Ito ang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa sistemang arbitraryo na ginagamit ng isang partikulat na grupo ng tao na kabilang sa iisang kultura
Wika
Isang patakarang pangwika na ang gagamitin lamang na wikang panturo sa lahat ng antas ng pag-aaral ay iisang wika lamang
Monolinggwalismo
Ang ikalawang anyo ng Ortograpiyang Pilipino na nakilala noong panahon ng mga kastila?
Abecedario
Ang Unang naging sistema ng Ortograpiya ng mga sinaunang katutubo
Baybayin
Ang batas na nagtatakda na “Ang Pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino” na kinakailangan na gamitin, pagyamanin at pagyabungin, salig ang mga umiiral na katutubong wika sa bansa
Konstitusyon ng 1987, Artikulo 14, Sek. 6
Dalawa mula sa mga dahilan kung bakit “Tagalog” ang ginamit na batayan bilang wikang pambansa
Maraming Nakakaalam
Maraming mga Panitikan ang naisusulat dito
Ang Wika ng Sentro ng Pamahalaan
Ito ang wika ng Komersyo, Kalakalan, Pulitika at Transportasyon.
Ang Ama ng Balarilang Tagalog
Lope K. Santos
Ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Sosyolek
Ang anyo/diwa ng wika nuong panahon bago dumating ang mga Amerikano?
Diwang Mapanghimagsik
Saklaw ng tungkulin ng wikang ito ang pagkuha o paghanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-uusapan
Heuristiko
Ang tinuturing na makabagong bugtungan sa modernong panitikan
Pick-Up Lines
Ang isa sa mga anyo ng Di-berbal na Komunikasyon na tumutukoy sa pandama o paghawak na naghahatid ng mensahe.
Haptiks
Ang makaagham na pag-aaral ng wika?
Linggwistika
Ano ang mali sa pamagat ng Balita:
"2 Sasakyan, Nagbanggaan!"
"2 Sasakyan, NagKAbanggan"
Ang gitlaping "ka" ay nag-aalis sa intensyon ng banggaan
Ang maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
Pananaliksik
Mga impormasyong natanggap mismo sa manunulat/eksperto, mga tunay na dokumento, kasulatan at memorandum at maging mga grupo ng tao at ang kanilang mga kaugalian at tradisyon.
Hanguang Primarya
Sistematikong listahan ng mga gawa na isinulat ng isang tiyak na may-akda, mga babasahin gaya ng sangguniang aklat, pahayagan, magasin, dyornal atbp.
Talasanggunian
Ang programa ng DepEd na tumutulong sa pagpapaunlad ng mga wikain sa Pilipinas.
Mother Tounge Based Multi-lingual Education
Nasa anong kayarian ng pangungusap ang nasa ibaba:
"Nahuli na ang mga masasamang loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin."
Langkapan
Ito ang sentrong kaisipan ng isang partikular na pahayag/impormasyon
Tesis
Ang sistematikong pagbubuo, paghahanay, at pag-uugnay ng mga ideya upang maging malinaw na ugnayan sa pagbabalangkas ng mga kaisipan, ideya, saloobin at katotohanan.
Impormasyon
Ang uri ng tekstong may subhektibong tono sapagkat malayang ipinapahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
Tekstong Persweysiv
Tatlong paraan ng Panghihikayat
1. Ethos - gamit ang damdamin
2. Pathos - gamit ang mga Kredibilidad
3. Logos - gamit ang mga simbolo
Malimit na gamiting paraan bago sumulat ng isang teksto, panig, at iba pang mga anyo ng sulatin.
Tentatibong Balangkas
Ang mga kabanata ng Pananaliksik
1. Kaligiran ng Pag-aaral
2. Mga Kaugnay na mga Literatura
3. Metodolohiya
4. Paglalahad ng mga Datos
5. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon