagpaganap
Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga ____________.
Hukom at Mahistrado
Ito ang tawag sa kapangyarihan ng Pangulo na tanggihan ang isang buong panukalang batas o bahagi ng batas.
veto power
Ang ___________ ang may kapangyarihang alisin sa tungkulin ang sinuman sa Kanyang hinirang.
Pangulo
Ano ang edad ng isang kandidato upang maging kwalipikado sa pagkakandidato sa pagkasenador?
35
Gaano kalawak ang lupang sakop ng isang lugar upang matawag na lalawigan?
2,000 kilometro kuwadrado o higit pa
Siya ay kapalit ng Pangulo kung ito ay magbitiw, na-impeach, o namatay.
Bise Presidente
Ang _______ ang namumuno sa lunsod o bayan.
Alkalde
Tawag sa namumuno sa lalawigan.
Gobernador
Ang pamahalaang lokal ayon sa itinadhana ng Batas Republika Blg.7160 ay bumubuong lalawigan, lungsod, bayan at _______.
barangay
Aling ahensya ng pamahalaan ang namamahala para sa mga proyektong pang impra estruktura na kinabibilangan ng national roads , tulay , paliparan , daungan , at mga silid aralan
DPWH
Ito ay ang muling pagsasagubat o pagtatanim ng mga puno sa mga lugar na pinutulan ng puni o ng mga nakalbong kagubatan.
Reforestation
Ang isang tao na pinaghihinlaan ng batas ay kailangan ng _______ bago sumama sa pulis na nanghuhuli sa kanya.
Warrant of Arrest
Upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan, may mga ahensiya ang pamahalaan na tumutugon sa pangangailagang ito. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o mananakop, lokal man o banyaga.
DND
Ito ang tawag sa pagsusuri na maaaring gawin kapag nagmalabis sakanyang Kapangyarihan ang isang sangay
check and balance
Sa Sagisag ng Pangulo ng Bansa, ito ang sumisimbolo sa tatlong bahagi ng bansa, ang Luzon, Visayas, at Mindanao.
tatlong bituin
Alin sa mga lugar sa buong Metro Manila ang hindi pa Lungsod dahilan sa maliit na sukat ng lupa nito?
Pateros
Ang Kagawarang ito ang naglulunsad ng mga programang pangkapaligiran tulad ng tree planting activity at mga clean- up drive.
DENR