MGA BAYANI
SIMBOLO, WIKA, AT PAGPAPAHALAGA
ELEMENTO NG SANAYSAY
PANGATNIG
PAV
100

Sino ang tinaguriang “Dakilang Lumpo” dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagsilbing pangunahing tagapayo ng rebolusyon?
A. Andres Bonifacio
B. Apolinario Mabini
C. Emilio Jacinto
D. Marcelo H. del Pilar

B. Apolinario Mabini

100

Ang ningning ayon kay Jacinto ay simbolo ng—
A. panandaliang karangyaan
B. liwanag ng isip
C. malinis na budhi
D. kalayaan ng bayan

A. panandaliang karangyaan

100

Ano ang tawag sa pinaka-paksa o pangunahing pinag-uusapan sa isang sanaysay?
A. Estruktura
B. Kaisipan
C. Paksa
D. Motibo

C. Paksa

100

Ipinaglaban ng mga Propagandista ang reporma, _______ hindi sila pinakinggan.
A. ngunit
B. kaya
C. lalo na
D. datapwat

A. ngunit

100

“Maraming Pilipino ang nakararanas ng matinding kahirapan.
A. Dalita
B. Taghoy
C. Inadhika
D. Hinagpis

A. Dalita

200

Alin sa sumusunod ang akda ni Marcelo H. del Pilar na tumutuligsa sa maling gawain ng mga prayle?
A. Noli Me Tangere
B. Ang Sampung Utos ng Prayle
C. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
D. Ningning at Liwanag  

B. Ang Sampung Utos ng Prayle

200

Ano ang simbolismo ng liwanag sa akda ni Emilio Jacinto?
A. Pera at yaman
B. Karunungan at katotohanan
C. Tapang at katatagan
D. Tagumpay at kapangyarihan

B. Karunungan at katotohanan

200

Ano ang tinutukoy na layunin ng manunulat kung bakit niya isinulat ang sanaysay?
A. Estruktura
B. Motibo
C. Uri
D. Kaisipan

B. Motibo

200

Maraming bayani ang nag-alay ng buhay, _______ si Dr. Jose Rizal.
A. kaya
B. lalo na
C. bagaman
D. subalit

B. lalo na

200

“Si Rizal ay nagsumikap nang labis upang maipahayag ang katarungan.”
A. Mahagilap
B. Hinagpis
C. Inadhika
D. Puspusin

C. Inadhika

300

Ano ang bansag kay Emilio Jacinto dahil sa kanyang talino at akdang gaya ng Ningning at Liwanag?
A. Supremo ng Katipunan
B. Ama ng Katipunan
C. Utak ng Katipunan
D. Dakilang Lumpo

C. Utak ng Katipunan

300

Ano ang pagpapahalaga na isinasaad sa “Huwag mong iwaksi ang wikang sinilangan”?
A. Pagpapahalaga sa sariling wika
B. Paggalang sa nakaraan
C. Pagpapalago ng kaalaman
D. Pagmamahal sa bayan

A. Pagpapahalaga sa sariling wika

300

Ano ang wastong estruktura ng isang pormal na sanaysay?
A. Simula – Katawan – Wakas
B. Gitna – Panimula – Konklusyon
C. Wakas – Katawan – Simula
D. Problema – Solusyon – Wakas

A. Simula – Katawan – Wakas

300

Hindi nagtagumpay ang Propaganda Movement, _______ sumiklab ang Himagsikan.
A. kung
B. datapwat
C. kaya
D. sakali

C. kaya

300

“Ang puso ng mga Pilipino ay puno ng kalungkutan.”
A. Hinagpis
B. Taghoy
C. Mahagilap
D. Dalita

A. Hinagpis

400

Sino ang tinaguriang “Ama ng Katipunan” na sumulat ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog?
A. Andres Bonifacio
B. Emilio Jacinto
C. Jose Rizal
D. Marcelo H. del Pilar

A. Andres Bonifacio

400

Alin ang pagpapahalagang makikita sa pahayag na “Ang lupang sinilangan ay higit pa sa ginto”?
A. Pagpapahalaga sa materyal na bagay
B. Pagmamahal sa sariling bayan
C. Paggalang sa pamahalaan
D. Pagpapahalaga sa kalayaan

B. Pagmamahal sa sariling bayan

400

Alin sa mga uri ng sanaysay ang gumagamit ng seryoso at obhetibong tono?
A. Pormal
B. Impormal
C. Halo-halo
D. Di-tiyak

A. Pormal

400

Magkakaroon lamang ng kalayaan ang Pilipinas, _______ magtutulungan ang lahat ng mamamayan.
A. kung
B. subalit
C. bagaman
D. datapwat

A. kung

400

“Lubusang mapunan ang mga adhikain para sa reporma.”
A. Mahagilap
B. Puspusin
C. Taghoy
D. Hinagpis

B. Puspusin

500

Ano ang dalawang nobelang isinulat ni Rizal na naging mitsa ng Himagsikan?
A. Florante at Laura at Urbana at Feliza
B. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
C. Dasalan at Tocsohan at Sampung Utos ng Prayle
D. Ningning at Liwanag at Ang Dapat Mabatid

B. Noli Me Tangere at El Filibusterismo

500

Ano ang sinisimbolo ng pahayag na “Ang bayan ay parang ilog na dumadaloy sa puso ng bawat mamamayan”?
A. Pagkakaisa at pagmamahal
B. Kayamanan at kapangyarihan
C. Pagmamalasakit at pag-ibig
D. Kapangyarihan at giting

A. Pagkakaisa at pagmamahal

500

Sa sanaysay na “Walang Lugar ang Pang-aabuso,” ano ang pangunahing kaisipan?
A. Mahalaga ang pagiging mabait at maunawain sa kapwa
B. Normal ang pang-aabuso sa lipunan
C. Lahat ng tao ay dapat magpatawa
D. Empatiya ay hindi kailangan

A. Mahalaga ang pagiging mabait at maunawain sa kapwa

500

Sumulat si Marcelo H. del Pilar laban sa katiwalian ng mga prayle, _______ siya’y kinilalang lider ng Propaganda.
A. kung gayon
B. ngunit
C. subalit
D. bagaman

A. kung gayon

500

“Maririnig ang malungkot na pag-ungol ng damdamin.”
A. Dalita
B. Taghoy
C. Hinagpis
D. Mahagilap

B. Taghoy