Sa halip na gampanan ang kaniyang atas, ipinasiya niya na takasan ito. Anak ni Amitai.
Jonas
Ang kabiserang lunsod ng sinaunang bansang Israel
Jerusalem
Pinatay niya ang kaniyang kapatid dahil sa inggit.
Cain
Ang lalaking ito na pastol, manunugtog, makata, kawal, estadista, propeta, at hari ay lubhang namumukod-tangi sa Hebreong Kasulatan.
Inilarawan bilang ang unang tao na may pananampalataya.
Abel
Isang propeta, ang anak ni Amoz. Naglingkod siya sa Juda at Jerusalem noong mga araw ng mga haring sina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias ng Juda. Noong panahong naglilingkod siya bilang propeta sa Juda, lalo na noong mga araw ni Haring Ahaz, ang kalagayan ng kaharian sa moral ay napakasama.
Isaias
Ang lunsod sa Mesopotamia kung saan isinilang ang kapatid ni Abram (Abraham) na si Haran (at malamang na pati si Abraham).
Itinakwil niya ang kaniyang kaibigan para sa 30 pirasong pilak.
Judas Iscariote
Pagkatapos ng pagpaslang sa kaniyang ama at ng paglalapat ng kamatayan sa mga nagsabuwatan, ang walong-taóng-gulang na ito ay naging hari ng Juda.
Haring Josias
Isa sa 12 apostol. Anak ni Zebedeo at kapatid ng apostol na si Santiago.
Juan
Ginamit ni Jehova upang ipatawag si Barak mula sa Kedes-neptali at sabihin dito ang layunin ng Diyos na gumamit ng 10,000 lalaki upang talunin ang napakalaking hukbo ng Canaanitang si Haring Jabin sa ilalim ng pinuno ng hukbo na si Sisera.
Debora
Ang lugar kung saan isinilang si Jesus
Betlehem ng Juda
Nilusob ang Juda noong panahon ng paghahari ni Hezekias. Anak ni Sargon II
Senakerib
Isang kilalang hari ng Babilonya.
Haring Nabucodonosor
Tumakbo na nagpapauna at umakyat sa isang punong sikomoro na naroon sa ruta na pagdaraanan ni Jesus.
Zakeo
Isang propetang Israelita noong ikapitong siglo B.C.E at ang manunulat ng aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. Ang kaniyang pagiging Elkosita ay maliwanag na nangangahulugang tumatahan siya sa Elkos, posibleng isang lunsod o nayon sa Juda.
Nahum
Isang sinaunang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. Itinayo ito pitong taon bago ang Zoan sa Ehipto. Ang mga patriyarkang sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nanirahan nang ilang panahon dito bilang dayuhan.
Hebron
Isang Horonita. Sinalansang niya ang pagsisikap ni Nehemias na kumpunihin ang pader ng Jerusalem.
Sanbalat
Kinapitan ng ketong noong magalit ito sa mga saserdote dahil sinaway nila siya sa labag na pagpasok niya sa templo at pagtatangkang maghandog ng insenso.
Haring Uzias
Ang mabilis na pagkilos ng kabataang ito ang nagpatigil sa salot mula kay Jehova pagkamatay ng 24,000 Israelita sa Kapatagan ng Moab dahil sa pakikiapid at dahil inilakip nila ang kanilang sarili sa Baal ng Peor.
Pinehas
Itinago niya ang 100 propeta ni Jehova “nang lima-limampu sa isang yungib” noong ipag-utos ni Jezebel na pataying lahat ang mga ito.
Obadias
Isang lugar sa labas ng Jerusalem kung saan, sa loob ng mahaba-habang panahon, ang mga apostatang Israelita, kasama na sina Ahaz at Manases, ay nagsagawa ng paghahain ng mga anak.
Topet
Pamangkin ni David; anak ng kapatid nito na si Simeah. “isang taong napakarunong” ngunit tuso at mautak.
iminungkahi niya ang pakana na sinunod naman ni Amnon para mapagsamantalahan niya si Tamar.
Jehonadab
Humalili sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Ahazias bilang ikasampung hari ng hilagang kaharian ng Israel. Patuloy niyang ginawa ang “masama sa paningin ni Jehova,” anupat nangunyapit sa pagsamba sa guya na pinasimulan ni Jeroboam.
Haring Jehoram
Isang propeta ni Jehova. Mula sa kaniyang pag-iisa sa ilang sa dakong timog, isinugo siya sa idolatrosong sampung-tribong kaharian sa hilaga na ang kabisera ay Samaria.
Amos