Sinong anak ni Saul ang naging malapit na kaibigan ni David?
Jonatan. (1 Samuel 18:1)
Nagtanong si Paraon: "Sino si ____ anupat susundin ko ang kaniyang tinig?"--Exodo 5:1, 2
Jehova.
Tama o mali? Napangasawa ni Noemi si Boaz.
Mali. Napangasawa ni Ruth si Boaz. (Ruth 4:13)
Ilang sundalo ng Asirya ang pinatay ng isang anghel noong panahon ni Hezekias?
185,000. (2 Hari 19:35)
Saan matatagpuan ang mga tangkay ng lino na pinagtaguan ni Rahab sa mga espiya?
Sa bubong. (Josue 2:6)
Sino ang ina ni Ruben?
Lea. (Genesis 29:32)
Sinabi ni propeta Samuel kay Saul: "Ang ____ ay mas mabuti kaysa sa hain."--1 Samuel 15:22
Pagsunod.
Tama o mali? Si Samuel ang nag-iisang anak ni Hana.
Mali. Nagkaanak pa si Hana ng tatlong lalaki at dalawang babae. (1 Samuel 2:21)
Ilan ang sundalo ni Gideon?
Anong instrumento sa musika ang tinutugtog ni Miriam?
Tamburin. (Exodo 15:20)
Sino ang tatay ni Hukom Samson?
Manoa. (Hukom 13:8)
Sinabi ni Job: "Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking ____!"--Job 27:5
Katapatan.
Tama o mali? Si Esther ay isang ulila na naging reyna.
Tama. (Esther 2:5, 7)
Ilang araw napasa mga panloob na bahagi ng isda si Jonas?
3. (Jonas 1:17)
Anong bagong pangalan ang ibinigay ng isang anghel kay Jacob?
Israel. (Genesis 32:28)
Sino ang asawa ni Moises?
Zipora. (Exodo 18:2)
Sinabi ni Josue: "Kung para sa akin at sa aking sambahayan ____ kami kay Jehova."
Maglilingkod. (Josue 24:15)
Tama o mali? Si Aaron ay mas matanda kay Moises nang tatlong taon.
Tama. (Exodo 7:7)
Ilang taon si Abraham nang isilang ang anak niyang si Isaac?
100. (Genesis 21:5)
Saang lunsod tumakas si Lot bago wasakin ni Jehova ang Sodoma?
Zoar. (Genesis 19:23, 24)
Sino ang kabataang binuhay-muli ni Pablo?
Eutico. (Gawa 20:9, 10)
Sinabi ni Jehova na si David ay "isang lalaking ____ sa [kaniyang] puso."--Gawa 13:22
Kalugod-lugod.
Tama o mali? Hindi nag-asawa si Pedro.
Mali. (1 Corinto 9:5; Juan 1:42)
Ilang taon gulang si Josias ng maging hari?
8. (2 Cronica 34:1)
Ano ang inireregalo ni Hana kay Samuel taon-taon?
Isang damit na walang manggas. (1 Samuel 2:19)